45:

973 23 19
                                    

*******
Sa mga nagtyagang magjintay marraming salamat at sorry narin kasi masyadong napatagal, aaminin ko nawalan ako ng inspirasyon na ituloy ang story na to, pero dahil sa inyo ay may nakuha ako. Konti lang ito pero sa mga susunod babawi ako sa inyo.

Salamat sa support! Love lots! ↖(^ω^)↗

-Mini_Icy

*

**********

Louisa's POV

"Louisa please bumalik ka na sa loob." Pagmamakaawa ni Chloe. Ayoko, ayokong pumasok. Sabihin na nating namiss ko sya pero yung katotohanang ibang tao yung pinagsayangan ko ng luha? Ewan ko na lang...

"Louisa alam kong mahirap pa tanggapin ngayon pero isa tayo sa inaasahan ni Lauren na makaintindi sa kanya"

"Alam ko, alam ko. ANg hindi ko lang maintindihan at matanggap ay bakit sampung taon pa, sampung taon pa syang naghintay bago magpakita satin, bago ipaalam na hindi nya katawan yung nasa kabaong, na hindi sya--"

"Louisa..."

Napalingon si Chloe pero ako, hindi na, alam ko ang boses nya at nakakainis kasi hindi ko manlang napansin yung boses nya at nung isang Lauren.

"Please hayaan nyo akong ipaliwanag sa loob..." napabuntong hininga na lang ako tsaka sya nilingon, dumiretso ako papasok ulit sa loob ng hindi sya tinitignan. Oo aaminin ko, nagtatampo ako sa kanya kasi pwede nya namang sabihin sakin yung mga sikreto nya dati pero di nya ginawa kasi natatakot sya---

"Louisa, are you with us?" nagulat na lang ako nung alugin ako ni Michael. Hindi ko rin namalayan na nakaupo na pala ako kasama ang iba pa.

"Sorry..." nasabi ko na lang tsaka nanahimik at pinakinggan ang mga pag uusap nila.

"Lauren, ano yung gusto mo ngayong pag usapan?" tanong ni Niger kay Lauren na kaharap ko lang at katabi ni Chloe katabi ko naman si Michael at si Niger ang nasa gitna.

"May plano ako na para lang kay Karlito Manayang..."

Matapos ikuwento ni Lauren ang plano, nawala ng kaunti ang tampo ko pero bumalik nung paalis na kami.

"Louisa, hatid na kita." Prisenta ni Michael nakita ko naman si Lauren na dumaan sa likod nya para pumunta sa sasakyan nito. Nawala yung mood ko ng magtama yung paningin namin ni Lauren.

"Hindi na, kaya ko na." tanggi ko. Sa totoo lang gusto kong magpaliwanag sakin si Lauren bilang kaibigan, lam nyo yon?

"Okay sige, ingat ka ha. Text mo ko pag nakauwi ka na para tawagan kita." Tumango na lang ako kay Michael tsaka pumasok sa sasakyan ko. Bumusina pa sya bago ako lampasan kaya bumusina na rin ako. Nilingon ko syung kotse ni Lauren at andun parin kaya nauna na ako.

Habang nagmamaneho naman naisip ko na lang  kung anong mangyayare pag nagkausap kami. Like gusto ko syang mag explain sakin as a friend at gusto ko rin syang tanungin as friend, yung walang filter kasi mas may authority sya. In short, ayoko syang makausap bilang co-leader namin.

Napansin ko naman na may kotseng sumusunod sakin which is kilala ko na kung sino kaya hindi na muna ako tumuloy sa bahay at lumiko sa isang restau.

Pagkaparada ko hinintay ko pang makaparada sya bago bumaba ng kotse, sinenyasan ko namn sya na sa loob kaya pumasok na lang ako at umorder ng dalawang hot chocolate.

Nakapasok na sya sa loob at umupo na sa harap ko pero hindi ko parin sya tinitignan, nakatingin lang ako sa bintana ng restau at hinihintay na dumating yung inumin.

Nung nakadating na yung inorder ko dun lang sya nagsimula.

"Louisa... " tawag nya sakin pero di ko parin sya pinansin napabuntong hininga sya kaya di ko naiwasang sulyapan yung mukha nya. Kita ko yung lungkot sa mata nya at halata sa galaw nya, hindi ko rin sya matiis kaya tumingin na ako sa kanya pero nagsusungit pa rin yung itsura ko.

'Aba, di ako madaling suyuin noh?! '

"I'm sorry" mahinang sabi nya pero rinig na rinig ko, ginagalaw nya lang yung hot chocolate pero di nya iniinom.

"Alam kong, nagtatampo ka parin--"

"Hindi lang ako basta nagtatampo" pambabara ko sa kanya, napayuko naman sya at pinagpatuloy sa pag galaw nung inumin.

"I'm really sorry, wala naman kasi sa plano naming tatlo ang mamatay si Nicole, pero dahil nangyari na at si Karlito ang mismong pumatay, kailangan naming sabayan yung paniniwala nyang patay na ako.  Alam kong maaapektuhan kayo lalo ka na, pero kung nagpakita pa ako sa inyo at malaman nung lalaking yon, gagawa at gagawa pa rin sya ng paraan mawala lang ako sa mundo.  At hindi imposibleng idamay nya kayo tulad nung dati dahil alam nyang mahalaga kayo sakin." mahaba at halos mangiyak ngiyak na nyang paliwanag, naawa naman ako sa kanya kaya inabot ko sa kanya yung panyo ko. Aminin ko man sa hindi naintindihan ko na sya, sadyang sarado lang yung utak ko kanina kasi nagtatampo parin ako.

'Eh best friend ko sya eh, matitiis ko ba? '

"Sigi na, tahan na, pumapanget ka.  Wala akong best friend na panget." kunyaring mataray pa na sabi ko, natawa naman sya kaya napangiti na rin ako.

"Namiss kita" sabi ko napaangat naman yung tingin nya sakin tsaka sya ngumiti.

"Namiss rin kita" emosyonal na sabi pa nya, nanggigilid na rin yung luha ko kaya iniwas ko sa kanya paningin ko tsaka nag iba ng topic.

"So, kailan ang gala? May utang ka saking libre, pambayad dun sa mga luha ko dati" natawa naman sya tsaka tumango habang nakangiti. 

'Hay nako, ang ganda talaga ng best friend ko, ang ganda ko kasi ^ω^'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Nobody meets Mr. Gangster (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon