Crimson's POV
Hi there, it's me Skye
Nandito kami nila Ice and friends na friends ko na din sa daan papuntang Chaos God
Kailangan matapos namin agad itong game, bago kami mawala ni Ice sa mundong ito, nalalapit na ang pamamaalam namin ni Ice
By the way, nandito kami sa Iron Guard Kingdom, ang kingdom ng mga orcs
Kailangan namin na tapusin ang mga orcs na nandito, and also, we have to destroy this orcs and trolls
Masyado na silang namemerwisyo sa mga kalapit nilang villages, this past 6 months, nagaganap ang event na Orc King's Revival, this happens monthly, di ko alam pero palala ng palala ang nangyayare, alam kong NPC lang ang mga tao, pero ayoko sa lahat na may nakikitang nasasaktan, kaya hindi ako nagdalawang isip na samahan at tulungan sila Ice sa pagtalo sa Chaos Chronicles, pero bago yun, ang Chaos God muna
Mga ilang metro pa ang layo namin sa Iron Guard, kaya huminto muna kami para magpahinga at maghanda sa nalalapit na laban, mayroon kaming 5 na party na may 7 players each, na matataas na din ang level ng mga kaguild namin, nasa iisang guild kaming lahat
Sa isang party mayroong 2 mages, 2 healers, 2 fighters, at 1 assassins
Espesyal ang party namin at ang sa seven sins, sina Atrum, Rose, Reina, Minerva, ang mga fighters, si Ice at Thunder ang mga mages, at ako ang healer since classless ako, pwede akong healer at assassin ng grupo
Bawat party ay si Ice ang naguutos ng gagawin, dahil sya ang strategist namin, at dahil commander namin ay sya ang maguutos sa lahat ng party, pero ang bawat party ay may sari-sariling strategist para sa mga problemang kailangan solusyunan agad
Bale si Ice ang over all commander at may mga commander pa ang bawat party
Ngayon nga ay malapit na kami lumusob at ubusin ang mga orcs, dahil ito ang nasa prophecy
3rd Person's POV
Ang kahaharapin nina Ice ay nakasulat sa isang papel na hawak ngayon ni Ice, sya lang ang may alam ng kanilang kahaharapin, at ang tanging nakakaalam kung pano matatalo ang Chaos Chronicles
Chaos Chronicles
Defeat the Orcs and Trolls
Defeat the Demon Army
Defeat the Underworld Generals
Defeat the Chaos Commanders
Destroy the Chaos Kingdom
Kill the Chaos GodKill Joker
Ang nakasulat sa papel na hawak ni Ice, nakuha nya ito sa isang matandang lalake na iniligtas nya mula kay Thanatos, ang matandang lalake na iniligtas nya ay isa sa mga ancient beings, ang mga Ancient Beings ang mga tanging nilalang na tumapos sa Chaos Chronicles limang daang taon na ang nakalilipas sa game
Magaganap ang Chaos Chronicles kada limang daang taon, at ito ang istorya ng game na natuklasan ni Ice at Crimson habang nagpapalakas ng anim na buwan
Ice's POV
Hindi na dapat ako magbibigay ng kung anong pansin dito sa story ng game
*flashback*
"Salamat, iniligtas mo ang buhay ko" sabi ng matandang lalakeng niligtas ko mula kay Thanatos
Naging successor ako ng wala sa oras
"Bata, bilang pasasalamat tanggapin mo ito" at may lumabas na notif sa vs ko
You recieved the Chaos List
You now have the chance to listen to the story of Chaos Chronicles
Accept/Don't AcceptPinindot ko yung accept at biglang nagteleport kami ni tanda sa isang mas lumang version ng lugar kung nasan kami, maganda ang lugar, mas lumang medieval period ganun yung itsura nya
May nakita akong nagtatakbuhang mga bata na papunta sa pwesto namin, nagulat ako ng tumagos ito sa akin
"Wag kang magulat bata, mga astral spirits tayo, nais kong ipakita ang history ng mundong ito" sabi ni tanda
"Ganun pala? Ano ba talaga yang Chaos chronicles na yan? Narinig ko yan sa kaibigan ko e" tanong ko sa kanya
"Panuorin mo bata, ayan na" sabi nya
Nang biglang may sumabog sa di kalayuan samin, nagulat ako kaya napalingon ako lumutang kami ni tanda at pinagmasdan ko ang paligid, yung kaninang sobrang payapa, napalitan ng kaguluhan at sigawan
Nakita ko ang mga demon at mga orcs, may mga demons din na may mga kakaibang aura at may kakaiba sa kanila mas mahahaba ang sungay, mas malalaki ang hawak na espada at mga sandata at may pumukaw sa atensyon ko na isang lalaki na mukhang tao sya, pero may malalaking pakpak sya, tatlong pares nang malalaking kulay itim at puting pakpak
Nakakatakot ang presensya nya, nagsisipag tayuan ang balahibo ko kapag nakatingin ako sa kanya
May isang grupo ng mga tao ang humarap at lumaban sa mga demons at orcs
Mayroong tatlong may malalaking espada, may dalawang may hawak ng staff, at mayroong isang babae na may hawak na wand, at isang may hawak na scythe at may dalawang sword ang isa
Tinitigan kong mabuti yung may hawak na dalawang espada
At lumingon sa matandang kasama ko, ngumiti ito at tumango, nabasa nya siguro ang iniisip ko, sya ang may dalawang sword na iyon
"Yang nakikita mong may anim na pakpak ang Chaos, yang mga may mahahabang sungay ang Chaos Commanders at Underworld Generals, at ang mga lumalaban sa kanila ay ang Ancient Beings, isa ako sa Ancient beings" paliwanag ni tanda, tumango nalang ako at tumingin uli sa laban
Naglaban ang mga demon at ang ancient beings, isang malaking pagsabog ang nakita ko at lumiwanag ng sobra napatakip ako ng mata at nang wala na ang liwanag ay tanging ang chaos at si tanda nalang ang natitira
Biglang may lumabas na isang malaking magic circle sa paanan ng chaos at lumiwanag ito
Nakita ko nang nakatayo ang walong ancient beings sa paligid ng chaos at nagchant ng spell
Biglang bumalik kami sa kaninang pinagmulan namin
"Bata, nakita mo na kung paano natalo ang chaos, at iyon ang naging pagkakamali namin, hindi namin sya pinatay, dahil sa namatay na ang mga kasamahan ko na nag seal sa chaos, babalik sya, at siguradong sisirain nya ang lahat ng nandito sa mundong ito, kaya bata tapusin mo ang sinimulan namin, hindi na kagaya ng dati ang lakas ng Chaos, mas humina na ito" sabi ni Tanda
Tahimik lang akong tumango sa kanya at tiningnan yung papel na natanggap ko
"Yan ang listahan ng mga dapat nyong talunin at tapusin para mapatay ang Chaos, ikaw na ang bahala bata, umaasa ako sa iyo maging ang bawat isang mamamayan ng mundong ito" at unti unti nang nawala ang matanda
Binasa ko ang papel
*end of flashback
Nakatitig ako sa Iron Guard, ang mga orcs at trolls, nakita ko kung pano nila pinatay ang iba't ibang lahi noon
"Everyone! Gather up!" Sigaw ko sa kanila at nagpunta silang lahat sa harap ko
"Destroy every orcs and trolls in this kingdom, this is war for this world! Walang ititira sa mga orcs at trolls! Humanda na kayo!" Pagpapalakas ko ng loob sa kanila
"Remember our plans, pumunta na kayo sa mga posisyon nyo" sabi ko at umalis sila
Binuksan ko ang group telepathy ko, exclusive sa mga guild masters
"Simulan nyo na!"
~~~
YOU ARE READING
Glorified Soul Online: The Chaos Chronicles
Ciencia FicciónA place where you can be who you are You can be anyone you want Where chaos is a good thing A game where everything seems real