Chapter 12

256 26 0
                                    

3rd Person's POV

Naghanap sina Basic at Thunder sa lahat ng kwarto sa kastilyo para mailigtas ang prinsesa ng mga Nature Elf

Habang ang grupo nina Rose ay naghahanap din sa buong bayan at ang grupo nina Reina, Minerva, at Atrum ay patuloy pa din sa pagkuha ng atensyon ng lahat ng sundalo ng kaharian

At ang Seven Deadly Sins ay nakikipaglaban sa mga heneral

"Boss, mukhang nageenjoy ka jan ha?" Sabi ng babaeng may tattoong letrang L sa dibdib nito, ang Sin of Lust

"Hahaha syempre naman" sabay putol sa isang braso ng kalaban niya, ang Sin of Wrath, ang leader ng Seven Sins, si Dark

"Ako din nag-eenjoy dito, Lust"sabi ng lalakeng may tattoo na letrang G sa pisnge nito ang Sin of Gluttony

"Share mo lang?" Sagot naman ng babaeng may tattoo na na letrang E sa kanyang hita, ang Sin of Envy

"Inaaway nyo nanaman best friend ko" sabi ng top less na lalakeng may tattoong letrang G sa kanyang balikat, ang Sin of Greed

"Tumigil na kayo at tapusin na natin ito" sabi ng lalakeng kala mo ay tamad na tamad na nilalabanan ang isang heneral at humi hikab hikab pa, may tattoo itong letrang S sa kanyang noo, ang Sin of Sloth

"Boss, tapusin na natin ito at ituloy na ang misyon nyo" sabi ng isang lalakeng naka tuxedo at may tattoo na letrang P sa kanyang kamay, ang Sin of Pride

"Tama kayo, medyo inaantok na din ako" sabi ng leader ng Seven Deadly Sins, si Dark

At sabay sabay nilang pinugutan ang mga elf na kanina pa nila pinaglalaruan

"Spread out, hanapin na natin ang prinsesa, kailangan natin tulungan si Basic sa abot ng ating makakaya" sabi ni Dark sa kanyang mga kasama at nagsipag-alisan na ang mga ito

At naalala ni Dark kung ano ang dahilan nya kung bakit nya tinutulungan ang player na si Basic

*Dark's flashback *

Naglalakad lakad lamang ang bagong player na si Dark sa hindi kalayuan sa southern gate

Nagpapalevel lamang sya at naghuhunt ng low level monster ng matuklasan nya ang isang kweba, at nang ito'y pinasok nya ay nakakuha sya ng legendary item, ang kanyang primary weapon, ang Soul Scythe

Hindi alam ng player nang player na si Dark na minamatyagan na sya ng isang grupo ng mga pk o player killers at balak kunin sa kanya ang scythe na nakuha nya

Pagkalabas sa kweba ay pinalibutan agad nila si Dark, at lumaban sya sa kanila ng buong tapang, ngunit masyadong madami ang pk kaya muntik na syang mapatay

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay may player mula sa likod ng pk ang unti unting umuubos sa kanila, ito ay si Basic

Namangha si Dark sa katapangan ng magic knight sa kanyang harapan

"Pagbilang kong tatlo ay tatakas tayo" sabi sa kanya ng player na may ign na Basic

"Sige" sagot ni Dark

"Isa......

Dalawa......

Tatlo....." napasabog ng smoke bomb si Basic at inakala ng mga pk ay tumakbo na sila Dark ngunit hindi nila alam na yumuko lamang ang dalawa at nagtago sa malapit na puno

Tumakbo palayo ang mga pk sa pagaakalang tumakas na ang dalawang player

"Woooh, kala ko di sila mauuto" buntong hininga ni Basic

"Salamat sa pagliligtas mo" sabi ni Dark

"Wala iyon, sige aalis na ako magpupunta pa ko sa mga kaibigan ko e, magiingat ka pre, magpalakas ka, mauna na ako" at tumakbo na palayo ang player, hindi na nakapagpakilala si Dark sa kanya

"Basic, susuklian ko ang pagliligtas mo sa akin, magpapalakas ako" sabi ni Dark sa kanyang sarili

At mula noon ay habang nagpapalakas si Dark ay naghuhunt din sya ng mga pk at nakilala nya mula sa iba't ibang pk groups ang iba pang Sin at napapasunod ito dahil sa Absolute Obedience ng ibang sin sa utos ng Leader nila na Sin of Wrath

*end of flashback*

Nararapat na tulungan ko sila Basic. Sya ang inspirasyon ko sa game na tumulong sa mga ibang players at tapusin ang player killings dito sa game, tugon ni Dark sa kanyang sarili

Dahil sa isang assassin si Dark, at mataas ang kanyang pandinig dahil sa effect ng kanyang race at class, ay may naririnig syang mahinang pagtawag mula sa ilalim ng kastilyo

"Basic, mukhang alam ko na kung saan makikita ang prinsesa" tawag ni Dark kay Basic via telepathy

"Sige, magkita tayo sa throne room ilocate mo ko gamit ang locator, nandito na kami" sagot ni Basic sa assassin

Nagteleport na si Dark sa pwesto ni Basic at sinummon nya ang 7 Sins

"Nasa ilalim ng kastilyo ay may naririnig akong mga boses, at parang isang malaking espasyo na kasing laki ng bayan" sabi ni Dark sa kanyang mga kasama

"Pano tayo pupunta don?" Sabi ni Thunder

"Simple lang, sins, maghukay na tayo" sabi ni Dark, at sinira ng 7 sins ang sahig at inulit ulit ito hanggang maabot nila ang ilalim ng kastilyo

Isa itong napakalawak na hukay o kweba, (p.s kagaya nung sa Fairy Tail, yung sa Grand magic games arc)

"Dito, may naririnig ako" sabi ni Dark at tumakbo

Sumunod silang lahat at tumakbo na din

Nakarating sila sa isang parte ng kweba at naroon ang prinsesa at iba pang mga elf, may mga kalansay din silang nakita

"Ikaw ba ang prinsesa ng nga nature elf" tanong ni Basic

"Oo, sila ang mga kasama ko noong ako'y nahuli ng mga drow elves" parang walang lakas na sagot ng prinsesa

"Kami ang nautusan ng iyong amang hari na iligtas ka, tayo na" inabot ni Basic ang kanyang kamay sa prinsesa ngunit biglang nawalan ng malay ang prinsesa

"Nawalan lamang sya ng malay, wag kayong,mag alala, tara na lalabas na tayo dito, Dark ikaw ang manguna sa amin, sins, tulungan ninyo ang mga hindi makalakad, Thunder imessage mo na ang iba, sabihin mong lalabas at  aalis na tayo dito" tumango ang lahat ng kasama nya at binuhat ni Basic ang prinsesa ng bridal style, kita sa mata ng assassin na si Dark, ang pagkamangha at pinangunahan ang grupo palabas ng kweba

Medyo malayo ang nilakad ng kanilang grupo at nang marating nila ang isang malaking pinto ay sinira ito ni Dark

"Kilala ko yang Scythe na yan" sambit ni Basic

"Oo, ito ang Soul Scythe, ako yung niligtas mo noon sa mga pk" sabi ni Dark

"Kaya pala parang pamilyar ka, isa ka na ngang malakas na player" sabi ni Basic at lumakad na uli sila

"Ice, sabi ni Rose nandun uli sila sa mahinang part ng pader at sila Reina ay nasa meeting place na" sabi ni Thunder at lumakad na silang lahat

"Operation: Saving the Princess, is now finished" sabi ni Basic na may ngiti sa labi

Ganun din ang iba pang kasama nito

~~~~

Glorified Soul Online: The Chaos ChroniclesWhere stories live. Discover now