6: You'll be safe

17.9K 393 31
                                    

Ilang araw ang nakakalipas mula ng mangyari yon. Hindi na ako gaanong binu-bully at hindi ko na talaga nakita pa si Daim. Kahit na sinabihan ako ni Zenn ng masasakit na salita ay nagpapa-salamat parin ako sa kanya.



"You! " turo sakin ng isang lalaki. Hindi sya taga dito sa university namin dahil iba ang uniporme nya. Ngunit bakit sya nandito?

"A-ako? " sabay turo ko sa aking sarili. Tinawanan nya lang ako at tinapon nya ang sigarilyo sa hawak nya kanina.


"Oo, ikaw nga. " lumapit sya sakin at hinawakan ang collar ng polo ko.


"Anong b-bang g-gusto mo. "  kabadong tanong ko sa lalaking ito. Sabi ko naman sa inyo eh, ayaw ko makipag-away.

"Pussy. Nabalitaan ko na sinama ka daw ni Jestin sa rest house nila, ano bang nakita nya sayo na wala sakin?! Di hamak naman na mas matapang ako sayo! " sigaw nya sa muka ko. Sa tingin ko ay may gusto sya kay Jestin Zenn. Ano naman kaya ang nagustuhan nya sa babaeng iyon?

"Wala kang salamin, wala ka ding makapal na libro, wala kang suot na bag pack at wala ka ding I.D, yun ang pinagkaiba natin. " sagot ko. Nakita ko namang nag-igting ang panga nya. Anong problema nito? Totoo naman ah, wala syang I.D, bag, salamin at —.



Bigla nya nalang akong sinuntok dahilan para bumagsak ako sa damuhan.



"Sino ka para pilosopohin— " naputol ang sasabihin nya ng may isang babae ang nagsalita. Bakit ba laging nasulpot ang gang na ito? Mushroom ba sila?!


"He's my boyfriend, Lucas. Have a problem about that? " singit ng leader ng Dark Society at naglakad silang anim sa direksyon namin. Gusto nyo malaman ang reaksyon ko?


Gulat ako! Gulat na gulat!!! Ako? Boyfriend ng babaeng ito? Alam kong gawa gawa lang iyon, pero bakit nya naisipang sabihin iyon? Pwede namang bugbugin nya nalang itong lalaking ito o kaya ay patayin. Pero bakit kailangan nya pang sabihin na boyfriend nya ako? Unbelievable!

"A-anong sinabi mo? " hindi makapaniwalang tanong ng lalaking ito. Kahit ako ay hindi makapaniwala. Hindi parin nga ako makatayo, namanhid ata ako o napatsi na ang pwet ko dito sa damuhan.

"Bingi ka ba o marami ka lang talagang tutule? He.is.my.boyfriend. You understand? " pag-uulit ni Jestin Zenn na mas ikinalaglag ng panga ko. Ano bang sinasabi nya? Maraming tututol sa aming pag iisang dibdib--- ay tanga wala nga pala akong gusto sa kanya!

"No! Hindi 'yan totoo--- " ano bang pinaglalaban nya? Baka naman may nakaraan sila ni Jestin Zenn, pero malabo yun. Walang tatagal sa ugali ng babaeng iyan.

"Get lost Lucas! Or I will kick your ass out of here?! " sigaw sa kanya ni Jestin Zenn. Umalis naman yung Lucas habang nailing-iling. Para syang may epilepsy.


"Ayos ka lang? " tanong sakin ni Claude at inabot ang kamay nya.

"Pare, hindi sya okay. May pasa nga sya sa muka eh. Gago lang. " pamimilosopo sa kanya ni Keane. Binitawan naman ni Claude ang kamay ko dahilan para mapaupo ulit ako. Sakit nun ah!


"Tarantado ka talaga! Agawin ko sayo si ---- " -Claude

"Hehehe. Sabi ko nga eh. Tara libre kita. " pagputol ni Keane sa sasabihin ni Claude at hinigit papuntang canteen.

"Zenn alis muna kami ah. " ani ni Sue at ngumiti sakin ng nakakaloko. Umalis sya kasama si Ween kaya ako, si Rheign at si Jestin Zenn nalang ang naiiwan dito. Lumapit sakin si Rheign dahilan para maging kabayo ang puso ko.

"Tayo. " cold na sabi nya sakin. Inabot nya sakin ang kamay nya, tinanggap ko naman iyon. Dahan dahan akong tumayo dahil nga masakit ang pwet ko, kaso bigla nya naman akong hinila kaya pakiramdam ko ay nabali ang braso ko. Ang lakas nya.

"Bagal mong tumayo. Hindi na 'ko magtataka kung bading ka nga. " ani Rheign at iniwan na ako. Ako? Bading? Halikan ko kaya sya? Ganun naman ang ibang mga babae eh, sinasabihan ng bading ang mga lalaki para maka-kiss. Tsk tsk tsk. Galawang breezy. 'Lam ko na yan.

"Ayos ka lang ba? " pag-uulit ni Jestin Zenn sa tanong ni Claude. Ang bilis nya, di ko namalayan na nasa harap ko na sya.

"Medyo. Sakit nga ng likod--- "

"Be with me and you'll be safe... " ani Jestin Zenn habang nakayakap sakin. Nagulat ako sa ginawa at sinabi nya. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng pag hinga nya. Ano 'to? Bakit mas mabilis ang tibok ng puso ko? Syaka bakit nya yun sinabi? Line yun ng mga lalaki eh para pakiligin ang mga babae. Baka nga bading ako at tomboy sya, at least pwede parin kami.


Napangiti nalang ako sa mga inisip ko. Iba 'tong pakiramdam ko pag kasama ko sya.


(a/n: opo, ang hidden secret ng story na ito ay bading si Cynich at tomboy si Zenn tas magkaka anak sila ng butiki at baboy. Hahaha joke lang. Fucc. Tawa kayo. )

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon