Chapter 22

170 11 0
                                    

Dark's POV

"Jooooooookeeeeeeeeeer!" Sigaw ko nang makita ko kung paano isinummon nito ang isang anghel

Ang itsura ng player na nasa harap ko ngayon ay malayong malayo sa kung anong ginagawa nya dati, isang mabait at humble na player, matulungin at maawain

Pero ngayon, dahil sa kagustuhan nyang maging malakas, nabago sya nito, ang kanyang kulay pulang mahabang buhok, kulay puting baluti at ang kapa nitong kulay itim may hawak syang isang staff at mayroong isang katana sa kanyang tagiliran

Nakakatakot ang aura na lumalabas sa kanya, ang madilim na aura nya ang nakakapag-panginig ng tuhod ko ngayon, ang strongest player ay nasa harap namin, ang dapat naming talunin para hindi magambala ang mga taong matiwasay na naglalaro

For the sake of others, kailangan naming talunin si Joker, ang Chaos

"Now now now, so nandito pala ang rank number 4, tandaan mo, number 1 ako, number 4 ka lang, di naman hamak na mas malakas ako kesa sayo, hahahahaha" turo nito sa akin

"Wala akong pake kahit strongest creature alive ka pa, tatalunin ka namin" at itinutok ko sa kanya ang scythe ko

"Let's see, pero ngayon, makipaglaro na muna kayo sa number 10 summoned beast ko" at akmang aalis na sya nang bigla itong lumingon

"Hahahahaha, have fun" at tuluyan syang umalis

"Daaaaark, ilayo muna natin ang ibang low level players dito pati yung ibang npc" sigaw sa akin ni Minerva

"Sige, maiwan dito sina, Rose, Thunder, Reina at lahat ng sins di bale lang kay Gold, Atrum, dalhin nyo si Gold sa ligtas na lugar at doon nyo sya iheal" tumango sila at humarap kami sa Angel Clown

"So, let's play" at sumugod ito sa amin, naka amba ang kanyang kamao papunta sa amin nang biglang sinalag ni Reina gamit ang shield nya ang kamao nito at napahinto ang clown

"Hmm, you're strong missy, let's see if you can handle this" at pinagsusuntok ng clown ang shield na nagpapaatras kay Reina

"Hindi lang sya ang kalaban mo!" Sigaw ni Thunder at nagpakawala ito ng hanging matatalim

Wind Wall

Pagcast ni Thunder ng spell

Shadow Ball

Nagcast na din ako papunta na ang dalawang spell sa Clown

Umatras ito upang maka ilag at successful nya ngang nagawang ilagan ang pag atake namin

"It's not fair, wait,

Summoning Spell: Demon Army"
Pagcast ng spell ng Clown

May lumabas na isang malaking magic circle na kasing laki ng radius ng guild house namin, at mula doon ay may mga figures na nabubuo

Nang mawala ang liwanag ng magic circle ay tumambad sa amin ang isang buong army ng mga demons siguro aabot ang bilang ng mga ito sa isang libo o higit pa

"To be honest, my demon army is exactly one thousand five hundred demons" sabi ng clown sa amin

"Guys, humanda kayo, yung ibang tumutulong sa pageevacuate ng mga tao ay mag madali" utos ko sa kanilq at umoo naman sila

Magiging mahirap ang laban naming ito

3rd Person's POV

Nakikipaglaban ang Que sa demon army ng Angel Clown na tauhan ni Joker

Dahil sa dami ng demons ay nadedehado ang guild ni Ice

"Yung nga nagki-critical na ang hp ay pumunta muna sa loob at mag heal, mga healers maging alerto at bantayan ang mga kasama natin" utos ni Dark sa kanyang mga kasama

Sumunod ang lahat, kasalukuyang nilalabanan ni Dark mag isa ang Angel Clown

Nagulat ang lahat maging ang Angel Clown nang may biglang lumitaw na isang malaking gate na kasing taas ng apat na palapag na gusali kasing lapad ng high way

"No no no, why?" Sambit ni Clown sa kanyang sarili

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Dark sa clown

"The Underworld Generals and Chaos Commanders are here, it means they are getting what they want, the new generals and commanders, from your guild" putol putol na sabi ng Clown

"Di kita maintindi--" hindi na natapos ni Dark ang sasabihin ng biglang bumukas ang gate lahat ng demon army ay lumuhod maging si Angel Clown

Lumabas mula sa gate ay mga fiends lamang, o mga kaluluwa ng mga demonyo

Mga walang mukha, at puro itim lamang ang kanilang itsura

Dark's POV

Sa tingin ko nakaharap ito sa amin, o sa mga kasama kong Supreme being successors, sa kanilang lahat ay ako ang hindi nilapitan ng mga fiends

"Gwaaaaaaah" sigaw ni Thunder ng biglang pumasok sa katawan nya ang isang fiend

"Waaaaaaah"
"Uuuuuuggggghhhh"
"Shiiiiiiiiit"

Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan ko pinilit kong lumapit sa isa sa kanila nang biglang humarang sakin ang Angel Clown

"No one stops the generals and commanders in getting their new bodies" tinignan ko lamang ito ng masama at nag-blink ako sa kanyang likuran at iwinasiwas pataas ang scythe ko na nasalag nya pero naputol ko ang isa sa mga braso nya

Biglang tumahimik ang kapaligiran, lahat ng kasamahan ko sa guild na hindi successor ay natatakot na sa nangyayare, kahit ako ay naguguluhan din, paanong nasasaniban ang mga players ng mga tauhan mula sa game, nagiging mas makatotohanan na ito, hindi ito maganda

Humarap sa mga players ang mga kaibigan kong sinaniban

At sa isang kisap mata ay umatake na silang lahat sa amin, lahat sila, Si Thunder, si Atrum, si Minerva, si Rose, at ang anim pang sins

Lahat sila maliban kay Reina ay inuubos lahat ng kasamahan namin, maging ang demon army, wala silang pinapalampas mapa kakampi nila o kalaban

Nagbago din ang mga itsura ng mga kasamahan namin, nagkaroon silang lahat ng kulay itim na markings sa mukha nila at nagibg kulay itim ang buong mata nila

Dahil nakaharang ang Angel Clown sa aking harapan ay ito muna ang sinugod ng mga kaibigan ko, napatay agad nila ito,

Ginamit ko ang shadow power ko at tumalon palayo

Pero sinusundan nila kong lahat, ang perfect ng formation nila maging ng kanilang combinations

Hindi ako makalaban dahil sa dami nila at si Reina ay wala ng malay na binuhat ni Thunder na alam kong wala sa sarili at pumunta sa gate

Natamaan ako ng mga skills nila, akala ko katapusan kona

Nakita ko nang paalis ang mga nasaniban kong kaibigan

Nanlalabo na din ang paningin ko, bigo ako, sa pagprotekta sa mga kaibigan ko

Nang makapasok ang lahat ng kaibigan ko sa gate ay bigla na din itong nawala

"I-ice....." huling sabi ko bago ko nawalan ng malay

~~~~~

Glorified Soul Online: The Chaos ChroniclesWhere stories live. Discover now