Upadate
*Speechless*
:)
Enjoy Reading..
----------------------------------------------------------
Jeriah's POV
Hah ! Grabe yung hingal ko ! Nakita kaya ako ni Leonel? Sana hindi. Hindi pa ko ready magpakita sa kanila ! Hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi pa nila ako pwedeng makita. Sigurado ako na maging ang mga kaibigan ni Hanes galit din sa akin. Binilisan ko na ang pag-uwi baka mamaya kasi matuluyan na kong makita ni Leonel.
*Sa Kwarto*
"Ate ganda, anong balita sa pag-aapply mo sa Reyes building ?" tanong ni Rehanna sa akin.
"Ahm, okay naman. Magsisimula na ko bukas. Kanina tinour na ko ng sa department kung saan ako iaassign." nakangiting sagot ko dito.
"Ahhhhhhhh... " tili ni rehanna sabay hinila ako saka hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Sabi ko na nga ba... Sabi ko na ... Matatanggap ka talaga ! Naku sigurado ko over qualified ka pa sa posisyong inaapplyan mo.. Kung ako lang nakakuha ng degree ng tulad ng sayo ? mag-aapply agad ako sa pinakamataas na posisyon." tuwang-tuwang litanya nito.
"Naku .. Okay na ko sa posisyon na binigay sakin. Ang mahalaga may trabaho ako." natatawang sabi ko naman. Hindi ko naman kasi talaga hagad na makakuha ng mataas na posisyon, ang mahalaga sakin eh yung magkapera para matulungan ko yung pamilya ko.. Lalo na ngayon.. :(
"Hay .. Napakaswerte talaga namin dahil ikaw yung naging ka-roommate namin.. Ang galing galing mo, ate ganda." masayang sabi nito saka ako niyakap.
"Thank You din sa inyo.. swerte ko din naman sa inyo. Kahit na probinsyana ko hindi niyo ko hinusgahan agad tsaka wag mo na kong tawaging ate ganda.. Nakakailang kasi. Ate Jeriah or Ate Aiah wag lang ate ganda .. " sincere kong sabi sa kanya habang natatawa.
"Haaayy.. osige po ate gan- este ate aiah.. " nangiti nitong sabi sakin ..
Maya-maya pa'y bumukas ang pintuan. Dumating na sina Ciara at George.
"Aaaaaayyyyy.. mga bakla.. May goodnews si ate aiah." nakangiting sabi ni Rehanna. Inunahan pa ko. :D
"Wooow.. ano yun ate aiah ? " nakangiting sabi ni George.
"Ahm.. Natanggap kasi ako sa Reyes' buy-a-car.."
"Kyyyyyaaaaaaaahhhhh.." sabay na tili ni Ciara at George.
"Naku .. Ang swerte-swerte mo ate aiah.. Alam mo bang ang hirap makapasok diyan sa reyes' building na yan .. Mabusisi ang process dun .." sabi ni Ciara.
"No doubt kung nakapasok ka dun, ate. You deserve it. Sayo na ang korona ate.. We are sooooooooo proud of yah .."sincere at masayang sabi nito sakin. Kitang kita naman na masaya sila para sakin. " At buti ka pa, lai mo na makikita yung night and shining shimmering armor ko na si Baby Hanes Reyes. " dagdag niya habang nakapikit pa. F na F .
"Wag ka mag-alala, ate. Pagnakatapos kami, mag-aapply din kami diyan. " desididong wika ni Rehanna.
"Naku.. Ngayon palang, pasok na kayo .. Feel ko yun.." nakangiti kong sabi sa kanila.
"Eh kailang ka naman magsisimula dun?" tanong ni George
"Bukas na ." sagot ko.
"Wow.. nagmamadali ha .. Good Luck ate. Alam naming kaya mo yan. Supporters here !" sabi ni george habang nakataas paang kanang kamay.
"Salamat!"
--------------------
Hanes' POV
Psh .. Ayoko talaga ng walang masyadong ginagawa. Sumasakit yung ulo ko eh ..
Kakaisip sa kanya. It's been years since she left me but the pain's still there.
"Jeriah .." out of nowhere at nabanggit ko ang pangalan niya. I open my office table's drawer and get her picture at tinitigan yun.
"How I wish nandito ka, lalo na kapag pagod ako. Seeing your smile makes me feel alive again. I love you, I give you everything! Why did you leave me ? "para kong baliw na kinakausap yung picture niya.
Ang tunog ng intercom ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
"Sir, Pwede po ba kayong makausap?Nandito po yung representative from HR." tanong sakin ng secretary ko.
I give out a deep sigh.
"Sure. Let her come in." sabi ko dito.
"Sir, may lima pong nagresign from verefication department. Kanina po may isa ng nag-aapply. Tinanggap ko na po at magsa-start na siya bukas. Heto po ang resume niya." sabi nito sabay abot sakin ng puting folder.
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng makita ko kung sino ang nag-aapply sa verefication department.
"Jeriah?"
"Sir.. Okay lang po ba kayo?" tanong ng HR representative na kausap ko ngayon.
"Ahm .. ano yung sinasabi mo?" pinipilit kong magpakapormal sa harap ng empleyado ko. Hindi ako pwedeng maapektuhan ng nalaman ko.
"So, Sir okay po ba ? Over qualified pa po siya sa posisyon niya. Tinanggap ko na po kasi kailangang-kailangan po talaga ng empleyado sa verefication department." paliwanag nito.
"Okay lang .. Kailan ba 'to magsisimula?" tanong ko.
"Bukas na po, sir.. Nai-tour ko na po siya kanina sa department niya. Hindi ko lang po naipakilala sa inyo kasi busy daw po kayo kanina." paliwanang nito muli.
"Sige. Just tell her to go to my office before she start working.
I want to know her more . I'll be the one to interview her."
Magkikita na tayo Jeriah. Mahal kita? Ewan ko. But I'll make sure you'll regret all the things you did to me.
----------------------------
TBContinued .........
UNEDITED!
Anong mangyayari sa muling pagkikita nina Jeriah at Hanes?
Abangan....
SHORT UPDATE!
-GeeLove14
BINABASA MO ANG
Back In Your Arms Again
Romance"Ano bang gusto mong gawin ko, Hanes? Lahat gagawin ko, mapatawad mo lang lang ako." matapang na sabi ni Jeriah kay Hanes. "Gusto mo talaga malaman? Sige.. . . . . . . . . . . . . . MARRY ME .. BEAR MY CHILD! GIVE YOURSELF TO ME, JERIAH !" A marrie...