4: Them

21.3K 417 11
                                    

Cynich's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Cynich's

Ganun parin ang araw ko, walang pinagbago. Binu-bully parin nila 'ko. Ngunit ang Daim na iyon ay hindi ko na nakikita.

"Hayst! Sana naman makita ko si Rheign. " bulong ko sa aking sarili. Her presence make me feel better. Lol. Basta gusto ko sya! Kaso mukang di nya ako gusto, nerd lang kasi ako.

"Tumitingin kaba sa dina-daanan mo? " sabi ng isang myembro ng Dark Society. Kung hindi ako nagkaka-mali ito ata si Claude Saavedra. Naka upo ako sa sahig at silang anim ay naka tingin sakin. Si Rheign, nabangga ko sya! Pero bakit ako lang ang natumba? Bakit sya hindi? Mahina ba talaga ako?


"Claude kung tumitingin sya sa daan hindi nya sana nabangga si Rheign. Pero nabangga nya si Rheign kaya malamang ay hindi sya nakatingin. " sa aking nakikita mukang sya si Keane Harrelson. Napangiwi silang lahat pati narin ako. Tama nga ang narinig ko sa ibang estudyante. Talkshit at pilosopo sya.

"Anong pangalan mo? " tumayo ang aking balahibo sa narinig ko. Sya si Jestin Zenn Santillan, nakaka-kilabot ang kanyang walang emosyon na boses at mga mata.

"Tumayo ka. " sambit ni Rheign. Kinuha ko ang makapal kong libro na nasa sahig at tumayo. Sikat na personalidad dito sa school ang kaharap ko at mukang hindi ko ito malilimutan.

"S-sam Cynich H-hemsworth. " pautal-utal kong sagot sa tanong nya. Nakatingin sya ng diretsyo sa mata ko.

"Is it true? The Dark Society is talking to that nerd? "

"Hindi ba sila nandidiri sa nerd na'yon? "

"What is the meaning of this? "

"Close na sila? "


"Ikaw yung famous na nerd na laging binu-bully, hindi ba? " sya ata si Ween. Tumango lang ako sa sinabi nya, ngumiti naman sya sakin na agad 'kong iki-nagulat. Hindi peke ang ngiting iyon at hindi rin naman iyon pang ba-banta.

"Ganun kaba kahina para hindi lumaban? " tanong sakin ng leader nila.

"Nag aaral ako ng taekwondo pero di ko yun ginagamit dito. Ayaw kong manakit... " napa-tungo ako sa aking sagot.

"Edi sayang yung pera ng magulang mo? " sambit ng babaeng katabi ni Jestin sya ata si Zarsuela Morgan o mas kilala bilang Sue at sa pagiging warfreak nya.

"Hindi naman sa ganun--- " -ako

"Sa ganun yun! " -Ween. Napatingin ang lahat sa kanya pati narin ang ibang estudyante.

"Problema mo? " -Claude.

"Wala, mema lang yun. Ge tuloy na kayo sa pag-uusap nyo. " sambit ni Ween at sinenyasan kaming mag patuloy. Para naman akong bata na nangangatog ang tuhod dahil sa takot. Walang wala ako sa kanila.

"You're studying taekwondo, but you're not using it because you're afraid to hurt those people who's hurting you? So, ano pa ang silbi mo rito sa mundo? " grabe ang sakit nun! Parang gusto nyang mamatay nalang ako! At ang masakit pa dun si Rheign pa ang nag sabi sakin! Okay sana kung ibang tao, pero sya eh! Sya!

"Eh kasi... natatakot ako. " mas malaking kahihiyan ang natamo ko nang marinig ang tawanan ng mga estudyante pero ang gang na ito ay hindi natawa. Wala ba silang emosyon?

"Afraid of what? " -Keane.

"To --- " -ako.

"Come with us. I'll teach you some lesson. " -Zenn. Naglakad sya paalis at sumunod naman ang mga ka-grupo nya sa kanya. Pero ako ay naiwan lang na naka tanga. Totoo ba ito? Pinapasama nila ako sa kanila?!

"Sasama kaba o kakaladkadin kita? Baka gusto mo namang higitin ko yang buhok mo? " Hayst. Siguro kung makaka-sama ko sila sa araw araw ay masasanay din ako.

"Swerte mo. Sa lahat ng estudyante ikaw lang ang napansin ni Zenn . " sambit ni Ween habang naka-akbay sakin. Hindi naman si Jestin Zenn ang gusto kong pumansin sakin eh. Si Rheign ang gusto ko.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon