Ice's POV
Nasa harap kami ni King Elion Elmenor. Ang hari ng mga elves.
"Isang maganda araw sa inyo mga ginoo at binibini" sabi nito sa amin
"Magandang araw din po mahal na hari" tugon ko
Lumingon ako sa mga kasama ko at lahat sila ay medyo nakanganga at nakatulala
Siniko ko si Thunder at bumalik sya sa ulirat, at nagbow silang lahat
"Ay wag nyo gawin yan, dahil sa inyo malaya na uli kaming makahanap ng aming kakainin sa kagubatan" sabi ng hari
"Ano pong ibig nyong sabihin?" Pagtatakang tanong ni Rose
"Dahil sa inyong ginawang pagpatay sa chimera lion na naging hadlang sa pagkolekta nanin ng makakain sa gubat, kinakain at pinapatay nya ang mga lumalabas sa barrier na ginawa namin upang protektahan ang aming sarili" paliwanag ng hari
"Wala po iyon, may kasalanan din po kasi sa amin yung lion na yun" sabi ni Thunder
"Ngunit, kung inyong mamarapatin ay may isa akong kahilingan" sabi ng hari
"Ano po iyon mahal na hari?" Sabi ni Atrum
"Nais kong humingi ng tulong sa inyo para hanapin ang aking anak na prinsesa" maluha luha nitong pakiusap sa amin
Q
uest (Special)
The King's RequestSave the Princess
Rewards: ???
The princess has been kidnapped by the drow elves
Accept
DeclinePinindot ko agad yung accept, hindi naman nagreklamo ang mga kasama ko
"Maraming salamat" umiiyak na sabi ng hari
"Mahal na hari, saan po ba namin makikita ang mga drow elves na kumidnap sa prinsesa?" Tanong ni Rose
At ako, umiisip nako ng possible scenarios na pwede naming kaharapin
Rose's POV
Hi, first time ba to? Si author kuripot magbigay ng pov e
"Matatagpuan nyo ang kaharian bg mga drow elves sa bandang norte mula rito, isama nyo si General Alre, sya ang magiging gabay nyo sa pagpunta sa kampo ng mga drow elves" sabi ng hari at may lumapit na medium built ang katawan na lalake
"Ako si Heneral Alre ang gagabay sa inyo papuntang drow elves" at nagbow pa ito sa amin
Tinignan ko ang mukha ni Basic, na ngayon ay seryosong seryoso na mukhang nag iisip at may binubulong, masyadong seryoso, tsk
"Maaari kayong umalis mamayang gabi at may isa pang elf na sasama sa inyo, isang night elf na handang tumulong, sa ngayon ay mag pahinga kayo para may lakas kayo sa paglalakbay ninyo" sabi ng hari sa amin
Hinatid kami ng mga servants ng hari na mga elf din sa aming kwarto or rather bahay
"Grabe! Makakapagpahinga na tayo" sabi ni Thunder
"Maglolog out lamang ako" sabi ni Basic at hindi na inantay ang sagot namin
"Hayaan nyo siya, babalik agad yun, titingin lang yun sa notebook nya ng strategies at tactics" paliwanag ni Thunder sa amin
"Ah ganun ba? Maiba ko, Reina! Ano nang score nyo ni Basic?" Tanong ni Minerva
"Oo nga sis, ano na ba lagay nyo?" Pag-gatong ko sa tanong ni minerva

YOU ARE READING
Glorified Soul Online: The Chaos Chronicles
Science FictionA place where you can be who you are You can be anyone you want Where chaos is a good thing A game where everything seems real