Zenn's
Ilang araw na simula nung umalis si Cynich habang nasa Baguio kami. Pero hanggang ngayon ay hindi parin sya napasok. Malapit na ang Christmas ball at gusto kong sya ang partner ko, pero mukang hindi sya dadating. Pumunta narin ako sa bahay nila para puntahan sya at ang mama nya pero wala nang tao dun. And that's freaking me out.
I'm scared. Really scared for him. I love him to the point that I can do everything just for his sake. Cynich is different. Ni hindi ko rin alam kung ano ang nakita ko sa kanya at nilapitan ko sya noon. And I really don't know why I fall for him.
"I think you need to rest, Zenn. Babalik rin si Cynich. " ani Sue kaya agad akong napatingin sa kanya. Sana nga. Sana maisipan nyang bumalik at ipaliwanag sakin kung ano ba ang nangyayari at bigla nalang syang naglaho.
"What if may nangyari sa kanyang masama? " napatingin agad ako kay Ween at sinamaan sya ng tingin. Hindi ko alam ang magagawa ko pag nalaman kong may nangyari sa kanyang masama.
Nawala na ang daddy ko dahil may pumatay sa kanya. Iniwan na rin ako ng mama ko. At hindi ako papayag na pati si Cynich ay mawala. Hindi maari.
Tandang tanda ko pa yung araw nanawala si daddy. Nasa loob ako ng kotse at kasama ko si mommy, hinahantay namin nun si daddy na nasa loob ng presinto. Nag iimbestiga kasi noon si daddy tungkol sa mga Mafia at nakahanap sila ng ebidensya. Pero nung pabalik na sya sa kotse namin, may biglang tumama sa dibdib nya kaya agad syang natumba. Sabi ng mga pulis ay bala daw yun ng sniper at kahit anong trace nila ay di nila mahanap kung kanino iyon nanggaling. Pero sabi ng mga pulis na may malaking posibilidad daw na ang pinuno ng kinalabang Mafia ni daddy ang may kagagawan nun. And I can't forgive them! They killed my dad. Ipapaghiganti ko ang daddy ko.
"You okay? Tulala ka ata. " ngumiti lang ako kay Claude at agad na humiga sa aking kama. Nandito kami sa penthouse namin. Dito kasi namin binalak na matulog.
I close my eyes for a moment and think about what will happened next. Napakamalas ko. Lahat nalang ata ay kinukuha nya sakin. Sino naman kaya ang kasunod nyang kukunin? Tss.
"Fuck! Guys! Tignan nyo 'to! " agad akong napamulat sa biglaang pag sigaw ni Keane. Lahat sila ay nasa tabi ni Keane habang may tinitignan sa isang dyaryo. Bigla naman silang napatingin sakin na gulat na gulat kaya kinunutan ko sila ng noo.
"What?! " bulalas ko pero hindi parin nila tinatanggal ang tingin nila sakin. Kahit si Rheign ay mukang gulat na gulat rin. Pipikit na sana ulit ako nang..
"Zenn, Draylen Mafia. They are now active. They have a new leader. " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Rheign. Pakiramdam ko ay tutulo kahit anong oras ang aking mga luha. Ang mafia na pumatay sa daddy ko. I want to avenge my father's death! Gusto kong patayin ang taong pumatay sa daddy ko!
"Sino?! Tell me! Sino?! " napatayo na ko sa sobrang galit. Hindi ko mapapatawad ang pumatay sa daddy ko. It's hard for me to forgive that fucking bastard who killed my dad! At hinding hindi ko sya mapapatawad. I'll make them pay for the wounds that they caused.
"No details. Pribado ito kumapara kay Francisco Draylen. Mas bata ang bagong leader. Mas pribado. " ani Ween na naka tuon lang ang tingin sa dyaryo. They are back. Really back.
"I'll do everything. Gagawin ko ang lahat magkaroon lang ng hustisya ang daddy ko. " tumingin ako sa kawalan. Wala akong pakialam kahit na buhay ko ang kapalit. I need justice for my dad! Sila ang may kasalanan ng lahat ng ito.
"Zenn, hindi sila ordinaryong Mafia. Baka hindi pa tayo nakakalapit sa leader nila ay patay na tayo. I heard their reapers are extreme compared to us. We're just a school gangsters. " wika ni Sue na may pag-aalinlangan sa muka.
"Don't be such a fool, Zenn! Hindi tayo basta basta makaka-pasok at makakalaban sa kanila! Ni hindi nga natin alam kung saan ba nakatayo ang mansyon nila. At walang nakakaalam kung saan iyon nakatayo. Kaya wag mong pairalin ang galit mo! " sigaw ni Rheign kaya agad akong napatayo. I don't care! I don't fucking care! I'll fight no matter what will happened.
"This is a war, Rheign. Sigurado ako. Ang susunod na leader ang pumatay sa daddy ko. Papatayin ko sya. Itaga mo sa bato. "
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃
Teen FictionEvery love story have its own happy endings... Will our story have its happy ending?... or it will just end with nothing? -- Written in Tagalog/English