29: Friendly Date

563 17 1
                                    

Lauren's POV



Monday ngayon kaya malamang papasok ako at kasabay ko si Louisa, napagdesisyonan ko na rin na umuwi na sa bahay dahil hindi ko rin naman kayang tiisin sila mama...



"Tara na!" yaya niya kaya dinala ko na yung bag ko at lumabas na ng kwarto ko at sa condo ni Louisa sabay sakay sa kotse nya...



"Kailangan mo na ring sabihin kila Michael ang tungkol sa alaala mo." sambit nito ng maisuot ang seat belt at inistart na ang kotse, sinuot ko na rin yung seat belt ko...





"Mamaya malalaman na rin nila..." sambit ko at pinaandar na nya ang kotse. Tahimik lang yung naging byahe namin at nakarating naman kami agad sa school at pumunta na sa room namin. Umupo na ako at nandito na rin yung Daniel pero hindi ko na lang pinansin presensya nya...



"Sorry nga pala nung nakaraang araw umalis agad ako. May emergency kasi ehh." sambit nito at tinignan ko sya ng walang emosyon...



"I'm not asking..." sambit ko at sinalpak na yung earphones sa tenga ko at nagpatugtog, may narinig pa akong murmur pero hindi ko na yun pinansin at iniyuko na yung ulo...



Napa ayos na lang ako bigla nang tanggalin ni Daniel yung isang earphone at napalingon ako sa kanya ng naiinis...



"Please, I want us to be friends. That's why I'm acting like this to you." sambit nito na tila nagpalambot ng matigas kong puso, Sh!t lang. Ang amo ng mukha nya ngayon na halata mong inosente sa ibang paraan at mabait, hindi ko na rin namalayang lumambot yung ekspresyon ng mukha ko kaya inabot nya sa akin yung kamay nya at hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin iyon at nag shake hands na kami...





"So, that's a yes, pwede naman siguro tayong mag friendly date?" tanong nito na nagpalaki at nagpakunot ng noo ko. What?



"Friendly date agad? Kakatanggap ko pa nga lang ng pakikipag kaibigan mo eh!?" sambit ko na nagpatawa lang sa kanya ng mahina kaya hinampas ko sya sa braso na para bang close kami. Ewan ko ba, ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya...



"Friendly lang naman ehh, hindi mo naman kailangang mag assume." taas baba ng kilay nyang sambit na nag pailing at irap sa akin, pinatay ko na lang yung music at iniligpit yung earphones sa bag ko...



"Pumayag kana, magkaibigan naman na tayo eh..." sambit nito at napairap naman ako, ANG KULIT!!





"Oo na, oo na. Payag na ko. Basta saglit lang!" sambit ko ng nakataas ang isang kilay at napa'yes' naman si Daniel kaya napailing na naman ako...



'Childish Guy'



***

"Class dismiss..." huling sambit ni Sir at umalis na, dali dali namang nag ayos itong si Daniel...



"Tara na Lauren!" sambit nito at pumunta na sa harap ko bigla namang napalingon sa akin si Louisa. Ay shet! Hindi ko pa nasasabi kay Louisa!!





"Saan kayo pupunta?" tanong ni Louisa na masaya namang sinagot ni Daniel, napayuko na lang ako pakanan at kinagat ang ibabang labi. Oh my holy patatas! Inayos ko na lang yung gamit ko...





"May friendly date kami ngayon ni Lauren, para makilala naman namin isa't isa!" sambit naman nito at kinulbit naman ako ni Louisa kaya agad agad naman akong lumingon sa kanya ng nakangiti...



"Friendly date?" sambit nito na lalong nagpakaba sa akin, huhuhu! Selos si bess





"Uh, oo ehh. Ano... Uhm, okay lang ba?" tanong ko naman kay Louisa na tinanguan nya lang at napangiti naman ng wagas si Daniel. Excited much?!



"Tara na Lauren, ako na magdadala ng bag mo." sabay sukbit ng bag ko sa balikat nya at hinila na ako palabas ng room, nilingon ko pa si Louisa pero nag aayos na sya ng bag nya...



"Hoy, kayong dalawa sa wednesday huh!!!" pasigaw namang sambit ni Melisa at tinanguan ko na lang sya at patuloy paring hinihila ni Daniel. Aaargh! >.<



***

"Motor?" tanong ko ng bigla syang umangkas sa motor at nagsuot ng helmet...



"Ay, oo nga pala naka palda ka--"



"Hindi okay lang, may extra akong pantalon. Papalit lang ako..." at tumakbo na ako sa cr sa may parking. Actually, nagbihis na talaga ako ng panggala. Wala lang, trip ko lang... XD





"Tara na?" sambit ko at inabot nya naman yung nakareserve na helmet na sinuot ko naman agad at umangkas na sa motor, nilagay ko naman yung kamay ko sa balikat nya kahit alam kong mali yon...





"Dito dapat yan..." sambit nya at kinuha yung dalawa kong kamay sa balikat nya tsaka nilagay-- este pinulupot sa bewang nya. Owemji, may nararamdaman akong matigas >.<





"Hawak ka mabuti..." huling sambit nito at pinaandar na yung motor nya...



Grabe nakakamiss yung paghampas ng hangin sa mukha mo habang may mabigat na bagay sa ulo mo (helmet)...





"(&#*^&%Q^#(Q"





"ANO?" sigaw ko dahil mukhang may sinabi sya na hindi ko narinig, lakas kasi ng hangin ehh...



"SABI KO, KUNG OKAY KA LANG BA DYAN!!" sigaw nya pabalik...




"OO, OKAY LANG AKO!!" sigaw ko naman pabalik at hindi namamalayang napapahigpit na yung yakap ko sa kanya...



***

Daniel's POV

"Dito talaga?" sambit nya na tinanguan ko naman ng nakangiti, napastraight pa yung mukha nya pero binalewala ko na yun at hinila na sya papasok sa EK...



Oo, sa EK kami pumunta tutal friendly date naman na 'to kaya sosyalan na dapat ^_^



"San mo gusto?" tanong ko sa kanya at nilibot naman nya ng tingin yung EK...



"Dun tayo sa may roller coaster." sambit nito at napatulala na lang ako, seryoso sya, dun nya gusto O.o



Sya na ang humila sa akin papunta sa may roller coaster at wala halos pila kaya naka abang nalang kami sa sasakyan at nang nasaharapan na namin yun sumakay na kami, sa gitna sana kami sasakay pero umupo na sya sa pinakunahan kaya wala na akong nagawa kaysa tumabi sa kanya...



"Takot ka noh?" sambit nito at bumaba naman yung parang seatbelt...





"Bat naman ako matatakot? Lalaki 'to noh!" sambit ko naman na nagpatawa naman sa kanya, pero sa totoo lang, gusto ko ng tumalon pababa sa sinasakyan namin dahil sa kaba >.<





Unti unti nang umaakyat yung sasakyan at ng may nabangga na 'to agad agad naman itong umandar ng pagkabilis bilis pero parang wala lang naman kaya sigaw lang ako ng sigaw habang nakataas ang kamay, napatigil lang ako nung biglang may humampas sa hita ko...







"AAAAAAAHHH!!! AAAAYOOOKOOO NAAA DANIEEEL!!! ITIGIL MO NA 'TOOOOO!! MAAAMAAAAAA!!" natawa naman ako sa reaksyon nya at hinawakan na yung kamay nya na nakapagitan ang bawat daliri...



Kahit papano kumalma naman sya sa ginawa ko pero nagtititili pa rin sya, ako naman nag sisisigaw lang at ineenjoy yung ride. May pagkakataon pag lumilingon ako sa kanya at napapangiti na lang sa kawalan,sana matanggap na nya.



Natapos yung ride at binili namin yung mga picture na nakuhanan kami, buti na nga lang wala akong epic na picture kahit si Lauren wala. Pagkatapos non kung saan saan pa kami nag rides at kumain, naglaro na rin, nagala at kung ano ano pa na ginagawa ng mga magjojowa, pero friends lang kami hanggat hindi pa nya kayang tanggapin yung bagay na yon...





****

Ay, jowa agad?

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon