Updatee..
Tnx sa mga nagbasa .. =))
“Every man has his secret sorrows which the world knows not; and often times we call a man cold when he is only sad.”
― Henry Wadsworth Longfellow
A/N:
Jeriah is pronounced as "Jeraya"
Hanes is pronounced as "Heyns"
Jeriah on MULTIMEDIA !
ENJOY !
--------------------------------------------
Jeriah's POV
Paluwas na ko ngayon ng maynila. Ang balak ko sana pagdating ko doon ay maghanap ng matitirhan. Wala kasi akong pamilya sa maynila lahat nasa probinsya. Excited na ko makita siya. Halos mamatay matay na ko sa probinsya kakaisip sa kanya. Sana kapag nagkita kami matanggap niya pa ko. Sana kapag nagkita kami mahal niya pa ko kasi ako? Kahit nawala ako sa kanya ng matagal na panahon, mahal na mahal ko pa rin siya. Sana hayaan niya ko magpaliwanag at pakinggan niya yung mga sasabihin ko.
*Manila*
alas dose ng tangahali nang makarating ako sa Makati, doon ko talaga balak na maghanap ng bahay kasi malapit sa Ayala, malapit sa lalaking mahal ko. Mahigit 3 oras din ako naghanap at sa wakas....
Isang bedspace ang naupahan ko, "all girls" dito at okay na okay ako dun. Sa parteng Brgy. Poblacion, Makati City yun at pwedeng pwedeng lakarin ang Ayala. Sa isang kwarto 2 double deck bed kaya apat kami sa isang kwarto. Puro mga estudyante ang kasama ko.
*Kinabukasan*
Maaga kong nagising para maghanap ng trabaho at ang target ko ? Ang Reyes Lending Company. Alam kong si Hanes ang may-ari nun. Kahit na magkalayo kami, inaalam ko pa rin lahat ng tungkol sa kanya. Ang kaso hindi ko alam kung saan yung building nila kaya nagtanong ako sa room mate ko.
"Ahm.. excuse me, ako nga pala si Jeriah," pakilala ko .
"Hi po .. Ako naman po si Georgina, ikaw pala yung bagong bedspacer dito. Hindi ka na namin nakausap kagabi kasi tulog ka na nung dumating kami." pakilala nito sa akin.
"Ah .. ayos lang.. Pasensya na ha, sobrang pagod kasi ako. Sa Davao del Norte pa kasi ako galing eh." paghingi ko ng pasensya dito.
"Naku okay lang, ate ganda ! Teka, pakilala kita sa iba pa nating kasama dito. " sabi niya saka ko hinawakan sa kamay at dinala sa dalawang babaeng estudyante rin na naghahanda na sa pagpasok. "Girls, ito nga pala si ate Jeriah, yung bago kong bedmate. "
"Hi ate .. " nakangiting bati sakin nung dalawa. Muka naman silang mabait, infairness.
"Hello! Ako si Jeriah. Pasensya na kayo kagabi ha, tulog na ko nang abutan niyo ko."sabi ko.
"Naku, ate.. okay lang naman. Ako nga pala si Ciara. "sabi nito sa akin sabay abot ng kamay.
"Ako naman po si Rehanna," sabi ng isa saka nakipagkamay din sa akin.
"Student ka din po ba?" tanong ni Ciara.
"Naku hindi. Naghahanap kasi ako ng trabaho tsaka may hinahanap akong building. Doon ko sana balak na mag-apply."
"Ahh.. Tapos ka na pala. Anong course ang tinapos mo?" tanong ulit sakin ni Ciara.
"Ahm, tapos ako ng banking and finance." sabi ko naman.
"Wow ate .. Matalino ka pala sa math .. Paturo naman minsan." sabi ni Rehanna saka nahihiyang tumawa.
"Naku hindi naman masyado pero sige. Try natin , malay mo di ba matulungan ko kayo. " nakangiti kong sagot.
BINABASA MO ANG
Back In Your Arms Again
Romance"Ano bang gusto mong gawin ko, Hanes? Lahat gagawin ko, mapatawad mo lang lang ako." matapang na sabi ni Jeriah kay Hanes. "Gusto mo talaga malaman? Sige.. . . . . . . . . . . . . . MARRY ME .. BEAR MY CHILD! GIVE YOURSELF TO ME, JERIAH !" A marrie...