23:Daniel?

641 22 8
                                    

Third Person's POV



Nang makauwi si Lauren, pumasok lang sya sa bahay nila at nilapag ang dala dala nitong sling bag na sky blue...




"Ma! Pa!" sigaw nito at hinanap ang mga magulang sa bahay. Nang papunta na sya sa kusina ay may narinig syang mga boses na masinsinang nag uusap. Dali dali namang nagtago si Lauren sa isang pader at nakinig...




"Sa tingin mo ba, pag nalaman na ng anak natin ang tungkol dito magagalit sya?" sambit ng pamilyar na boses ng papa nya, kumunot ang noo ni Lauren dahil sa narinig...




'Anong ibig nyang sabihin' sambit nito sa isip...




"Hindi yan imposible, ni wala syang kalam alam sa nangyayari sa pamilya natin..." sambit naman ng pamilyar na boses ng kanyang ina, napagdissisyunan ni Lauren na manatili at makinig ng maliwanagan sya...





"Wag na lang kaya nating gawin--" napatigil na magsalita ang ama ni Lauren dahil sa pagbagsak ng kamay ng kanyang ina...




"Hindi yan pwede Karlito, kailangan na nyang makilala si Daniel as soon as possible para na rin sa pamilya natin 'to!" mariin na sambit ng kanyang ina rinig pa ni Lauren ang pag hinga ng malalim ng kanyang ama samantalang hindi makapaniwalang napa iling lang si Lauren at umalis na sa lugar na iyon at pumunta sa kanyang kuwarto...





Lauren's POV




Sana mali ang iniisip ko...





Sana...








Sana...








SANA!!!






*TOK* *TOK*




"Sino yan?" sigaw ko at nanatili sa higaan...





"Ang mama mo 'to." sigaw naman pabalik ni mama, magpapanggap muna ako sa ngayon. SA NGAYON!




Umayos ako ng upo at pumasok naman si mama, nginitian nya ako kaya nginitian ko rin sya ng pagkatamis tamis...






"Kamusta ang lakad nyo kanina?" tanong naman nito ng makaupo sa tabi ko...






"Masaya naman po, nakasama po namin yung kapatid ni Michael tsaka nag bonding na rin!" masayang sambit ko sa kanya. Napangiti naman si mama at hinagod hagod yung buhok ko, mukhang may gustong sabihin sa akin si mama. About kaya yun sa narinig ko kanina?






"May sasabihin po ba kayo ma?" nang sabihin ko yon napatigil si mama sa paghagod na buhok ko at napatingin sa mga mata ko. Ibubuka na sana nya yung bibig nya pero may kumatok sa kwarto ko...




"Sino yan?" sigaw ko naman at si manang lang pala...




"Ready na po yung hapunan ma'am." napaayos naman ng upo si mama at sinabihan si manang na susunod na kami, nilingon ko si mama at nginitian lang ako...




"Kain na tayo!" sabi naman nito at nauna ng tumayo at lumabas na ng kwarto ko.




Ano ba kasing meron...

















Sino si Daniel?

















***


"Good morning po tito... Tita." sambit ni Niger nang makarating sya sa bahay para sunduin ako. Tumayo naman agad si mama at pinakain si NIger pero tumanggi lang sya, nagmadali na lang akong kumain at kinuha na yung bag ko...



"Bye pa..." sabay halik ko kay papa sa pisngi nya, "Bye ma, una na kami-" naputol sasabihin ko kay mama ng lumayo sya sa akin...



"Hindi ka na magtu-tooth brush?" argh, yun lang pala ginawa pa kong bata ehh



"Sa school na lang po." sabay halik sa pisngi nya at hinila na si NIger paalis ng bahay at agad agad sumakay sa kotse nya samantalang sya naiwan sa labas at nagtatakang umikot sa kotse at pumasok na...





"May nangyari ba?" tanong nya ng makapasok sa kotse at sinuot yung seatbelt sabay start ng engine...



"Wala..." sambit ko at sinuot na yung seatbelt sabay salpak ng earphones ko sa tenga ko at sinandal yung ulo sa bintana...



Habang nabyahe papunta sa school, nakita kong pumapatak patak kaya napaayos ako ng upo at tinggal yung isang earphones ko at tinitigan ang pagbuhos ng ulan...





"Ganyan na ganyan ka pag may problema..." biglang sambit ni Niger kaya medyo napayuko ako at nakaharap parin sa bintana. Kahit kailan hindi nya kinalimutan mga gawain ko...





"Feeling ko may gustong ipakilalang lalaki sila mama sa akin..." mahinang sambit ko na sapat na para marinig nya. Itinigil na nya yung sasakyan, tinignan ko naman yung paligid... Nasa school na pala kami hindi ko namalayan, humarap ako sa kanya na kanina pa pala nakaharap sa akin...



"Ano namang meron don?" takang tanong nya naglabas ako ng hangin sa ilong ko at seryosong tinignan sya sa mga mata...





"Niger, akala ko naiintindihan nila ako na ayaw kong matulad sa iba na mag arranged marriage na nangyayari, pero sino si Daniel? Bakit kailangan ko syang makilala as soon as possible? Bakit?" nilabas ko lahat ng tanong ko kay Niger at pinunasan nya lang yung mga pisngi ko gamit ang hinlalaki nga kamay nya at niyakap ako...





Sa pagyakap nyang yon, lalo akong naiyak...











Yumakap na rin ako sa kanya ng pagkahigpit higpit...









Ayokong may arranged marriage...











Kasi itong lalaking 'to...















Ang gusto kong pakasalan...











Wala ng iba...







Someone's POV



"Okay lang po maghihintay lang ako..." sambit ko sa cellphone ko at inend call na...





Hindi pa nya ako nakikilala, pero ramdam ko nang ayaw nya sa akin. Nandito lang ako school parking at tinitignan silang magkayakapan sa loob ng kotse...





"Tatanggapin kong may kayakap kang iba ngayon, pero sa susunod ako na ang yayakapin mo!"







*************

PABITIN EFFECTS OLIT!! XD

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon