Chapter 24

344 13 3
                                    

3rd Person's POV

Sa loob ng tatlong araw ay napag isa nga nina Ghost, Dark, Crimson at Ice ang kanilang katawan, tinulungan sila ng scientist na si Proffesor Alan Shade na isang half pinoy at half american na nagaaral tungkol sa espasyo sa pagitan ng dalawang mundo, ang virtual world at real world

Ang Blank Void, ang tinawag ng mga scientist sa espasyong naghihiwalay sa VW at RW

Dahil sa patuloy na pag gamit ng mga tao mula sa real world ng virtual reality at iba pang advance na teknolohiya unti unting nasira ang blank void at nagkakaroon ng tulay ang dalawang mundo at unti unti itong nagmemerge

Sa tulong nga ni Prof. Shade ay nagawa agad nila Ice at kanyang mga kaibigan ang pag isahin ang kanilang katawan sa real world at virtual world

Tinawag itong Soul Merging, ang ginawang ito nila Ice ay hindi talaga pag iisa ng katawan ngunit ito ay pag iisa ng kanilang pag iisip at kaluluwa

Ang soul merging ay magagawa sa pagtawid ng mismong conciousness ng tao patungong virtual world, at hindi na lamang program ang nagpapatakbo ng kanilang katawan

Maihahalintulad ang sitwasyon ng katawan nina Ice sa real world sa isang totoong patay na tao, wala nang buhay ang mga totoong katawan nila, pero maaari nila itong balikan kung napinsala ng sobra ang avatar nila

Sa paglipas ng tatlong araw ay nasa kwarto kung saan ginamot si Dark ay naghihintay si Crimson at si Ghost sa dalawa pa nilang kaibigan

Crimson's POV

Nandito ko ngayon sa kwarto na pinag gamutan ko kay Dark, kasama ko si Ghost, ang pinaka malakas na player killer sa GSO

Nakakatakot yung presensya nya, oo maganda sya pero nakakatakot pa din!

"Uhm, Ano, Crimson ang pangalan mo diba?" Pagsasalita nya habang nakayuko, nakaupo kasi sya sa kama at ako ay nakaupo dito sa may bintana

"Oo" maikli kong tugon, aba nakakatakot kaya baka bigla nya kong saksakin nung malaki nyang espada

"Pasensya ka na sa nagawa ko sayo dati" ngayon, nakatitig sya sakin habang sinasabi yun

Bigla syang yumuko pagkasabi nya nung,mga salitang yun

"Ah wala yun, kalimutan mo na yon, past is past, pinatawad na kita, let's be friends from now on" at tumayo ako at lumapit sa kanya, inabot ko yung kamay ko at nakipag shake hands sya

Sinuklian nya lamang ako ng ngiti

Nang pabalik na ko sa pwesto ko kanina ay may napansin ako mula sa labas, may nakamasid samin, mukhang malalakas sila dahil sa galing ng pagtatago ng presensyang ginagawa nila kaya hindi ko pinahalatang alam ko kung nasan sila, hihintayin ko muna sila Ice bago gumawa ng hakbang

"Ghost, nararamdaman mo din sila diba?" Pagtatanong ko sa kasama ko, biglang nagbago yung itsura nya kanina ang inosente nyang tingnan ngayon para na syang isang tigre na handang lapain ang kanyang prey

"Anong gusto mong gawin natin?" Pagtatanong nya na akmang tatalon na sa bintana

"Huminahon ka, wala pa naman silang ginagawa, sa ngayon hintayin natin sina Ice bago gumawa ng hakbang" sabi ko sa kanya habang hawak ang kamay nya

Dahil naka patong na ang isang paa nya sa may bintana ay bigla akong na out of balance dahil sa pag bangga sa upuan na inupuan ko kanina at nakahawak pa din ako sa kamay nya kaya parehas kaming natumba

Ang ending, nakapatong sya sakin, don't get me wrong, nakapatong lang talaga sya

"Ghost, ayos ka lang ba?" Pag tatanong ko sa kanya

"Oo, ayos lang ako, ikaw mabigat ba ko?" Pagtatanong,nya na may bakas ng pagaalala sa boses nya

Tumayo na sya at tumayo na din ako

"Guys, kunyare di ko nakita yun" sabi ni Ice na nasa pinto katabi si Dark, at may kasama silang dalawang player pa na nakahood

"Pffft, kunyare din wala kaming nakitang magkapatong kayo" sabi ni Dark na nang aasar ang ngiti

"Haaaay nako, hahahaha oshashasha, buti naman nandito na kayo" sabi ko sa kanila habang umi-iling iling ako

"Ay Skye at Ghost, this is Equinoxx and Zephyr, mga makakasama natin sila sa misyon natin" pagpapakilala ni Ice sa dalawang player na naka hood,

Si Equinoxx ay isang warlock na seraphim, kitang kita ang malaki nyang anim na pak pak na ngayon ay nakatupi, mayroon syang isang staff na may skull sa tuktok nito, ang Black Skull Staff, isa sa mga hinahanap kong legendary staff, mukhang kailangan ko nang maghanap ng bagong staff para sa koleksyon ko, at sa dalawang tagiliran ng warlock ay mayroong mga daggers, ang Yin Yang Daggers, waaaaah hinahanap mo din yan e, mayroon syang kukay green na mata at kulay puting buhok, astig nya at mukhang malakas

Yung isa naman na si Zephyr ay may kulay blue na mata at buhok, isang fallen angel, kitang kita naman sa black nyang pakpak, isang ninja, mayroon syang isang medium length na katana sa likod, ang engraving na yun na nasa hawakan ng katana nya, ang Spring Glass Katana, ang isa sa mga apat na epic swords, grabe nasa kanya pala yubg isa, nasa sakin kasi yung tatlo, tapos yung set nang shuriken nya sa isang maliit na pouch sa tagiliran nya ay ewan ko di ko makita yung info e surprise siguro

"Tutal, kumpleto na tayo, ano? Tara na?" Pagyaya ni Ice

Tumango kaming lahat at lumabas na

~~~

luckysiaquoe eto na... hahaha salamat sa pagsesend ng entry

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glorified Soul Online: The Chaos ChroniclesWhere stories live. Discover now