Chapter 3:what does it mean?

1.7K 53 0
                                    

May mga lalaking nakapaligid sa amin... mga lalaking armado.. may isang lalaking nasa harapan ko pero hindi sya kasama ng mga armadong lalaki...  Nag uusap sila ng masin sinan...

Nan laki ang mata ko ng  biglang naglabas ng baril ang lalakin kausap ng nasa harapan ko at itinutoksa ulo nya.... kinalabit nya iyon at biglang....

"WAHHHHHHHHHHH"

Napaupo ako sa aking higaan at nilibot ang aking mata sa paligid.... PANAGINIP..... Panaginp lang sya pero... pawis na pawis ako at kabadong kabado..... Bigla na lang kumulo ang tiyan ko... hindi nga pala ako kumain kagabi at dumeretsyo na ako dito... tinignan ko ang relos ko... 

3:30.. Ang aga ko namang nagising... kakain na lang muna ako... pag kababa ko galing sa kwarto ko... nakapatay pa lahat ng ilaw... bigla kong na alala yung panaginip ko kaya dali dali kong pumunta sa kusina at binuksan yung ilaw nito... nagluto muna ako ng bacon... pang agahan ko na rin... 

Naluto na yung bacon kaya nilinis ko na yong lamesa at kumain.. habang nasa kalagitnaan ako ng pag kain... may narinig akong nag lalakad papunta dito... Papalakas ng papalakas yung tunog nito... NG biglang....

"Ohh lauren anak ang aga mo namang nagising.." napahinga ako ng malalim dahil si mommy lang pala yon...

"Hindi po kasi ako nakakain kagabi... kaya po bumangon ako at kumain..." sagot ko kay mommy habang sya naman ay nagtitimpla ng kanyang kape... pag katapos nyang magtimpla ng kape tumabi sya sa akin....

"Alam mo ana... may surprise kami sayo ng Daddy mo... pero mamaya na pag uwi mo galing sa klase.." sabay ngiti ni mommy saakin... naexcite naman ako kaya napangiti ako ng napakalawak... abot na ata hanggang langit... nag kuwentuhan lang kami ni mommy sya nag kukuwento tungkol sa work nila ni Daddy... ako naman tungkol sa study ko... hindi ko pa sa kanya sunasabi yung tungkol sa kahapon tsaka yung sa panaginip ko... Ayokong mag alala sa akin si mommy baka hindi pa sya makapag focus ng maayos sa trabaho kasama na si Daddy...

Tumingin ako sa relo ko... 5:00.. mag aayos na ako para makapag explain ako kay louisa ng maayos... sya lang kasi nasasabihan ko... nag paalam na ako kay mommy na mag aayos na ako... masyado palang napahaba kuwentuhan namin... habang naliligo ako.... Biglang bumalik yung nangyari kahapon lalo na yung sinabi nung misteryosong lalaking nagligtas sa akin...

"Mag iingat ka, ikamamatay ko kapag may nang yari sayong hindi maganda"

Teka familiar yung boses nya.... parang noon ko pa narinig yung tono ng boses nya pero d ko matandaan kung kailan... Hindi ko alam kung paano ako nakatapos sa pag ligo at nag susuklay na ako ng aking buhok..... kinuha ko na yung gamit ko at tumingin sa relo ko... 

5:20... ang bagal naman ata ng oras.... Hindi ko na lang yon pinansin.... Naabutan ko sila mommy at Daddy na kumakain ng agahan at nag uusap.... humalik na lang ako sa pisngi nila at nag paalam... sinabi ko kay mang Ed na hindi na ako mag papahatid... mag lalakad na lang ako tutal maaga pa naman tsaka malapit lapit rin naman sa  bahay namin yung campus tsaka para makapag excersise na rin ako.... 

Nandito na ako sa campus onti pa lang yung tao kasi 5:25 pa lang ng umaga... dumeretso na ako sa room ko.... nandon na rin si louisa kaya umupo na ako sa tabi nya... tumingin sya sa akin ng alalang alala pa rin...

"Okay ka na ba.... Nakatulog ka ba ng maayos... Sagutin mo naman ako!!!" sabi nya sa akin... hayyyy  ikukuwento ko na nga sa kanya..

Habang kinukwento ko sa kanya yung nangyari kahapon pati sa panaginip ko... may lito at taka sa itsura nya... iniisip nya rin siguro kung sino at ano ang ibig sabihin ng mga yon...

Napasandal sya sa upuan nya at nag isip....."Sino... Sino at ano ang ibig sabihin ng mga yon... Wala ka bang good news dyan para hindi ganon ka lala yung pag aalala ko sayo...." sabi nya sa akin..

Bigla ko naman na alala yung sinabi ni mommy kanina... Ano kaya yon nagalak na naman tuloy ako.... Ito namang katabi nagtataka yung mukha... sabihin ko na nga..

"Sabi sa akin kanina ni mommy may surprise daw sila sa akin ni daddy.... nakaka excite.. ano kaya sa tingin mo yon?" sabi ko sa kanya sya naman nag isip kung anong pwedeng surprise yon...

Madami dami na rin yung mga kaklase namin, tumingin ako sa relo ko.... 5:40... ano kayang magawa... nakita ko si louisa naglabas ng science notebook...

"May quiz ba tayo sa science?" sabi ko sa kanya tumango naman sya at may kinuhang mga bond paper sa bag nya...Para saan naman yon..

"Ito ohh... ginawan na kita ng assignment sa Filipino tsaka English... yan lang naman ehhh.. ireview mo na lang,alam ko rin naman kasing makakalimutan mo kasi lutang na lutang ka kahapon!!" sabi nya sa akin habang inaabot yung ass ko na ginawa nya...

"Salamat louisa... hayaan mo babawi ako sayo sa susunod..." sabi ko sa kanya habang binabasa yung ass...

"Talagang bumawi ka... pinag puyatan ko yan ehh" sabi nya na nag tataray na naman... ang bait nya talaga...

"Manahimik ka na nga dyan... mag review na lang kaya tayo" sabi ko na ikinatawa naming dalawa....

Ano pa bang misteryo ang mangyayari sa akin o kaya... SA AMIN... 

Itutuloy.......

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon