30: Acceptance

494 19 6
                                    

Lauren's POV

Gabi na kaya sinadya namin na ihuli yung Ferris Wheal kasi maganda yung view tsaka pamparelax na rin sa amin...





"Tara na Lauren!" sambit ni Daniel at iniabot yung kamay nya na tinanggap ko naman ng nakangiti, oo medyo nahihiya pa ako sa sitwasyon na 'to pero pag kasama ko kasi si Daniel pakiramdam kong ligtas ako kahit ngayon lang kami nagkasama...



Pumila na kami at buti na lang hindi pa ganon karami yung nakapila kaya nakasakay kami agad. Unti unti nang gumagalaw yung Ferris Wheal at nakikita ko na yung napakagandang view mula baba hanggang dito sa kinauupuan namin...



"Ang ganda 'no?" tanong naman bigla ni Daniel kaya napalingon ako sa kanya at napangiti...



"Oo..." sambit ko at masayang natapos yung date namin at hinatid na nya ako sa bahay para makauwi...



***



"Gusto mo pumasok ka muna sa bahay?" tanong ko kay Daniel, mukha pa syang nagdalawang isip pero pumayag na rin sya. Nasa harap na kami ng pintuan at hindi ko pa rin ito binubuksan, ano kayang reaksyon nila pagnakita nila ako?





"May problema ba?" tanong nya na agad ko namang inilingan at binuksan na yung pintuan. Pagkabukas ko napatayo agad si mama na nasa sala at katabi si papang nanood ng T.V.







"Lauren?" sambit ni mama agad naman akong lumapit at nagmano ganun rin kay papa...







"Sorry po sa biglaan kong pag alis..." sambit ko nang nakayuko niyakap naman ako ni mama na agad ko ring tinugunan...







"Okay lang yun anak, naiintindihan ka namin. Masaya rin kami ng papa mo na bumalik ka na kasama si Daniel..." sambit nito na nagpakunot ng noo ko...





Kilala nila si Daniel, ibig sabihin...







"Ikaw yung Daniel na nandito nung biyernes?" sambit ko pagkalingon ko kay Daniel, napayuko pa sya pero sumagot na rin...







"Oo ako yon Lauren, sorry hindi ko agad nasabi." sambit nito at naggigilid na yung mga luha ko kaya buga ako ng buga ng hangin...







"Lauren mali ang iniisip mo na ka-arranged marriage mo ako..." sambit nya







"Anak hindi ka pwedeng ikasal sa taong kadugo mo..." sambit ni mama...





Kadugo ko? Daniel? Anong ibig nilang sabihin?







"Kung kadugo ko si Daniel, sino sya sa buhay ko? Nawawalang kapatid? Pinsan na galing sa ibang bansa?--"





"Kapatid mo sya sa labas galing sa ibang bansa..." sambit ni papa na nagpatigil sa sasabihin ko. Kapatid ko sa labas si Daniel, panong?... Hindi ko gets huh... -_-||







"Alam naming nahihirapan kang intindihin kaya pwede ba tayong lahat mag usap habang kumakain ng hapunan?" tanong ni mama na tinanguan lang ng lahat...



***

"Panong kapatid ko sya sa labas kung galing sya sa ibang bansa? Kaninong side sya? Tsaka, bat hindi naman kami ganon magkamukha?" sunod sunod na tanong ko dahil sa kyuryosidad na namumuo sa kalooblooban ko. Ikaw ba naman, biglang ganto ang mangyayari sayo, hindi ka ba mabibigla >_<





"Sa aking side sya Lauren, anak ko sya sa isa kong ex girlfriend sa korea..." sambit ni papa kaya nakinig lang ako mabuti...









"Isang araw nang nasa eskuwelahan ka pa, pumunta dito si Daniel at ipinaalam sa akin ang nangyari sa nanay nya. Umuwi sya dito para hanapin ako at sabihing wala na ang nanay nya, masaya ako't nahanap nya ako at mapagtantong may nabuo kami nung mga araw na masaya pa kami sa isa't isa. Nabanggit rin ni Daniel sa amin na ibinilin daw sa kanya na hanapin ako at ipakilala ang sarili nya. Nung una hindi ako naniwala pero nung pinakita na nya yung mga litrato nila ng mama nya at yung mga natitira naming litrato na ikinupkop ng nanay nya..." pagpapatuloy nito na unti-unting nagpapalinaw sa isipan ko...







"Ibig bang sabihin... Kuya ko si Daniel?" tanong ko na tinanguan nila mama at papa...









OWEMJI!!











May kuya na ako ^o^









"Alam namin na matagal mo ng gustong mag kakuya kahit alam mong imposible, pero sadyang mabait ang panginoon at binigyan ka nya ng isang napakagwapo, napakatalentado, napakatalino, at higit sa lahat, napakagalang na kuya sa buong mundo." sambit ni mama na nagpangiti sa akin, napatakip pa nga ako ng kamay ehh...







"Edi... Kuya na tawag ko sayo?" sambit ko kay Daniel na nakangiti nitong tinanguan...







UUUUUWAAAAA!!! Dream come true!!!





*****

Buti pa si Lauren may kuya na :-( 

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon