7: Extraordinary Girl

17.1K 361 11
                                    


"Anak, gumising kana may naghihintay sayo! " rinig kong sigaw ni mama. Sa totoo lang hindi ko talaga sya mama kasi kasambahay lang namin sya dati pero tinuturing ko na syang mama. Patay na kasi yung tunay kong nanay.

"Opo, bababa na! " sigaw ko pabalik at bumangon na sa kama. Naghilamos muna ako at sinuot ang aking salamin syaka bumaba. Sino kaya 'yon? Wala naman akong kaibigan e. Hayst, wala din naman pinagkaka-utangan kaya sinong pupunta dito?

"You're still slow. When will you change? " bigla akong nanghina sa boses na iyon. Si Jestin Zenn ay nandito! Ni hindi pa nga ako nagtu-toothbrush, hilamos lang ang ginawa ko kanina.

"Anak, girlfriend mo daw. Bakit hindi mo sinabi sakin may niligawan kana pala. " natatawang sabi sakin ni mama. Hayst.

"J-jestin Zenn, anong ginagawa mo rito? " tanong ko sa kanya. Bahagya naman syang napangisi at lumapit sa kinatatayuan ko. Yung sobrang lapit na parang hahalikan nya 'ko, ganun!

"Jestin Zenn, d-di pa a-ako r-ready... " pautal-utal na sambit ko. Lumayo sya ng konti at tumawa. Bago yun ah! Ngayon ko lang sya nakitang tumawa.

"First of all, I am not going to kiss you. Second, don't call me Jestin Zenn, just call me Zenn. And the last, I just wanted to tell you that you have to take a bath and change your clothes. " natatawang paliwanag nya sakin. Ahh, kala ko naman kung ano e. Kasalanan ko bang akalain na hahalikan nya ako?! Diba hindi! Hayst. Reality vs expectation.

"A-ah. Ge, akyat na 'ko liligo lang. Sama ka? " ani ko. Binalik balikan ko sa aking utak ang mga sinabi ko. Ano yung sinabi ko?! Bakit yun ang sinabi ko?! Baka isipin nya manyak na nerd ako! Tinignan ko sya at nakita ko ang gulat sa mata nya at namumula rin sya.


"Sorry, w-wala yun! " ani ko at tumakbo na papunta sa kwarto ko. Nakakahiya! Sobra!

***


"Ano kayang isusuot ko? Ito o ito? " kausap ko sa sarili ko. Hmm. Siguro mga 20 mins na akong namimili ng damit. Wala kasi akong maisuot. Si Zenn kasi naka short, black v-neck shirt at vans at ang cool nyang tignan. E ako? Ano namang isusuot ko? Hindi naman ako gaya nya na kahit anong suot ay cool tignan.

"Ano ba ang tagal mo ah! Kanina kapa! " nagulat ako sa biglang pag-bagsak ng pinto at niluwal nito si Zenn. Extraordinary girl. Hindi sya tulad nung mga mahihinhin na babaeng nakakasalubong mo. Kakaiba talaga sya.

"Z-zenn... " bulong ko sa hangin. Naka towel lang ako! Naka towel! Tinignan ko si Zenn pero parang wala lang sa kanya kahit na naka towel lang ako. Lumapit sya sa closet ko at hinalungkat iyon.

"I didn't expect that you have a six pack abs. Ween is right. You is a enigmatic nerd. What a mysterious ugly nerd. " mapang-asar na sambit nya. Ako ugly? Hindi ah!

"Hindi ako pangit... " bulong ko sa sarili ko habang naka tungo. Hindi naman kasi talaga ako panget! Syaka bakit ba ganito? Marami namang estudyante na nagsasabi sakin na pangit ako pero bakit pag si Zenn ang nagsasabi nasasaktan ako?

"Oo hindi ka pangit, pero sa paningin ko lang 'yon. Pero sa paningin ng iba ay pangit ka. " seryosong tono ang gamit nya sa pananalita. Bakit ba ang lakas ng pandinig nya? Syaka bakit nya ba yun sinasabi? Diba nga dapat LALAKI ang nagsasabi nun para pakiligin ang mga babae! Linya ko yun eh! Ako dapat nag papakilig sa kanya, pero bakit sya ang nagpapakilig sakin?!

"Wear this! " hinagis nya sakin ang isang maong pants na hanggang ilalim ng tuhod ko ang haba at isang v-neck white t-shirt.

"Hindi kaba lalabas? " tinaasan nya lang ako ng kilay dahil sa tanong ko. Ano bang mali sa tanong ko? Alangan namang ako pa ang lumabas diba? Edi nakita ni mama yung hinaharap ko.

"Tss. " then she left me broken. Hahaha biro lang. Lumabas na sya ng kwarto ko at nagbihis na ako. Sumilip ako sa bintana at nakita ko dun ang isang big bike, hindi yung malaking bisekleta ha. Yung malaking motor!

"Kakaibang babae. " bulong ko sa sarili ko. Iba sya. Alien at sya eh. Hahaha. Pag naging alien sya, mala 'my love from the star' ang story namin. Kaso baliktad, dapat ako yung alien sya yung tao. Bwiset! Ano bang klaseng love story meron kami?!

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon