Chapter 11

272 21 0
                                    


Thunder's POV

Sinimulan na namin ang Operation: Saving the Princess...

Di ko alam bakit ganyan pinangalan ni Ice, I mean, ayos lang naman pero wala ba yung mas maganda, yung mas thrilling pakinggan, hayaan na nga

Kasalukuyan, kaming nandito sa labas mismo ng kaharian ng mga drow elves

Kasalukuyan, kaming nandito sa labas mismo ng kaharian ng mga drow elves

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagtatago kami dito sa isang kweba sa malapit

Naghahanda na kami sa pagsugod, actually, siguro yung oras dito sa game mga bandang 11pm na

Sinabi ni Ice na gabing gabi kami susugod para iligtas ang prinsesa, bakit kaya laging prinsesa yung nakikidnap? Tsaka yung laging dapat iligtas? Nagtataka lang ako.

"Ok, uulitin ko yung plano" sabi ni Ice

"Minerva, Atrum, at Reina, kayo ang magiging decoy namin" sambit nito habang nakatingin sa amin

"Kayo ang magdi-distract sa front gate para makapasok kami mula doon sa mahinang parte ng pader" at tinuro nya din yung sinasabi nyang mahinang part

Tumango yung tatlo, at pinagpatuloy ni Ice ang pagsasalita

"Rose, General Alre at Elluin" at binaling nya ang tingin doon sa tatlo

"Kayo namang tatlo ang maghahanap sa buong bayan, halug hugin ninyo ang buong bayan" sabi nya at muling nagsalita

"Hanapin nyo kung may mga hidden basements ang lugar at kayo din ang magiging gabay natin paglabas ng bayan, kaya humanap kayo ng escape route kung kinakailangan at entry route para sa grupo nila Reina" sabi pa nito at nagsipagtanguan ang lahat

"Thunder, sayo ang pinaka mahirap na trabaho" napalunok ako ng laway sa sinabi nya

Kahit nasabi na nya to kanina, nakakatakot pa din

"Ikaw ang maglalabas sa prinsesa, ikaw ang magiging guard ng prinsesa, kapag nailigtas na natin ang prinsesa mauuna kang umalis at hintayin mo kami sa sinabi kong meeting place natin" tumango ako at tinibayan ang loob

"Wag kang mag-alala kasama mo kami ni Dark sa paghahanap sa prinsesa, at siguraduhin mong kapag nasa atin na ang prinsesa ay umalis na kayo agad at protektahan mo siya" tumango tango ulit ako

"Dark, sasamahan natin si Thunder sa paghahanap sa prinsesa sa kastilyo" at tumango yung assassin na may nakakatakot na aura

"Ok, let the operation, begins" at lumakad na si Ice palabas ng kweba at sumunod na ang mga kasama namin pati ako syempre

Nandito kami sa may mga puno, inaantay namin ang signal ni Ice na magsimula na

Glorified Soul Online: The Chaos ChroniclesWhere stories live. Discover now