Prolouge

784 34 3
                                    

Someone's POV

Nagsipag takbo na ang mga kasamahan namin. Mauubos na kami. Pito na lang kaming natitira dito. Isang buong party nalang.

Yung kulay pulang bato sa dibdib nya! Dun nyo patamaan! Ayun ang kahinaan nya! sigaw nang strategist namin.

Hiyaaaaaaaaaaaah!! Sabay sabay na sigaw

*Boooooooom*

Isang malaking pagsabog ang naganap.

---

*Kriiiiiiiiing*

(Lame)

Tumunog na ang bell sa Diamond Academy.

"Ok class, since eto na ang huli nating pagkikita. Gusto ko magpaalam sa inyo. Congratulations sa nalalapit nyong graduation" sabi ng isang nasa middle age na babae

"Wooooooh"
"Si ma'am nagdrama"
"Ang oa mo ma'am"
"Magkikita pa tayo sa graduation cher"

Ilan sa mga sinabi ng mga estudyante.

"Oshashasha, sige na. Bumalik kayo next week para sa practice ng graduation nyo" sabi nito

"Goodbye class" huling sinabi nito at umalis nang klase

"Pre, alam mo ba yung Glorified Souls Online?"

"Nabalitaan nyo na ba yung Glorified Souls Online?"

"Ilalabas na daw yung Glorified Souls Online?"

"Alin? Yung babago daw sa vrmmorpg genre?"

"Sus, sure ako magiging kagaya lang yan nung mga naunang Vrmmorpg"

Ilan sa mga pinaguusapan ng buong klase. Ngunit may isang tao ang parang walang pakialam sa mga pinaguusapan ng mga estudyante.

Lumabas na ang estudyante sa classroom at lumakad na sa hallway.

"Iiiiiiiiiiiiccccccceeeeeeee" sigaw ng isang lalake na naging sentro ng atensyon

"Ano ba yan? Sigaw naman ng sigaw. Binge ba ko?" Sagot ng binatang may pangalang Ice

"Ay sorry. Hahahaha. Oy bibili nako ng gamecard nung GSO. Ano bibili ka din ba?" Tanong ng binatang tumawag kay Ice

"Nagdadalawang isip nga ako e. Baka katulad lang din yun ng mga naunang vrmmo e." Sagot ni Ice

"Yaan mo na. Nagtatrabaho ka naman e. Tsaka pinapadalhan ka naman ng parents mo e. Walang problema sayo ang pera. Try na natin" sagot ng kausap ni Ice

"Osige na. Tara na. Alam ko namang nagpareserba ka na kila Kuya Pat" sagot ni Ice

Umalis na ang magkaibigan at naglakad na pauwe at dumaan sila sa Gaming Shop na nagngangalang Green House pero kulay yellow.

"Oh nandito na pala kayo Ice, at Raikou" sabi ng isang nasa mid 20's na lalake

"Kuya Pat!" Sagot ng dalawa
"Kunin na po namin yung gc na pinareserve ko" sagot ni Raikou

"Ah sandali. Kunin ko lang" at umalis ang lalake

"Pre dapat di na to kagaya nunf mga unang lumabas ha? Magququit na talaga ko" singhal ni Ice

"Oo pre ako din naman e" sagot ni Raikou

"Oh eto na yung card, gold card yung tinabi ko. Bigyan ko kayo ng 25% discount" sabi ni Kuya Pat

"Yon. Kunin na po namin" at nagbayad na ang dalawa

"Sige po Kuya dito na po kami" paalam ng dalawa

"Sige mag iingat kayo" sagot ng may ari ng shop

Umalis na ang dalawa

"Pre dito na ko" sabi ni Raikou

"Sige pre. Kita nalang tayo sa game" sagot ni Ice

"Pre...." nakayukong sabi ni Raikou

"Next week pa ang opening ng game" medyo natatawa tawang sabi ni Raikou

"Ay hayop. Kala ko nag-opening na" sabi ni ice habang kumakamot sa ulo

"After graduation pa yung date hahaha kaya buong summer vacation tayo maglalaro" sabi ni Raikou

"Umalis kana nga nababanas ako sa mukha mo e" sabi ni Ice

"Sige. Ciao~" kumakaway na sabi ni Raikou habang naglalakad palayo

~~~~~

Heyow! Hahahaha Im baaaack~
Sana magustuhan nyo ang bagong GSO.

Lovelots

Glorified Soul Online: The Chaos ChroniclesWhere stories live. Discover now