18: Sick

12K 263 1
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung angkinin ko ang mga labi ni Zenn at dalawang linggo narin akong walang salamin at nagtitiis sa contact lens na suot ko. Sa ganitong anyo ko nga ay ang daming pumupuri sakin, pero sa isang tao ko lang talaga gustong marinig ang katagang iyon. Mula kay Jestin—


"Mr. Hemsworth! Are you with us? " napatingin ako sa prof namin at agad na nag sorry. Napatingin naman ako sa likod ko at nakita kong nakatingin sakin si Rheign ng seryoso. Napansin ko naman na wala si Zenn sa tabi nya kaya napakunot ang noo ko. Nasan kaya yun?


"By the way, the Christmas ball will be held next week. Kaya ang mga SSG officers ay ipapatawag mamaya para sa pag-aayos ng event. And for you, students. You are all  allowed to find who you want to be with at the ball. Wear a pormal suit, okay? Hindi yung ipagkakalandakan nyo yung buong katawan nyo, mga girls! Is that clear?! " nagsitango naman kaming lahat. "Class dissmissed. " umalis na sya agad at kasabay nun ay ang pag iingay sa classroom at nangunguna na dun ang mga babae.

Inayos ko naman agad ang gamit ko at syaka tumayo para lapitan si Rheign. Paniguradong alam nya kung nasaan ngayon si Zenn.


"Si Zenn? " tanong ko habang sya naman ay abala sa pag aayos ng gamit nya. Tumingin naman sya sakin at tumama sa mata ko ang mga walang emosyon nyang mata.

"Puntahan mo. " tumayo sya at iniwan akong nakatayo sa tapat ng table nya. Ang bait nya diba? Sobra sa bait!


Isang tao nalang talaga ang naiisip kong makakausap ko ng matino ngayong araw. At kailangan na kailangan ko talaga sya.


"Oh Cynich! " bati nya nang sandali syang mapatingin sakin at pinagpatuloy ang pag aayos nya ng gamit.

"Alam mo ba kung san nakatira si Zenn? " tumingin naman sya sakin at nginitian ako ng nakakaloko.

"Aakitin mo para sa Christmas ball 'no? Ito address nya. " isinulat nya sa papel ang address ng bahay ni Zenn at inabot sakin. Pero bago ko pa iyon makuha ay may babaeng kumuha nun.

"Hindi ka pupunta dun! " sigaw sakin ng baliw na babaeng nasa gitna namin ni Sue. Hinigit ni Sue yung uniform nung babae at hinarap nya ito sa kanya— kasabay naman nun ay ang pagbawi nya sa papel at agad nya iyong binigay sakin.


"Problema mo? " maangas na tanong ni Sue. Ako naman ay nananatili paring nakatayo sa tapat nila at hindi parin makapaniwala sa nakikita ko. Balak ba talaga nilang mag away dito?

"Yung kaibigan mo! Kala mo kung sinong maganda--- " hindi ko na narinig ang sunod nyang sinabi at agad na 'kong tumakbo palabas ng section nila daladala ang papel na bigay ni Sue. Dalwang araw na na hindi pumapasok si Zenn at nag-aalala na talaga 'ko.

"Keane! Susi ng kotse mo?! " tumingin sya sakin nang nagtataka pero agad nya rin naman iyong hinagis sakin. Pinuntahan ko ang lugar kung san nya laging pinapark ang kotse nya at agad naman akong pumasok roon.

**



"Woah! " manghang wika ko ng makita ang loob ng village na pinasukan ko. Sobrang higpit ng security dito at kung hindi ko pa sasabihin ang pangalan ni Jestin Zenn at nang mga kaibigan nya ay hindi talaga ako papapasukin ng mga security guard.

Malalaki ang bahay at makulay. Ang bahay kasi ng papa ko ay walang kapintupintura, muka nga yong hunted house e. Tumigil ako sa tapat ng malaking gate at ibinaba ang bintana ng kotse ni Keane. Ito ba talaga ang bahay nila Zenn? Ang laki! Samantalang sya lang naman ata ang nakatira rito.


Pakiramdam ko ay mukha akong lalaking taga bundok dahil manghang-mangha ako. Kusa kasing bumukas ang gate nang pinasok ko ang kotse sa loob at pinark iyon kahanay ang iba pang magagandang kotse na mukhang pag aari ni Zenn. Lumabas ako ng kotse at may nakita naman ako roong vintage car na pamilyar sakin. Hindi ko alam pero parang nakita ko na ito. Kulay itim ito at napakaganda kahit luma na.


"Why you're here? " nagulat ako ng marinig ko ang matamlay na boses ni Zenn. Lumapit ako sa kanya at agad syang niyakap. Wala talaga syang ideya sa lahat sa nangyayari. Ni hindi nya manlang ata naisip na nag aalala ako sa kanya.



"Ang init mo! " kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan sya nang masama. "Hayst! Tara sa loob! " sigaw ko sa kanya at hinigit papasok sa bahay nila.


"I can take care of myself. " tumigil sya sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng pinto kaya tumigil rin ako at tinignan sya ng seryoso. Yes, I'm dead serious! Kung dati lagi akong pabiro at nakangiti ngayon ay hindi na.


"I promised to be your chivalry, that's why I'm doing this! "

"Are you doing this because we're in a faked relationship? If you're doing this just because of that, then stop. " automatiko naman akong nabwisit sa sinabi nya at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya. No, Cynich! Pigilan mo ang sarili mo!


"No, I'm doing this because I want to. And from now on, our relationship is legal, not fake, no pretending. Tayo na, akin ka lang. " then I drag her inside her house. Six weeks of living in a fake relationship with her. Sa loob ng anim na linggong iyon ay minahal ko na sya, mahirap dahil bihira sya magsalita at magpakita ng emosyon. She doesn't even think of asking me if I'm okay. Hindi manlang sya nag aalala na baka mabaliw ako kung mawawala sya sakin. But then, I can't be mad at her just because of that. She's Jestin Zenn, she's my life.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon