10:After the Party

1.2K 35 0
                                    

Lauren's POV





Pagkatapos nung party naging kasundo na namin ni Louisa sina Michael at Niger.





Minsan nakakaawkward kasi kapag nagbobonding kaming apat, bigla na lang silang aalis, tas anglaging sinasabi may emergency sila.





Nanghihinala na ako sa kanila, hindi kaya may itinatago ang dalawang toh.....







Kung meron man ano yon...





Niger's POV



Pagkatapos nung party ni Louisa nakakasama ko na ang babaeng noon ko pa binabantayan sa kadahilanang, mapasama ulit sya sa gulong akoy may kinalaman ....





Ayokong madamay ang babaeng noon ko pa gusto...





Mamamatay muna ako bago nila mapatay si...





Lauren...



KRINGGGGG!!!!!!!



nagring bigla ang cp ko at pagtingin ko sa screen.... Hindi na ako nabigla kung sino ito pero alam kong tungkol na naman ito kay Lauren...



"Hello.." panimula ko pagkasagot ko sa tawag...



~(kamusta na Niger, handa ka na ba sa susunod nating harapan?)~ kabilang linya.



"Subukan nyo lang syang saktan malilintikan kayo sa akin!!" nanggagalaiti kong sambit sa kanya...



~(kalma lang Niger hindi namin sya sasaktan KUNG mananalo ka sa laban...)~

Natahimik ako, nagiisip ng maaaring solusyon para mawala sa usapang to si Lauren, nasaktan na sya noon, at ayoko ng mangyari pa ulit yon!!



~(natahimik ka ata Niger, mukhang nakalimutan mo na ang araw kung kailan yon mangyayari... November 1 para sakto sa undas kung kailan ka mamamatay o kaya naman sya ang mamatay...)~



Aurgh, naikoyom ko ang aking kamao sa sobrang galit, nawala na sya ngayon, mabuti nga at alaala nya lang ag nawala, P*TA hindi na ako papayag na tuluyan na syang mawala....



tinapos ko na ang usapangyon at binato ang cp ko sa pader ng kwarto ko....



"AHHHHHHHHHH!!!!" sigaw ko sa galit, P*t*ng *na, talaga nya, pano nya nagagawa yon sa kaibigan ng babaeng mimahal nya, Buwiset...



"Pre, ano nang balita?" tanong sa akin ni Michael pag kapasok na pagkapasok sa kwarto ko, natigilan sya sa nakita nyang basag basag kong cellphone, wala na akong pake kung nagana pa yan o hindi, mas mabuting bumili na ako ng bago kesa sa guluhin pa ako ng lalaking yon..



"Anong nangyare, anong pinag usapan nyo-- Niger!!" sigaw nya sa akin ng lumabas ako sa kwarto ko ng hindi sya pinapansin...





kailangan ko syang puntahan ngayon... Paniguradong may plano na ang mga mokong na yon, hindi ba talaga sya nag iisip na maaaring mamatay rin si Louisa dahil sa mga ginagawa nya... Bobo ba sya...





Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Micahel sa sasakyan ko at nagraragasa ko itong pinaandar, wala na akong pake kung dahil dito mamatay ako, basta ang huling pakay ko, makita ang taong mahal ko...







Lauren hintayin mo lang ako... Ililigtas kita, kahit ikamatay ko ito...







Lauren's POV





Sa totoo lang iba ang kutob ko sa araw na to, ang lakas ng kabog ng dibdib ko na tila ba gusto na nitong tumalon sa ibang planeta...





"Lauren, tara shopping tayo, wala naman yung mga boys ehh!!!" sabi ni Louisa na reading ready na sa pag alis...



"Louisa..."





"Bakit?"





"Wag na--"

















O.O

















"Niger??" sambit ko sa gulat ng bigla nya akong yakapin pagkapasok nya sa bahay ko...









"Ayos ka lang ba?? May masakit ba sayo?? May nagbabanta ba sayo??? Sabihin mo..." sunud sunod nyang tanong habang nakayakap sa akin...





"May mangyayari bang hindi maganda Niger?? Michael??" tanong ni Louisa sa dalawa, hindi sumagot si Niger at si Michael naman hinila si Louisa papuntang garden...







"Simula ngayon, ako at si Micahel lang ang makakasama mong lalaki na hindi mo kadugo, wala ng iba, ayokong mapahamak ka ng dahil na naman sa katangahan ko.." aniya na mayroong paninindigan sa kanyang mga mata... ngayon ko lang ito natitigan ng maayos ng biglang...













"AHHHHH!!!!" inda ko sa sakit ng biglang may mga blur na litrato ang lumabas sa utak ko...









"Ayos ka lang?? @#%$@#!@%..."sambit ni Niger hindi ko na narinig yung huli nyang sinabi, nakita ko ang paglapit nila Michael at Louisa sa akin...









May sinasabi sila pero hindi ko marinig...















Total block out...



Itutuloy...

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon