UPDATE!
HAPPY 3K READS! Words can't express how mush I thank you guys.. Sa halos isang buwan akong walang updat nasa GENERAL FICTION #720 ang BIYAA . It means nasa hotlist pa rin tayo.. Maraming-maraming Salamat ! *tears of joy*
xoxo
20 votes and 5+ comments para sa next chapter !
---------------------------------------------------------
Hanes' POV
Umaga na nang magising ako sa may sala. Sobrang sakit ng ulo ko, dahil na rin siguro sa sobra kong pag-inom kagabi. Dahan-dahan akong bumangon. Ngunit laking gulat ko nang .."Gising ka na pala. Titimplahan muna kita ng kape." sabi ni Aiah habang nakangiti. Para bang walang nangyari.
"Wag na !" malamig kong sagot.
"Ahh, okay lang naman sakin na magtipla ng kape mo. Uhm, pag okay ka na tayo ka nalang dyan at ako na bahalang magligpit dyan." sabi niya sa akin saka umalis at pumunta ng kusina.
Wala na kong nagawa kundi tumayo at magpunta sa kwarto. Laking gulat ko ng makita kong maayos na ang loob ng kwarto at higit sa lahat nakahanda na ang susuotin ko. Aaminin kong na-touch ako pero hindi ako dapat bumigay! Hindi dapat ! Agad akong nagtungo sa banyo para maligo.
Ilang saglit pa ay lumabas na ako mula sa kwarto. Naabutan ko siyang inilalagay ang almusal sa mesa.
"Ah, ahm.. Aayusin ko lang 'tong mga pagkain tapos aalis na rin ako." utal niyang sabi.
"Bahala ka!" sagot ko. "Saglit !" pigil ko sa kanya bago siya makalabas ng pinto.
"B-bakit?" tanong niya.
"Hindi ka na papasok sa opisina mula ngayon!" walang alinlangan kong sambit sa kanya.
"Ha? A-ano, bakit ? May ginawa ba kong masama?" gulat niyang tanong sa akin.
"Hindi ko hahayaang tuluyan mong sirain ang pangalan ko sa 'sarili' kong opisina. Mabuti nalang ata ako lang ang nakakita sa inyo ng janitor lover boy mo kung hindi malamang na-chismis na ko! " sagot ko sa kanaya habang kumukuha ng pagkain.
"P-pero hindi naman totoo yung binibintang mo ! Alam ng diyos na wala akong ginagawang masama! Hindi kita niloloko !" naiiyak niyang sabi sa akin.
"Kung totoong wala kayong relasyon ng janitor na yun papayag ka sa gusto ko !" naiinis kong sagot sa kanya.
"Pero paano ko? Hanes, may pangangailangan din ako ! May pamilya pa kong sinusuportahan! Paano sila? Ayokong umasa sayo dahil ayokong isipin mong iba ang intensyon ko sayo. Alam mo kung bakit pinakasalan!" mahabang litanya niya na sa inis ko ay nahampas ko ng malakas ang mesa.
BINABASA MO ANG
Back In Your Arms Again
Romance"Ano bang gusto mong gawin ko, Hanes? Lahat gagawin ko, mapatawad mo lang lang ako." matapang na sabi ni Jeriah kay Hanes. "Gusto mo talaga malaman? Sige.. . . . . . . . . . . . . . MARRY ME .. BEAR MY CHILD! GIVE YOURSELF TO ME, JERIAH !" A marrie...