Chapter 15

248 19 0
                                    

3rd Person's POV

Dahil sa pagiging unang Supreme Being Successor ni Dark, hinanap nya si Ice sa Genesis

Ilang araw na din ang nakalilipas mula noong naging successor si Dark

Natapos na din ang Guild House nila Ice at may ilan ilan na din na nag aapply sa kanilang guild

Plano ni Dark na gawing successor ang lahat ng kanyang bagong kaibigan, sina Minerva, Reina, Rose, Atrum, Thunder at Ice pati ang iba pang sins. Para sa Chaos Chronicles na sinasabi ni Umbra, ang Supreme Shadow Being

Ice's POV

Biglang may pumasok sa pinto ng aming guild house, at ito ay si Dark

Nagmamadali itong pumunta sa pwesto ko

"Basic, kailangan ko kayong makausap lahat" sabi ni Dark

"Ice nalang" sabi ko sa kanya at tinawag ko na lahat sila

Nang makumpleto kami ay sinummon nya din ang iba pang sins, umupo kaming lahat sa mga upuan syempre at pimaikot kami sa isang round table, nanatiling nakatayo si Dark

Huminga sya ng malalim

"Kailangan ko lahat ng tulong nyo" sabi ni Dark na may halong pangamba at takot ang boses

"Anong ibig mong sabihin, boss?" Tanong ng sin of Lust ano nga uli pangalan nito

"Pero bago yun, gusto ko makilala nyo sila ng pormal, ang  sin of gluttony si Feed, sin of greed si Gold, ang sin of sloth si Midnight, ang sin of lust si Passion, ang sin of envy si Desire, at ang sin of pride si Leon" pakilala ni Dark sa mga sins

"Oh ano nga ang problema?" Sabi uli ni Passion

Umatras ng kaunti si Dark at inilabas ang kapangyarihan ng anino. Nagulat kami dahil sa kanyang ginawa.

"Ito ang Supreme Being Power, ang Supreme Shadow, isa lamang ako sa walo na magiging successor, kailangan ang kapangyarihan ng bawat isang Supreme Being para pigilan ang nalalapit na kaguluhan" paliwanag nya sa amin

"Anong kaguluhan?" Sabi ni Atrum

"Tsaka sino nagsabi sayo nyan?" Tanong naman ni Gold

"Ang nagpamana sa akin ng kapangyarihang ito, si Umbra ang Supreme Being, kailangan walo sa atin ang maging successor, isa na ako, pito nalang" sabi ni Dark

"Sige, kahit di mo na sabihin ang mga detalye, tutulungan kita" sabi ko sa kanya hindi kasi si Dark yung tipo na magbibiro at magloloko e

"Boss, count us in" sabi ni Leon

"Susunod kami sayo kahit anong mangyare" sabi ni Feed

Tumango naman ang lahat ng sins maging si Dark ay tinanguan din sila

"Syempre sasamahan ka namin, kami pa ba?" Sabi ni Atrum

"Tutulong kami, para mapigilan yang kaguluhan chuchu na yan" sabi naman ni Rose

"Im in" sabi ni Thunder

"Ako din tsaka si Reina" tumango si Reina sa sinabi Minerva

"Pero bago tayo umalis, sasabihin ko kung ano ang pipigilan natin" sabi ni Dark

Nakatitig lamang kami sa kanya at inaantay ang kanyang sunod na sasabihin

"The Chaos Chronicles, yan lang ang alam ko, pero sabi ni Umbra mapipigilan ng walong supreme beings ang nalalapit na kaguluhan" dagdag pa nya

Nanatili kaming nakatitig sa kanya

"Ice, maaari mo ba kaming tulungan sa pagpaplano" sabi ni Dark sa akin

"Ikaw ang mamuno sa amin" dagdag pa nito

"Sige pumapayag ako, pero sa ngayon, maglog out muna tayong lahat" sabi ko sa kanila at mukha silang nagtataka

"Kakailanganin natin ng lakas, bukas paggising natin, mag online ang lahat ng 8 am sa real world, magresearch na din kayo tungkol sa kung saan makikita ang supreme beings maging ang mga detalye ng Chaos Chronicles" mukha naman silang kumbinsido

"At matulog kayo at kumain ng madami, maghahard core gaming tayo" sabi ko,sa kanila na nakapagpangiti sa kanilang lahat

Nauna na ako at nagayos ng bahay. Madaling araw palang. Kaya kumain muna ko at nagayos dito sa bahay. Natulog na ako pagkatapos

Nagising ako ng bandang 6 am medyo bitin sa tulog pero ayos lang, kumain muna ko at naglinis ng bahay, pinatawag ko din si Aling Ruth, yung housekeeper namin, sya din ang nagpalaki sa akin

7:30 na nung bumalik ako sa game, dahil nga inayos ko na ang mga planong gagawin namin inantay ko na lang sila

8 am

At dumating na sila sa guild house namin

Mga bandang 8:15 na kami nakumpleto

"Ok, sino sa inyo nakaresearch kung saan ang mga pwesto ng mga supreme beings?" Pagtatanong ko sa kanila

"Ayon sa info broker na nakausap ko kanina, yung pwesto daw ng,bawat supreme being is 500 meters in diameter ang layo nila sa isa't isa" sabi ni Thunder

"Magaling, Dark, saan mo nakita yung Shadow Supreme Being?" Pagtatanong ko at tinuro nya sa mapa kung saan nilagyan ko ito ng palatandaan at sinukat ko ang bawat 500 meters sa mapa

"Ganito, hindi sasama si Dark sa atin sa paglaban sa mga supreme beings, bibigyan ko sya ng ibang trabaho, Dark ikaw ang magkalap ng information inside or outside the game tungkol sa Chaos Chronicles" sabi ko at tumango sya at nag log out

"Feed at Minerva dito kayo pumunta" turo ko sa mapa at umalis na sila

"Gold at Atrum, dito naman kayo"  pagkaturo ko din ay umalis na din sila

"Reina at Leon" tinuro ko na ang pupuntahan nila at umalis

"Thunder at Passion" turo ko sa kanilang pupuntahan at umalis

"Midnight at Rose" turo ko sa isang gubat at umalis na sila

"Desire dito tayong dalawa" at tumango lang ang babae at umalis na kami

Nagchat ako sa guild namin

Take care, guys, and good luck
- Master Basic

Nakita ko ang pagngiti ni Desire sa nabasa at tuluyan na kaming umalis, sinummon ko ang World Serpent ko na si Royal at sumakay sa ulo nito, dahil sa laki ay agaw pansin ito at nag atubili pa si Desire nung una pero hinawakan ko ang kamay nya

Nang malapit na kami sa pupuntahan namin ay may bola ng apoy na papalapit sa amin

~~~~~

Guys thanks sa support sa story, heart heart hahaha.

Please continue to support.

Spread Love

Glorified Soul Online: The Chaos ChroniclesWhere stories live. Discover now