Cynich's
"I'm busy, okay? " ani Zenn habang nagsusulat at hindi manlang ako tinitignan. Inaakit ko kasi syang mag mall e. Galing 'no? Ako pa nag-aakit sa kanya, KJ kasi 'to kaya ganun. E gusto ko lang namang magroon kami ng quality time. Hayst.
"Sige okay lang... " tumalikod ako at nagkunyaring nag tatampo. Nakakadiri man pero kailangan kong umakto ng ganito para manlang suyuin nya 'ko.
"Eww! Stop it! Don't act like that! Para kang bakla! " hinigit nya ang balikat ko paharap sa kanya. Her eyes are still the same. Emotionless. Pero ramdam ko parin naman ang konting concern dahil sa tono ng pananalita nya.
"Para lang, pero di talaga 'ko bakla. " pagdadahilan ko at umirap lang naman sya. "Tara na kasi! " pilit ko sa kanya pero umirap nanaman sya sakin.
"This is important. Don't act like a girl who wants to go to mall and buy some short dresses. " iritableng sagot nya at umirap nanaman sakin. Babalik na ulit sana sya sa ginagawa nya pero pinigilan ko sya at malapad na ngumiti sa kanya.
"Gwapo ba 'ko? " tanong ko habang itinataas baba ang kilay ko sa kanya.
"Seriously? Nababaliw kana ba? " tanong nya sakin habang natatawa at may 'hindi makapaniwalang' ekspresyon sa mukha.
"Hindi pa, pero malapit na. " taas baba ang kilay na sagot ko sa kanya dahilan para irapan nya ulit ako. Natawa naman ako sa reaksyon nya at sa totoo lang ay naeenjoy ko ang panoodin sya. Hayst. Para sakin, sya ang pinaka breathtaking view na nakita ko. Hahaha!
Tumalikod naman sya bigla sakin at pinagpatuloy ang pagsusulat nya. Gusto ko man syang istorbohin ay wala na 'kong maisip na paraan. Baka kasi mamaya ay hindi lang basta batok o sapok ang makuha ko sa kanya. Sa sobrang gigil ba naman kasi ng mukha nya e, baka masipa nya 'ko palabas.
"Jestin Zenn, may sasabihin ako sayo. " malambing na suyo ko sa kanya habang pinipilit syang humarap sakin.
"Just spill it out! " napangiwi ako sa biglang pag sigaw nya. Hayst! Mabibingi ata ako pag ganito lagi ang eksena namin sa pang araw araw.
Bumuntong hininga naman ako at nag isip ng mabuti kung itutuloy ko pa ang sasabihin ko o 'wag na. Baka kasi imbes na kiligin sya sa sasabihin ko ay baka batukan nya pa 'ko.
"Sino ka sa movie na tangled? Si Rapunzel, Flynn Rider o yung nagkulong kay Rapunzel na si Gothel? " napangiwi sya sa sinabi ko at tinignan ako ng masama.
"Are you insane? Malamang ay ako si Rapunzel. " aniya at ngumisi.
"No you're not. " nginitian ko sya ng nakakaloko. Feeling prinsesa parin pala sya kahit papaano. Hahaha!
"Then who the hell is me? "
"Si Flynn Rider. " ngumiti ako sa kanya at itinaas baba ang kilay ko.
"Gago! Bakit naman? "
"Bukod sa pagiging magnanakaw mo dahil ninakaw mo ang puso ko, balikan mo ang nakaraang love story natin. I am Rapunzel, walang kaibigan at nag iisa. You're Flynn , you changed everything. You're the only one who get near me, ikaw ang dahilan kaya nakalaya ako sa toreng iyon at makadiskubre ng mga bagong kaibigan at mga bagong bagay. You show me what true happiness is, you gave me the happiness I want. At gaya ng love story sa tangled— an unexpected love grow. Zenn, maniwala ka man o sa hindi, Mahal kita. Mabilis pero sigurado na 'ko dito. I always think of you at night. Kung kumain kana ba, o kung ano bang ginagawa mo. Sobrang layo ko na sa Cynich na tahimik lang palagi. Naging showy na 'ko— lalong lalo na sayo. You're the greatest gift that I've ever received. " I caress her face. Mayamaya pa ay sya naman ang ngumisi sakin.
"And just like Rapunzel... You heal the wounds I have using your magical hair. But in this reality, you heal me using your laugh and smile. You changed me a lot, binago mo yung dating ako. I'm not your average girl, but you accept my flaws. Maybe you're right. I'm Flynn and you're my Rapunzel. " ngumiti sya sakin at automatiko rin naman akong napangiti. She's my ecstasy. Isa syang human drug at sa tuwing makikita ko sya ay nahhigh na agad ako. Hahaha!
"At yung pinsan mo ang nagkulong sakin sa tower! " tumawa kaming dalawa. Sana laging ganito. Pakiramdam ko ay nasa akin na lahat pag kasama ko sya. Yung kasiyahan na matagal ko nang inaasam ay unti unti ko nang natatamo pag sya ang nasa tabi ko.
With her I'm free and happy. Sa kanya ko naramdam yung kakaibang saya. Ang korny pero yun yung nararamdaman ko. She's my everything. Sa bawat araw na nakakasama ko sya ay dun ko narealized ang lahat. I really fell in love with her. No doubts. No hows and whys. Period.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃
JugendliteraturEvery love story have its own happy endings... Will our story have its happy ending?... or it will just end with nothing? -- Written in Tagalog/English