31: Letter

521 14 7
                                    

Lauren's POV

Matapos sabihin sa akin lahat nila papa, agad namang tumira na si Daniel sa bahay. Alam ko dapat kuya tawag ko sa kanya pero di pa ako sanay kaya Daniel na lang muna...

"Lauren, tara na!" sambit nito sa labas ng kwarto ko...

"Ito na!" sambit ko naman at kinuha na yung bag ko sa higaan at lumabas na.

"Amina yang bag mo." imbis na ibigay sa kanya yung bag ko, inilayo ko pa yon. Kelangan ba talagang dalhin pa yung bag ko?

"Amina!!" at tuluyan na nyang nakuha yung bag ko. Wala na rin akong magawa at sumunod na lang sa kanya bumaba ng hagdan...

"Sino ka?" napatigil naman ako sa pag baba ng marinig yung boses ni Niger... Anong ginagawa nya dito?

"N-niger!... A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng makapagitna ako sa dalawa. Ewan ko ba, parang may mangyayari na kailangang pigilan eh...

"Sino sya Lauren?" nilingon ko naman si Daniel sa tanong nya. Anong isasagot ko?

"Ano, uh... ano... Sya si... Niger, kaibigan ko." paputol putol kong sagot. Bakit ba kasi ako nauutal?

"Lauren sino sya--"

"Niger iho, nako hindi ko pa pala nasasabi sa iyo. Okay lang pala kahit hindi mo na ihatid sundo si Lauren, nandyan naman na si Daniel para sa kanya..." sambit naman ni mama na nagpakaba lalo sa akin. Tinignan naman ni Niger si Daniel ng masama kaya tinulak ko 'to papalayo kila mama...

"Ayon pala yung Daniel?"

"..."

"Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"

"..."

"Tapos ngayon hatid sundo ka na nya..."

"Hindi mo kasi naiintindihan eh--"

"Edi ipaintindi mo." sambit nito kaya nagbuga muna ako ng hangin...

"Kuya ko si Daniel, anak sya sa labas ni papa. Namatay na yung nanay nya kaya nandito sya para makasama si papa kahit papaano." sambit ko na nagpagaan ng ekspresyon nya. Nako salamat naman at maayos na---

"Pero hindi ibig sabihin non na hindi na kita pwedeng ihatid sundo. " may diin na sambit nito. Akala ko pa naman okay na T_T

"Hayaan mo na. Pagbigyan mo na lang yung taong makabawi..." Sambit ko na nagpakunot ng noo nya

"Bakit kailangan nyang bumawi?" tanong nito,  aaargh kailan ba to matatapos -_-#

"Long story, sige na mauna ka nang pumasok sa school, sunod na lang kami--"

"Lauren tara na malelate na tayo! " sambit ni Daniel pagkalabas ng pinto at may pahabol pang masamang tingin kay Niger.

"Sige na, una na kami... "sambit ko at sinundan na si Daniel...

****

*KRING* *KRING*

"Class dismiss."

Nagsitayuan naman agad yung mga kaklase ko, ako naman nag ayos ng gamit...

"Tara na Lauren, punta tayong cafetiria! "masayang sambit ni Louisa na tinanguan ko naman at kinuha yung pouch ko sa bag pati cp...

"Sandali, sama ko... " sambit ni Daniel kaya hinayaan na namin syang sumunod...

"Teka, pansin ko lang huh..." -Louisa

"Ano yon... " -Ako

"Bakit biglang nagbago attitude ni Daniel? " tanong nito

"Long story, ikukuwento ko sayo mamaya... " malamig kong sabi at nauna ng maglakad...

***

Nakabili na kami ng pagkain at parang hindi ko na rin dinala yung pouch ko dahil nilibre naman ako ni kuya-- este ni Daniel ‹•.•›

"So Lauren kuwento mo na! " masayang sambit naman ni Louisa...

"Ano yung ikukuwento nya? " tanong naman bigla ni Daniel... Hay nako, tsismoso eh (¬_¬)

"Wala ka na don!" -me

"Ganyan ka ba sa kuya mo? Wala man lang respeto? " sabi nya, aba hindi porke kuya ko sya, sya na yung boss -.-

"Hay nako Daniel--"

"Hep... Kuya dapat ^_^" sambit nito nang napakacute, pero never mind---

"Lauren, Louisa, nandito lang pala kayo! " masayang Sambit naman ni Chloe kasama yung dalawang lalaki. Nakita ko pa yung masamang tinginan nila Niger at Danie--- kuya...

"Ay may kasama pala kayo..." - Chloe

"Hindi okay lang, hindi naman kayo nakakaistorbo! " masayang sabi naman ni Danie-- kuya sa kanila este kay Chloe lang pala

"Sige po, mahaba rin naman yung table..." nakangiting Sambit ni Chloe at tumabi sa kanan ni Louisa, si Michael naman umikot pa talaga ng table makaupo lang sa tabi ni Louisa, si Niger naman umupo sa kanan ko at medyo naging awkward yung atmosphere dahil sa dalawa kong katabi...

"Kain na tayo! " pambabasag ni Chloe sa katahimikan at kumain na, ganon rin ang ginawa ko at wala na akong pakialam sa paligid...

"Ang konti naman nga pagkain mo, Oh yan ubusin mo! " sambit ni Niger at naglagay ng rice roll sa plato ko sabay kumain naman sya na parang walang nangyari...

"Masyadong marami na yang pagkain mo, hindi ka naman mahilig kumain eh!" Sambit ni kuya tsaka kinuha yung rice roll at ibinalik ulit kay Niger...


*BAG*



"Ano bang problema mo huh?" tumayo na si Niger at masamang tinignan si Daniel...

"Ano bang ginawa ko sayo? " sagot naman ni kuya at tumayo na rin, nakipagsabayan pa sa titigan kay Niger. Nilingon ko yung paligid at lahat ng tao sa lugar na to ay nasa kanila ang atensyon. Seryoso? Dito pa talaga sa cafetiria sila nag aaway? -_-#

"Tumigil na nga kayong dalawa! Para kayong mga bata eh!" tumayo at pumagitan na ako sa dalawa ibinulong ko lamang iyon dahil baka maging isyu pa ( ̄へ ̄)

Umupo na rin silang dalawa at tahimik na kumain, tumayo naman si Louisa at pinagtitignan yung mga taong nakatingin parin sa amin at nagkanya kanya namang kainan yung mga tao, sa totoo lang ewan ko kung pano ko nakilala 'tong mga taong 'to ︶︿︶

****

Pagkabalik namin sa room bigla silang tumahimik at nakatingin lang sa amin or should I say... Sa akin...

Nang makapunta na kami sa upan namin napatigil ako kasi may sulat na nakapatong sa table ko...

"Kanino yan galing? " tanong ni Louisa, umiling ako habang nakatingin sa sobre...

"Hindi ko alam... "

Biglang bumukas yung pinto kaya umupo na kaming tatlo kasi nandito na yung teacher namin...




Itim na sobre...





Para sa akin,  ang lahat ng sulat na nakalagay sa itim na sobre ay isang banta...






Banta kung saan mas magiging delikado ang buhay mo pagnabasa mo ito...



Pero kung ano man ang nakasulat sa sobreng ito. Kailangan kong malaman...



















Agad agad....

******
Tapos na ang Chapter 31!

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon