Chapter 5

540 14 3
                                    

Update ...

"SO NGAYON, KAIBIGAN KO NAMAN ANG PUNTIRYA MO?"

-Hanes 

Vote and Comment nemen jen .. Salamat. Don't forget to read the note sa baba.. 

xoxo

Enjoy!

-------------------------

Hanes' POV

"Welcome to Hell, Jeriah!" 

Hindi na siya lumingon pa matapos kong sabihin sa kanya iyon. 

Napabuntong hininga nalang ako nang makalabas na siya ng opisina ko. Napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ko ang aking puso, ang lakas ng tibok nito. Hindi... Hindi ito pwede. Hindi pwedeng mabuwag ang harang na ginawa ko ilang taon matapos niya kong iwan. Hindi ako paaapekto sa kanya. Hindi na ko magpapaloko sa kanya. 

"Hindi ako papayag na muli mo kong masira, Jeriah. Ipakikita ko sayo ang bagong Hanes na ikaw mismo ang gumawa."

 --------------------

Jeriah's POV

Nang makalabas ako ng opisina ni Hanes ay agad akong napaiyak. Angsakit-sakit ng mga sinabi niya sa akin. Dumiretso ako sa CR at pumasok sa isang cubicle doon para ibuhos lahat ng luhang kanina gustong umalpas sa aking mga mata. Paano ko sasabihin ang dahilan kung ayaw niya akong pakinggan ? Ganoon ba talaga ako kasama?

"Diyos ko, tulungan niyo po ako. Bigyan niyo pa po ako ng lakas ng loob na harapin lahat ng hirap na ibibigay sakin ni Hanes." umiiyak kong sambit. Umpisa pa lamang ito pero parang gusto ko na bumigay pero hindi pa pwede, kung kinakailangan kong maghirap para lang pagbigyan niya kong magpaliwanag ay gagawin ko yun. 

Nang mahimasmasan ako ay dumiretso na ko sa department ko at naghanap ng bakanteng pwesto. Maya-maya pa'y..

"Ikaw ba si Jeriah ?" tanong sakin ng babaeng mukang mataray.

"O-opo. Ako nga po, bakit po ?" tanong ko.

Inilapag nito ang maraming folders sa harap ko. "Lahat yan kailangan mong ma-verify ngayong araw. Paalala ko lang sayo na kailangan NGAYONG ARAW mismo dapat matapos ang mga yan, nagkakaintiindihan ba tayo ?" taas kilay nitong sabi sa akin.

"Yes, ma'am" mahinang sagot ko.

"Bilisan mo na .. Umpisahan mo na yan." sabi nito saka tuluyan ng umalis.

Tinignan ko ang napakaraming folder na nakapatong sa mesa ko. Napakaimposible na matapos ko ito ngayong araw kasi kailangan ko pang tawagan ang mga ito isa-isa. Naramdaman ko din na maraming mata ang nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong inilibot ang aking mata at nakita ko ang ibang mga empleyado na nakatingin sa akin. Bahagya akong ngumiti, ang iba ay ngumiti rin pero parang mas maraming umirap. Hindi ko alam kung bakit pero may iba kong pakiramdam na di ko maintindihan. Ibinalik ko nalang aking isipan sa aking ginagawa.

Back In Your Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon