Ice's POV
Nandito na kami ngayon ni Skye sa operating room, bale sabay kaming ooperahan dahil na din sa same conditions namin
Sabi ng doctor, mga ilang minuto nalang ay tuturukan na kaming pampatulog at pampamanhid para sa operasyon, tatagal daw ng ilang oras ang operation sa amin
"Ok, Skye and Drake, sisimulan na natin ang operation, ituturok na namin yung pampatulog" at tinurukan na nga kami, unti unting lumabo ang paningin ko at nawalan ako ng malay
Reina's POV
Kasalukuyan kaming nandito sa isang exp dungeon, magpapataas kami ng level para sa nalalapit na pagbabalik nila Ice
Ilang araw na rin silang di nagoonline, ang huling balita namin sa kanila ay nung in-announce nya sa guild na nanliligaw ako sa kanya
Di na uso maria clara ngayon, laban kung laban
Nang ma-clear namin ang dungeon, nag-paalam lang ako sa kanila na maglo-log out muna ako, pumayag naman sila at nag log out na nga ako
Pagkatanggal ko ng device na nasa ulo ko ay chineck ko yung phone ko baka tumawag or nagtext or nagchat man lang si Ice
Di naman ako nabigo, may isang text mula sa isang nurse na kakilala namin
To Queen:
Ok na, maayos ang naging operation, ngayon nagpapahinga yung dalawa, stable na sila walang naging problema kaya wag ka masyadong mag alala jan
Nang mabasa ko ang message napangiti ako, salamat naman at ayos na sila
Pumunta na muna ako sa kusina at naghanda ng makakain namin ni ate at binuksan ko yung TV
Nasa balita ang channel nang ililipat ko na ito ay may pumukaw ng atensyon ko
Headline: Glorified Souls Online, Pinasok na ng isang virus
"Partner, totoo kaya ang chismis na may virus na daw yung sikat na laro ngayon no?" Sabi ng lalakeng anchor
"Nako partner, kung totoo nga ang balitang iyan ay isang malaking iskandalo ang mangyayari no" sagot ng babaeng anchor
"Tama ka jan partner no? Dapat na ngang gawan ng paraan ito ng
Game developer no?" Tugon uli ng lalake"Kaya muli ako po si Mike De Castro, at ako naman si Korina Tiangco" banggit nilang dalawa
"24 Patrol" dagdag muli
Kung totoong pinasok na ng virus ang game, panong mangyayari yun? E mga pro yung mga nagpapatakbo ng game
Kailangan ibalita ko to sa iba
Thunder's POV
Nandito ako ngayon sa guild house namin kasama yung ibang members namin, at sa loob ng ilang araw na wala si Ice, si Dark ang namumuno sa amin
He is a good leader, mas better pa nga sya kay Ice when it comes to pagpapasunod at pagmamanage ng guild
Hahaha pero medyo kakaiba tong si Dark, lagi din syang wala kapag hapon, babalik kapag gabi
Yung ibang members ng seven deadly sins ay di din alam kung saan nagpupunta si Dark, at wala na din kaming balak magtanong
Sa ngayon, wala nanaman sya at katabi ko ngayon si Scarlet, o Passion sa game ang sin of lust
"Baby, anong iniisip mo? Masyado kang seryoso" at yumakap sya sa braso ko
"Ah-eh hahaha si Ice, kasi medyo nag aalala lang ako tungkol sa operation nila" tugon ko sa kanya at inakbayan sya
"Hmm, malakas si master Ice, tsaka best friend mo sya diba? Magtiwala tayo sa kanya" sagot nya at hinalikan nya ang pisngi ko
Ngumiti ako at hinalikan din ang noo nya
"Thunder, ipatawag mo silang lahat" biglang lumitaw si Reina
"Sige, sandali" at tumayo kami ni Scarlet at tinawag ang lahat
Nang matipon na namin ang lahat,
"May virus daw dito sa game, pero alam kong hindi yun totoo, at may kinalaman ito sa Chaos, tawagan ninyo si Dark at sabihing bumalik na ngayon din" tumango ako at tinawagan ko si Dark, hindi naman ako nabigo at sinabi nyang pabalik na din sya
Ilang sandali pa ay dumating na si Dark
"Dark, alam mo ba ang usap usapang may virus daw ang game?" Tanong ni Reina sa kanya
"Oo, pero hindi ito totoo, yun lang ang sinabi nila dahil sa nalalapit na pagbabalik ng Chaos" tugon ni Dark
"Kailangan na natin ituloy ang pagtapos sa Chaos Quest ni Ice" dagdag nito
"Magsipag handa na kayo, hahanapin natin ang daan papuntang underworld at tatalunin ang commanders at generals ni Chaos at maharap na natin ang chaos god" sabi nito at tumango ang lahat at nagsi pagkulasan
Ang iba ay pumunta na sa mga shops, para bumili ng potions, bagong equipments at iba pa
"Dark, maaari ba akong magtanobg sa iyo?" Sabi ko kay Dark at tinigil ang paghahanap ng mga bagay sa inventory nya
"Ano yun?" Sagot nya at humarap sa akin
"Ano ba ang pinagkaka abalahan mo kapag umaalis ka? Tsaka pano natin hahanapin ang underworld?" Tanong ko sa kanya na nakapag pangiti sa kanya
"Kala ko wala nang magtatanong kung anong ginagawa ko e" at tumawa sya ng mahina
"Ganito yan, kapag nawawala ako, nakikopagkita ako sa avatar ng nurse nina Ice" sabi nya na nakapag pagulat sa akin
"Ina-update nya ko sa nangyayare sa master natin, at minsan din, ay hinahanap ko ang gate patungong underworld, may ilan ilan na din akong nakalap na information tungkol sa underworld na galing sa mga trusted info brokers na kilala ko, at yung tungkol kila Ice, successful yung operations, at makakabalik na sila, pero kailangan nilang ipahinga ang katawan nila dahil hindi biro ang pinagdaanan nila sa operation" mahabang paliwanag nya
"May tanong ka pa ba? Kung wala na ay mag handa ka na din at puntahan mo si Passion, ikaw ang magbantay sa kanya ingatan mo yung kaibigan ko" sabi nya at bumalik na sa pag hahanap ng mga bagay bagay sa inventory nya
"Sige salamat uli Dark" at umalis na ko, lumapit ako kay Scarlet at tinulungan sya sa pamimili ng magandang equipments
*Booooooooom*
Napalingon ako sa sumabog sa labas ng guild house namin, gayun din ang iba naming kasamahan
"Thunder at Passion, stand by, kayo ang magbantay dito sa loob, Gold, Atrum at Rose, icheck nyo kung nasan yung sumabog, yung iba sumama kina Rose, at maiwan dito yung iba" at tumango kami sa utos ni Dark
"Waaaaaaaaaaaaaah!" Sigaw ni Gold nang tumilapon ito nang papalabas na sya guild house
Dito lang namin napansin ang mga ancient writings na nasa sahig, napapalibutan kami ng barrier
"Hahahahaha, so this is the guild thay destroyed Iron Guard? Hahaahhah, pathetic small insects, i'll show you how to destroy things,
Ancient Summoning Technique: Angel Clown"
At may lumitaw na isang nilalang mula sa isang kulay black and white na magic circle sa may pinto
Ang nilalang na may kulay rainbow na pakpak, mahabang kulay berdeng buhok, kulay itim na mahabang kuko at sobrang putlang balat na may itim na itim na labi
"Wanna play with me?" Sabi sa amin ng nakakakilabot na nilala at ngumiti ng sobrang nakakatakot
~~~

YOU ARE READING
Glorified Soul Online: The Chaos Chronicles
Science FictionA place where you can be who you are You can be anyone you want Where chaos is a good thing A game where everything seems real