3rd Person's POV
Anim na buwan ang nakalipas ng mawala si Ice, sa anim na buwan, naka-online ang karakter ni Ice, sa anim na buwan, wala sa kanilang bahay ang katawan ni Ice
Sa larong GSO, isang guild lamang ang namayani at ang tinuturing na pinaka malakas
Ang Quantum Unitum Est, ang guild na binuo ni Ice, na kasalukuyang nawawala pa din, si Dark, ang tumayong guild master sa loob ng anim na buwan. Naging kilala ang QUE(kyu) sa pagiging pk hunting guild
Sa mga nagdaang buwan, kinilala ang Que sa pagiging pinaka malakas, dahil sa nagdaang Tournament of Power ng mga guilds sa GSO.
Nanguna ang Que sa loob ng anim na ToP na nagaganap buwan buwan
Ice's POV
Six months na din, simula nung huling magpakita ako sa mga kaibigan ko
Ang guild na ginawa ko, ang guild na tatapos sa Chaos Chronicles
Sila na ang pinakamalalakas na player, tiyak akong kaya na nila ang parating na sakuna
Sa loob ng anim na buwan, ang katawan ko sa real world ay unti unti nang namamatay, dahil sa sakit na akala ko ay magaling na ako, nasa ospital ang katawan ko, pero ilang araw o linggo nalang ang itatagal nito
Sa anim na buwan na lumipas kasama ko si Skye Smith, isang pinoy na hilig din ang gaming
Ang pangalan nya sa game ay Crimson, isang classless human, ang character nya ay nakatagpo ng isang special AI na magbibigay ng classless character na pwedeng gumamit ng kahit anong weapon at magic isang OP na class
Pero bago lang sya sa VRMMORPG kaya sinamahan ko sya, naging mentor nya ko dahil sa masyadong OP ang character nya tinuro ko sa kanya ang basics ng game naging magkaibigan kami, alam nya ang tungkol sa sakit ko
Dahil, may sakit din sya. Parehas kaming mamamatay na. Pero bago kami mamatay, nagkasundo kaming tapusin ang game at isecure na hindi matutuloy ang Chaos Chronicles
Isasama namin ang mga kaibigan namin, alam kong ang walong supreme being successor ay nasa Que pati ang apat na celestial being successor
Pero may kulang pa, hindi sapat ang lakas ng Supreme at Celestial beings, sa ngayon ay ako ang Successor ng God of Death, si Thanatos, natalo ko sya kasama si Skye o Crimson, ayun ang kailangan para maging successor ng Gods, ang patayin mo sila, isa akong God slayer
Si Crimson naman ay ang Classless Unknown. Yan ang naging bansag sa kanya sa game
Sa ngayon ay nandito kami sa bayan ng Genesis. Magaapply kami i mean si Crimson sa Que.
Nakanewbee set kami parehas para iwas atensyon
Nakarating kami ni Crimson sa guild house ng Que, nalula ako sa laki na nito. At ang balita ko ay hindi sila basta basta tumatanggap ng members. Puro mga pk hunters ang members nila, na nasa 50+ din
"Woah! Sure ka tama tong pinuntahan natin?" Tanong sa akin ni Crimson
"Oo naman, tara na sa loob, iequip muna natin yung mga totoong equipments natin"
Tumango sya at inequip ko na yung nakuha kong leather armor mula sa elf king at yung main weapon kong payong
Si Crimson ay classless kaya nakakapagsummon sya ng ibat ibang weapons
Tinulak ko ang pinto, nakita ko ang gulat sa mga mukha nila
Sobrang tahimik
"Iiiiiiiccccccceeeeeee!" Sigaw nilang lahat at tumakbo papunta sakin
Dahil sa defense mechanism ng katawan namin ni Crimson ay naglabas kami ng deadly aura
Napaatras sila at dahil din sa reflex nila ay naglabas din sila ng aura, yumanig ang buong lugar at nagkaroon ng maiitim na ulap sa labas, nasa pinto kasi kami
Nakita kong pinagtitinginan kami ng mga dumadaan na players
*slap*
Isang sampal ang natanggap ko
"Anim na buwan kang hindi nagparamdam! Tapos ngayon magpapakita at maglalabas ng deadly aura!" Sigaw nito
*slap"
"Para sa pang iiwan samin"
*slap*
"Para sa hindi pagpaparamdam"
*hug*
"Namiss kita Ice, miss na miss na kita" at naramdaman ko ang pagluha nya
Umiiyak si Reina dahil sakin
"Pasensya na" sabi ko at niyakap din sya
"Yiiiiiieeeeeeh" sabi ni Crimson at siniko siko ako
"Iiiiiccceeeee" sigaw ulit nilang lahat at nag group hug kami
"Namiss ka namin" sigaw nilang lahat
At napuno ng tawanan ang lugar
"Magkwento ka sa amin mamaya habang nagcecelebrate" sabi ni Dark
Napansin ko ang mga tattoo symbol nila. Ang simbolo ng pagiging Successor
"Maghanda tayo" sabi uli ni Dark
"Para sa pagbabalik ng ating Guild Master" sigaw nya at nagsigawan ang buong guild
Nagluto ang mga may cooking skills, nagcelebrate kami
Pinakilala ako sa mga new members, at naging member na din si Crimson
Kinuwento ko sa kanila ang mga nangyare at pinaalam ang tungkol sa sakit ko at sakit ni Crimson
"Ang Chaos Chronicles ay totoo, hindi sya AI or NPC or kahit anong Boss, ang Chaos Chronicles ay ang kwento ng isang adventurer or player na magbabalak kontrolin ang lahat sa game, lalo na ang lahat ng players, ang Chaos Chronicles, ay si Joker" nagulat silang lahat
Kilala ang player na si Joker, na pinaka malakas, ang Strongest Player, sya kasi ang God Slayer ng God of Thunder na si Zeus, God of Sea na si Poseidon, at God of Underworld na si Hades. Sya rin ay isang Dragon Slayer, ang Metal Dragon, at Water Dragon, sya rin ang Guild Master ng guild na hindi sumasali sa ToP, ang Guild nyang Deadly Laugh. Isang PK hunting guild
Hindi nila inaasahan na ang pinaka mabait na player ay ang Chaos Chronicles
"At higit sa lahat, si Crimson, ang Classless Unknown, at sya ang susi sa pagpatay sa Chaos Chronicles, ang Chaos Interfector o ang chaos slayer, nasa alamat ito ng game, ito ang dapat nating isa alang alang, pero hindi pa natin pwedeng galawin si Joker ngayon, dahil hindi pa nagaganap ang propesiya, pero kailangan matapos na ang huling hakbang para maganap na ang Chaos Chronicles, ang matalo ang God of Chaos ang ama ng mga Gods."
Natahimik silang lahat"Bilang pagbabalik ko as Guild Master, our first and last mission nyo mula sa akin, Operation: The Destruction of Chaos" tahimik sila
"Begiiiins!" Sigaw ko
At nagsigawan sila
Welcome back sakin sa Que
~~~

YOU ARE READING
Glorified Soul Online: The Chaos Chronicles
Science FictionA place where you can be who you are You can be anyone you want Where chaos is a good thing A game where everything seems real