28: Secrets to be told

585 17 5
                                    

Louisa's POV

"Iwan mo na lang sya dyan tsaka umuwi ka na rin, ako na bahala sa kanya." sambit ko nang maihiga ni Niger si Lauren sa higaan nito...



"Sigurado ka?" tumango naman ako kaya lumabas na sya ng kwarto, sinulyapan ko pa sya para makasigurong umalis na at umalis naman na sya. Nilapitan ko agad si Lauren at hinubaran, normal na 'to sa amin magkapatid na rin naman na ang turingan namin sa isa't isa. Una ko munang tinaggal yung blouse nya at nilagay sa lapag ganon rin ang ginawa ko sa palda...



Pumunta naman ako sa cr at kumuha ng maligamgam na tubig at pamunas para sa katawan ni Lauren. Pinunas ko na ito sa katawan nya at binihisan na sya ng tuluyan tsaka inihiiga ng maayos at kinumutan. Kinuha ko naman yung uniform nya na puro dugo sa sahig at nilabhan sa cr at dinryer. Pagkatapos non nilagay ko na sa High-fan yung aircon para hindi ganon kalamig at lumabas na ako ng kwarto ni Lauren...



Pumunta ako sa kusina at kumuha ng maluluto at nagsimula na akong lutuin ito, yung paborito nyang soup (Miso soup) ang niluto ko para ganahan syang kumain at yung kaya nya lang ubusin yung niluto ko. Pagkaluto, naglagay na ako sa bowl ng soup at nilagay sa tray, nilagay ko na rin don yung soup spoon at tubig tsaka tinakpan ito at dinala papunta sa kwarto ni Lauren...



Nilapag ko muna sa side table yung tray at umupo sa tabi ni Lauren at hinimas himas ang buhok nito...





"Matulog ka lang. Alam kong pagod na pagod ka na..." sambit ko at tuumayo na, iniwan ko na lang yung tray para kung sakaling magising man sya makain na agad nya...



****

Niger's POV



"Ano nang nangyari?" tanong ni Michael ng makapunta na silang dalawa sa condo kasama kapatid nya...





"Wala, nandun na sya kay Louisa sa condo nya." sambit ko at tumayo na sa sofa at pumunta sa kusina't uminom ng tubig...





"Oo nga pala, umuwi na kami nung umalis sya sa condo nya..." sambit naman ni Chloe na umupo na sa sofa...



*KRING* *KRING* *KRING*



"Gen, nagriring phone mo." sambit ni Michael at kinuha phone ko sa mini table, nilingon ko sya para malaman kung sino yung tumawag...



"One of the assassins." sambit nito at agad ko namang kinuha yung phone ko at sinagot...





"(Anong nangyari? Bakit patay lahat ng member ng POD?)" nangmarinig ko yon agad akong lumabas papunta sa balcony...





"May mga kutsilyo silang dala kaya pinatay na namin sila." pagsisinungaling ko, hindi pa rin dapat nila malaman ang tungkol kay Lauren, sya lang may karapatang ibunyag ang sikreto nya sa iba...





"(Tatlo lang kayo, panong lahat patay---)" 



"May bago na kaming kagrupo. Maleficent ang pangalan nya."



"(Ano totoong pangalan?)"





"Chloe"



"(Sige, sa susunod na sabado may laban kayo against sa pangalawa sa ranking. Normal time at the underground battle field)" 



"Okay..." huli kong sambit at inend na yung call. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga ilaw sa baba...





"May problema ba?" tanong ni Michael at ginaya ang posisyon ko, tumayo ako ng maayos at nilagay yung dalawang hinlalaki sa bulsa ng pantalon ko...





"May laban tayo sa susunod na sabado kasama na si Chloe." sambit ko at tumango naman sya...





Ano na kayang nangyari kay Lauren?



Lauren's POV



Pagkamulat ko ng mata ko, isang pamilyar na amoy agad ang napansin ko. Nilingon ko yung side table at may tray don. Umupo ako sa higaan at kinuha yung tray at inayos yung stand nito, may nakita akong sticker kaya kinuha ko 'to at binasa...



Ubusin mo yang niluto ko na Miso soup para sayo

~Louisa



Napangiti naman ako sa nabasa ko at tinanggal na yung takip ng bowl at kinain na 'to, buti na lang hindi pa malamig kaya masarap higupin. Nang malapit na akong matapos biglang gumalaw yung pintuan kaya tumingin ako dito...



"Gising ka na pala." nakangiting sambit ni Louisa at umupo na sa may paanan ko, nginitian ko naman sya at hinigop na yung natitirang sabaw at uminom ng tubig. Ramdam ko yung titig sa akin ni Louisa kaya hindi ako makatingin sa kanya...



"Sorry..." panimula ko at napayuko habang kinakalikot yung mga daliri ko. Marami akong kailangang sabihin sa kanya, sobrang dami...



"Hindi ko agad nasabi sayo yung tungkol sa alaala ko..." pagpapatuloy ko habang nakayuko pa rin...





"Nung nagkamalay ako sa ospital, kinagabihan non at yung sumunod pang mga gabi, bumalik yung alaala ko. Nilihim ko sa inyong lahat yon hanggang sa acquaintance, nung nawala kaming dalawa ni Niger, yun yung mga panahong sinabi ko na sa kanya yung tungkol sa alaala ko..." tumingin na ako sa kanya na nakitingin rin sa akin...



"Sa kanya ko unang nasabi yon dahil nahuli na nya ako, wala na akong magawang palusot kaya sinabi ko na. Malalaman rin naman ng lahat, sa susunod na laban..." 





"Susunod na laban?" 





"Daig mo pa akong nagka amnesia eh, hindi bat tuwing first week ng setyembre may nagaganap na laban sa underground battle field..." sambit ko na nagpa'aah' naman sa kanya...





"Anong balak mo?" tanong nito at sinabi ko naman sa kanya yung mangyayari sa susunod na laban...





My secrets is about to know...



****

Paaak Ganern ang bida natin!!

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon