Umatake mula sa tatlong direksyon ang guild ni Ice, mula sa kanang parte ay mayroong dalawang party at sa kaliwa ay may dalawa din, at mula sa gitna ay ang party ni Ice
Sinira nila Ice ang main gate ng kaharian at hindi sila nahirapang gawin ito
Mula sa dalawang gilid ay sinira din ng mga parties ang mga pader at pinasok ang Iron Guard, dahil sa lakas ng mga players ay walang nagagawa ang mga orcs at trolls na pumipigil sa kanila
"Kill everyone, walamg ititirang buhay" sigaw ni Ice sa mga kasama at tumango ang lahat at sumang-ayon
May ngiti sa mga labi ng mga players habang nakikipaglaban o mas tamang sabihing mina-massacre ang mga orcs at trolls
Nakakapanlumo ang ginagawa ng QUE sa buong Iron Guard, lahat ng mga orcs at trolls na nakikita nila ay kanilang pinapatay
Ice's POV
Kasalukuyan naming inuubos ang mga sundalong orcs at ang mga trolls
May ilan ilang mga orc warlords at elite trolls ang lumalaban ngunit hindi ito tumatagal
Mula sa kanang parte ng kaharian ay kasama ang seven deadly sins, nakikita ko kung pano nila inuubos ang mga orcs at trolls nang may ngiting nakakatakot sa kanilang labi
Ganun din ang ibang mga kasamahan namin sa guild
Ano ba itong nagawa ko? Tama pa ba ito?
Alam kong mga tauhan lang sila sa game, at hindi ko dapat seryosohin ang mga bagay bagay dito sa game
Pero bakit? Nagiging mga halimaw na din kami sa ginagawa namin, ang pumatay ng may ngiti sa labi, ang pumatay ng masaya, hindi kami ito, ang QUE ay ang dapat nagpoprotekta sa mga npc, ai, at iba pang mga player pero bakit? Ano ba itong nagawa namin?
Napatigil ako sa ginagawa ko, maging ang ibang mga kaparty ko at ilang players ng QUE
Naubos namin ang lahat, ang lahat ng orcs at trolls, maging ang hari
Quest Updated
Chaos Chronicles
Defeat the Orcs and Trolls(Completed) Defeat the Demon Army Defeat the Underworld Generals Defeat the Chaos Commanders Destroy the Chaos Kingdom Kill the Chaos God
Kill Joker
Tumunog yung notif ko, at umilaw yung papel
Itutuloy pa ba namin itong quest na to, para san? Para maging halimaw na kami ng tuluyan? Para maging kami na yung kinatatakutan namin? Anong mangyayari pag natapos na namin ang quest na ito?
"Ice...." tawag sa akin ni Reina
Tumingin lang ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya, medyo nagulat pa sya pero di kalaunan ay yumakap din, kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya
"Ayos lang yan, kung ano man yang bumabagabag sayo nandito lang ako, kami ang buong Que" sabi ni Reina habang hinahagod ang likod ko kaya di ko na napigilan ang sarili ko
Reina's POV
Nakayakap sakin si Ice, umiiyak na sya, nararamdaman ko ang paghikbi nya
Sinenyasan ko silang lahat na iwan muna kaming lahat
"Sige lang, iiyak mo pa lahat, pagkatapos nyan sabihin mo sakin lahat" naramdaman kong tumango tango sya at pinagpatuloy ang pag iyak
Nandito padin kami sa gitna ng kaharian ng Iron Guard, kung saan namin inubos ang lahat ng orcs at trolls
Ang daming bangkay, medyo bumabaho na din dahil sa mga patay
Ilang minuto din kaming magkayakap ni Ice, aaminin ko, kinikilig ako ng sobra kyaaaaaaaaaah
"S-salamat Reina" sabi ni Ice habang pinupunasan yung luha nya
"Tara samahan mo ko" hinawakan ko yung kamay nya, di sya pumalag, kyaaaaaaah
Nagteleport kami sa favorite spot ko dito sa game, nag iwan ako nang marka dito para kahit hindi safe place ito ay makateleport ako dito
Itong lugar na ito, nasa isang cliff kami, at saktong magsusu-sunset na, kita din ang dagat mula dito at iba pang magagandang bagay
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Napanganga si Ice sa nakikita nya
"Wow" sabi nya ng may pagkamangha
"Ang ganda diba? Natuklasan ko to 2 months ago, nung hinahanap ka namin" sabi ko sa kanya
"Sorry" tugon nya sa akin
"Ok lang ano ka ba? Ang mahalaga nandito ka na, tsaka pumupunta lang ako dito kapag kailangan kong mag relax, tara upo tayo" sabi ko,sa kanya at umupo na ko sa edge ng cliff
Umupo na din sya at hinawakan nya yung kamay ko, nekeke-keleg nemen teng nengyeyere se eken
Harot ng lola nyo, by the way
"Uhm, Ice, ano ba talagang nangyare this past six months?" Tanong ko sa kanya
Hinawakan nya ko sa ulo at inihiga nya yung ulo ko sa balikat nya, habang magka-holding hands pa din kami
"Kasi, nagpapagamot ako, i'm sick, and i'm dying" maikling sagot nya at napatingin ako sa kanya, i mean alam kong may sakit sya at nagpapagamot pero he is dying? Gosh. Kailangan ko ng gumawa ng paraan
"Pero wag kang mag-alala i won't die, kami ni Crimson? Di kami mamamatay, siguro di muna kami makakaonline ng ilang araw simula sa isang araw, kasi magpapa opera na kami" sabi pa ulit nito, naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko
"So, Reina, please wait for me, babalik ako. Babalikan kita" sabi nya, naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko
"I will, I will wait for you Ice" at pumikit ako, naramdaman ko ang mga braso nyang niyakap ako
"Ice, liligawan kita, whether you like it or you like it" sabi ko sa kanya
"Haha, diba dapat ako manligaw?" Tanong nya sakin
"Tagal mo e, nainip na ko, ako na manliligaw" sagot ko
"Tsaka ang torpe mo pre, bagal mo" dagdag ko pa at nagtawanan kami
Tumayo na kami at pumunta sa isang malapit na puno
Dahil gabi na din dito sa game napagpasyahan naming magteleport na sa guild house
Nandun naman silang lahat,
"Guys, may iaannounce ako" sabi ni Ice at lumapit silang lahat
"Mawawala muna kami ni Crimson ng ilang araw simula bukas" nakita ko ang pagka disappoint sa mukha ng mga members ng Que
"Operation na namin, so kailangan makapag pahinga kami ng maayos, pero sigurado kaming babalik kami" dagdag ni Ice na nakapag pangiti sa mga members
"And lastly, this girl" bigla nya kong inakbayan
"Simula ngayon, nanliligaw na sya sakin" at nagpalakpakan lahat ng members at naghiyawan
Nakakahiya pero ang sarap sa feeling, hahaha ang gulo, this guy, mapapasagot ko to