42: Someone

473 11 0
                                    

Chloe's POV

"How 'bout this babe?" tanong ni Mico habang may pinag oobserbahan na gown na suot suot ng isang mannequin. Lumapit ako sa kanya at napanganga na lang ako sa ganda ng gown. Bagay na bagay sya sa notif ng ball which is masquerade. Isa syang long white gown na may mga kumikinang na asul na bato sa mula bewang  pataas at pababa. May maskara ring nakasuot sa ulo ng mannequin, tulad ng gown puti rin ang kulay nito pati ang balahibo sa gilid, may mga bato rin na asul na nakadisenyo rito. Nawala ang tingin ko sa mannequin nang hawakan ni Mico ang kamay ko at tinawag ang sales lady.

"We want this." nagbow ang sales lady tsaka pumunta sa may stock room ata nila, kinausap saglit ni Mico ang cashier tsaka binayaran, sabay naman kaming lumabas ng botique at naglibot libot pa sa mall. Tinignan ko yung relos ko at mag dadapit hapon na pala kaya sinabihan ko si Mico na uuwi na ako at tsaka para makapagpahinga na rin sya. Nang makauwi ako ay naabutan ko naman si kuya na nakasalampak sa sofa at nakatingin sa cellphone nito. Lumapit ako sa kanya at sinilip kung ano ba pinagkakaabalahan nya sa cellphone nya.

'Uy, Louisa. Ayos ka lang ba?' basa ko sa text nya. Wala naman akong makitang reply ni Louisa tapos nagtype ulit sya.

'Louisa, reply ka naman oh. Nag aalala ako sayo :'(' What the? XD

"Pfft. Hahahahaha!"

Micheal's POV

"Pfft. Hahahahaha!" napabalikwas ako sa gulat nang marinig yung tawa na yon sa may tenga ko. The fvck?! Wag mong sabihing nabasa ni Chloe mga pinag tatype ko?!

"Ano tinatawa tawa mo dyan ha burah?!" hindi sya sumagot dahil tawa parin sya nang tawa, kulang na lang maglupasaysay sya sa sahig sa sobrang tawa habang ako nagpipigil na ng inis sa kanya. Makatawa akala mo hindi babae ah!?

"Kuya... You're so... Sweet–Pfft." panaka naka nyang sagot at nagpatuloy ulit sa pagtawa. Ampupu naman oh! Sa inis ko kay Chloe at sa nakakairita nyang tawa, tumayo na ako at umakyat sa taas.

"Good night lover boy–Pfft. Hahahaha!" Err. Binilisan ko na lang sa pag akyat at pumasok sa kwarto. Agad akong humiga sa kama at tumitig saglit sa kisame. Ano ba kasing nangyari kay Louisa.

Flashback...

"Uy Louisa!" nabalik ang tingin nya sa akin pero bumaling ulit sya sa entrance, tumingin rin ako ron pero wala namang tao.

"Louisa okay ka lang? Para kang nakakakita ng patay na nabuhay." sabi ko habang masaya nang kinakain yung inorder namin. Samantalang sya nakatitig lang sa pagkain at parang ang lalim ng iniisip.

"Louisa, ayos ka lang?" tanong ko at hinawakan ang kamay nya na nasa table. Medyo nagulat sya sa ginawa ko pero nakabawi naman agad.

"A-ayos lang ako." sabi nito pero yung mukha nya ay halos mawalan na nang kulay. Hinidpitan ko ang hawak ko sa kamay nya.

"Sigurado ka ba? Namumutla ka." sabi ko at inabot ang mukha nya. Agad naman nyang tinanggal ang kamay ko, nginitian nya ako bago sinubukang sumubo. Pinagpatuloy ko na rin ang pagkain hanggang sa mag ring ang cellphone nya. Tinignan nya muna yon saka sinagot.

"Hello... Yes Mr. Smith... Tomorrow?... Okay, thank you." tapos inend nya na yung tawag. Tumayo sya bigla kaya napatayo na rin ako.

"Micheal alis na ako." sabi nya saka sinubukang umlis pero hinawakan ko agad ang braso nya.

"San ka pupunta?"

"Uuwi muna ako. May aasikasuhin pa ako sa bahay." sabi nya at tumlikod pero pinigilan ko ulit sya.

"Hatid na kita." kita ko ang pagtutol sa mga mata nya pero huminga muna sya ng malalim saka pumayag.

End of Flashback

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon