Cynich's
Malungkot ang araw ko kahapon kasi hindi pumasok ang members ng Dark Society. Mr. Lonely nga ako kahapon e. Buti nalang talaga wala nang nambu-bully sakin, laking pasalamat ko sa mga gangster na yon. Kaso, naging interviewer naman ang mga schoolmate at classmate namin.
'Did you saw Ms. Santillan? '
'Yup! Mukang napaaway sila. May mga bangas e. '
'Sayang! Kawawa tuloy si baby Claude ko. '
Walang ano ano ay tumakbo ako patungo sa mga babaeng nag uusap at hinawakan sa braso ang isa sa kanila. Muka naman syang nandiri. Hayst.
"Nasan sila? "
"N-nasa cafeteria. " ani ng babaeng maarte. Agad akong tumakbo papunta sa cafeteria at hinihiling na sana nandun pa sila. Bakit naman kaya sila napaaway? Paano si Jestin Zenn?
"Jestin Zenn! " sigaw ko ng matanaw ko silang nakaupo sa gitnang table dito sa cafeteria. Napansin ko lang na wala si Sue at tanging lima lang sila dun. Nasan kaya sya?
Tumakbo ako papalapit sa kanila at agad naman akong nginitian ni Rheign nang makarating ako sa table nila . Pati rin sila Ween, Claude at Keane. Nakita ko ang bangas ni Rheign sa gilid ng noo, sa ilalim naman ng mata ang kay Claude, sa may ilong ang kay Ween at sa ilalim naman ng panga ang kay Keane.
"J-jestin Zenn. " hinawakan ko ang balikat nya. Nakatalikod sya sakin kaya medyo kinakabahan ako. Baka kasi mamaya ay kung napaano na pala sya.
Humarap naman sya sakin na seryoso ang muka, at nang makita nya 'ko ay ngumiti naman sya ng konti at humarap ulit sa pagkain nya. Natanaw ko kanina ang malaking sugat nya sa labi. Ano ba ang pinasok nila?
"Kain ka, Cynich. " ani Ween at nilahad ang kamay nya sa bangkuang katabi ni Zenn. Si Keane ay tulala sa pagkain nya, si Claude ay nakatingin sa screen ng phone nya at si Rheign ay nakain lang. Hindi ako umupo at tinignan ko lang ang likod ni Zenn. Ano bang nangyari sa kanila? Ang hirap ng ganito. Wala manlang akong kaalam alam.
"Ayaw mo? " ani Zenn na ngayon ay nakatingin na sakin na may nagtatakang ekspresyon.
Hinigit ko sya patayo at isinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib. Gusto kong marinig nya ang tibok ng puso ko. Gusto kong maramdaman at malaman nya na nag aalala ako para sa kanya. I want her to know that my feelings for her is more than what she think of. Hindi ito yung tipong pang puppy love lang tulad nang iniisip nya.
"Rinig mo ba ang tibok ng puso ko? " ramdam ko ang pagtango nya. "ganyan kalakas ang tibok ng puso ko tuwing nag-aalala ako sayo. Kabang kaba ako. " pinakawalan ko sya sa yakap ko at hinigit palabas ng cafeteria. May nakabangga saking babae kaya nalaglag ang salamin ko. Wala akong pakialam kahit blur na yung dinadaanan ko. As long as I own her hands— sapat na sakin yun.
'Bagay pala sila? '
'San nya kaya dadalhin si Jestin? '
'Is this for real?!'
I can hear their opinion about us. Sometimes good, sometimes bad, but who cares?
"Saan mo ba ako dadalhin? " ani Zenn sa kalmadong tono. Tumigil ako sa paghila sa kanya at tinignan sya ng mabuti.
"Hindi kaba kinikilig dahil hawak ko ang kamay mo? Bwiset naman, Zenn! Kiligin ka naman oh! " wika ko at hinigit ulit sya. Hindi ba sya kinikilig? Akala ko mabababaw ang mga babae kaya kahit hawakan natin ang kamay nila ay kikiligin na sila. Pero bakit sya hindi? Anong klaseng effort at pagpapakilig ba ang gusto nya?
"Problema mo? " tanong ni Zenn nang tumigil ulit kami sa tapat ng clinic.
"I will be your chivalry from now on. You're not able to fight, 'cause I'll fight for you. " I said. Her jaw dropped because of what I said. I took a deep breath and kiss her. Ginalaw ko ang mga labi ko at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.
"Mahal na nga ata kita. " and then I kiss her again. We don't mind if someone will caught us here. Parang ayaw nang humiwalay ng labi ko sa labi nya. Her lips taste like strawberries and I'm really addicted to it.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃
Teen FictionEvery love story have its own happy endings... Will our story have its happy ending?... or it will just end with nothing? -- Written in Tagalog/English