Sa isang malawak na kapatagan may mga players na kanya kanyang nagpapalevel.
Sa isang gilid, may isang lalake na may mahaba at kulay itim at puting buhok ang pumapatay sa iilang mga low level monsters
Sa di kalayuan may isang player na mayroon dalawang pamaypay sa kanyang tagiliran at may malaking itim na war fan sa kanyang likuran na may IGN na Thunder
Dahil sa itsura at weapon nito ay agaw pansin ito. Dahil sa ito pa lamang ang unang araw ng pagbubukas ng laro ay mayroon na agad itong magarang kasuotan.
Ice's POV
May napansin akong isang player na di naman ganun kalayo sakin na may pamaypay? Trip ba sya.....
Teka, may kilala kong kakaiba kung magweapon
"Thunder!" Sigaw ko dito at kinawayan ko sya
"Hahahaha. Sabi ko na e. Ang lagi mong pangalan sa game" dagdag ko pa
"Haaays. Sa wakas. Napansin mo din ako. Kanina pa kaya ako nakatayo dito at pinapanuod ka" singhal nito sa akin
"Bat ang gara agad ng suot karerelease lang naman ng game ha? Nagcheat ka no?" Taas kilay kong sabi dito
"Lol, malamang nakagold card ako, tayo ikaw bat di mo chineck yung inventory mo" sabi nito sa akin
Binuksan ko ang inventory ko. Nakakita ako ng tatlong chest
Binuksan ko yung armor chest at may lumitaw na isang black leather armor at may kasama itong cloak
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
At ito'y sinuot ko kaagad. Ang astig kong tignan. Para kong assassin ng assassin's creed pero knight ang class ko
Sunod kong binuksan yung secondary weapon chest dahil lahat daw ay mayroong secondary at primary weapon
Pagtap ko ng open ay may lumabas na dalawang katana na may kulay itim na blade
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Inequip ko agad ito. Hindi ko muna binuksan yung customize weapon chest. At dahil mas maganda tong bigay na stats ng black bladed katana ko ay niyaya ko na si Thunder o Raikou sa totoong buhay na magpalevel na kami
Pumunta kami sa east gate dahil mas maganda daw ang drops ng exp at gold doon at hindi ganun kataas ang level ng mga monsters doon
Habang naglalakad ay tinignan ko ang stats namin ni Thunder na ngayon ay ang party leader
Party Thunder (Party Leader) Lvl. 4 Race: Angel Sub-Race: Seraphim Class: Archetype Class Sub-Class: Battle Mage
Hp: 5150 Mp: 4375
Str: 50 Agi: 80 Int: 65
Atk: 259-449 Def: 339
Basic Lvl. 4 Race: Human Sub-Race: n/a Class: Archetype Class Sub-Class: Magic Knight
Hp: 6240 Mp: 4460
Str: 60 Agi: 75 Int: 70
Atk: 229-439 Def: 559
Ito yung stats namin. Habang naglalakad papuntang east gate ay napansin kong kami ang center of attention ng ibang players. Siguro dahil sa suot namin nitong si Thunder at nakacloak pa kami.
Thunder's POV
Hey Guys! Ako pala si Raikou Reyes. Im half japanese half pinoy. Mother ko ay japanese at dito daw sya sa pinas lumaki si papa naman ay purong pinoy.
Kasama ko ngayon si Basic or Ice sa real world dito sa labas ng east gate, in short nandito kami sa Black Forest. Ang sarap diba? Hahaha pero ang creepy ng lugar na ito. Dahil ilang puno lang ang tama ang kulay yung mga nasa labas lang ng forest pero pagpasok mo puro black na lahat ng puno at halaman. As in all black pati dahon kulay itim. Kasalukuyan kaming pumapatay ng mga wolves. Napapaisip ako, bakit laging wolf? Hindi ba pwedeng lion? Tiger? Jaguar? O iba pang hayop? Lagi nalang wolf.
Pinabayaan ko muna yung naiisip ko at nagfocus sa mga kalaban ko. Isa pala akong angel na may sub race na seraphim o yung mga anghel na may anim na pakpak ewan naastigan lang ako. Battle mage ang pinili ko.
Ang mga battle mage ay parang magic knights din pero hindi kami gumagamit ng swords or shields. Shorter ranger din ang spells namin. Damage dealer kumbaga.
Dito sa game, ang party ay binubuo ng 8 people at hinahati ang roles dito. For example, dahil isa akong battle mage, kabilang ako sa mga Damage Dealer. Si Basic na Magic Knight, pwede syang tank pwede ding damage dealer. Yung iba pang roles ay yung physical at magical damage dealer, healer, at syempre yung mga strategist or tactician depende sa party at lalabanang kalaban. Kapag may tactician kasi mas malaki yung chansang manalo kayo pero iilan nalang ang gumagamit ng tactician sa mga rpg na nilalaro namin.
Nageenjoy kami ni Basic sa pagubos dito sa mga wolves.
"Roooooooooooaaaaaaaaaaar!" Isang malakas na sigaw ang narinig namin mula sa kaloob looban ng gubat
Nakaramdam din kami ng pagyanig ng lupa
"Rai! Umalis na tayo dito! Mukhang delikado na tayo" sigaw sa akin ni Ice
Tumango lang ako at tumakbo na kami pabalik sa east gate.
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah" napalingon kaming dalawa kung saan nanggaling yung tili at nanggaling yun sa pinanggalingan ng sigaw ng halimaw kanina
"Ice! Puntahan natin sila!" Sigaw ko
At tumakbo na ko papunta sa pinanggalingan ng sigaw at hindi na hinintay ang sagot ni Ice.