Chapter 13

710 22 12
                                    

Isang mabilisang Update..

Thank you sa 4k reads kahit di masyadong naga-update .. Pasensya na talaga ! :'(

Vote and comment .. Don't forget !

Enjoy !

---------------------------------------

Jeriah's POV

Kanina pa nakaalis si Hanes pero nandito pa rin ako sa kwarto at tulala. Gusto ko ng matapos lahat ng paghihirap ko ngayon, pero paano mangyayari yun kung ayaw niya kong pakinggan ? Paano ko maipapaliwanag sa kanya na kinailangan ko lang siyang iwan at hindi ko gusto yun. Kung meron man akong pinagsisihan ay yun ang iniwan ko siya.

Maya-maya pa'y tumunog ang telepono sa sala. Dali-dali akong tumayo ara sagutin ito.

"Hello?"

"Hello ? Is Hanes there?" babae? Bakit niya hinahana ang asawa ko ?

"Ahm, wala siya dito. Nasa office. Sino ka ba ? Sasabihin ko sa kanya mamaya na tumawag ka."

"Oh, I'm Paris, Hanes' girlfriend. Please tell him to call me back. Tell him I'm back ! You, who are you? What are you doing in my boyfriend's pad?"

Girlfriend? Ano daw bang ginagawa ko sa pad ng 'boyfriend' niya? Ako ang asawa ! Dapat bang sabihin ko sa kanya na asawa ko ng 'boyfriend' niya?

"Hey ! ANSWER ME ! If you're one of his flings, tigilan mo na yan 'coz I'm back ! His one and only love ! Naiintindi -"

Agad ko nang ibinaba ang telepono. Hindi ko na kakayanin ang marinig ang kung ano pang mga sasabihin niya.

Hindi ko alam pero nanghihina talaga ko ngayon. Bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayoko na sanang umiyak pa pero kapag ganito yung nangyayari, sino namang hindi maiiyak diba ?

Agad akong tumakbo papasok sa kwarto namin at nagbihis. Hindi na ko makaaghintay ng mamaya. Kailangan kong kausapin si Hanes, all along naghihirap ako tapos may girlfriend pala siya? Binabastos na nga niya ko eh tapos ganito pa ?

*AT REYES BUILDING*

Agad akong tumakbo at sumakay sa elevator papunta sa office ni Hanes sa pinakataas ng building niya.

"Excuse me.. Sino po kayo ?" tanong ng secretary niya sa akin.

"Ako si Mrs. Reyes! Ako ang asawa ng amo mo kaya papasukin mo ko ! Nandyan ba siya sa loob? " naiinis kong sabi sa secretary niya.

"A-ah, Ma'am di po kayo pwedeng pumasok. May bisita po kasi si sir." natatarantang wika niya. Pakiramdam ko may mali kaya bahagya kong siya tinulak para makapasok ako pero wrong move .. Very wrong move !

Hanes' POV

Pagkatapos ng pagtatalo namin ni Jeriah ay agad na kong umalis. Mas gugustuhin ko pang umalis kesa makipag-away sa kanya. Ayoko na kasi baka pag hindi ako nakapag pigil ay masaktan ko ulit siya.

*OFFICE*

"Marie, sabihin mo sakin lahat ng schedule ko. Sumunod ka sakin! "

"Yes, sir ! " sagot niya atsaka sumunod sa akin.

"Ipagtimpla mo ko ng kape pagtapos."

"Yes, sir. May meeting po kayo ng 9am with Mr. Chan para sa investement po niya. May board meeting naman po kayo ng 1pm with the board reagarding your new project tapos po meron po kayong meeting with Mr. Lee regarding po sa proposal niya at 4m at may dinner meeting naman po kayo kay Mr. Enriquez para sa expansion sa Visayas po ng 7:30 pm."agh .. Office life ! Yeah

"Okay. I-prepare mo na yung mga kakaialangan ko sa meeting ko with Mr. Chan after mo kong ipagtimpla ng kape."

"Okay po,Sir." sabi niya saka lumabas na ng opisina ko.

Pagkalabas ng secretary ko ay agad kong kinuha ang isang frame sa pinakadulong bahagi ng drawer ko. Ito yung frame na kasama ko mula ng iwan niya ko. Ito nalang yung natitirang alaala na kahit paano ay minahal ko pala siya. Nagmahal pala talaga ko. Ang saya-saya pa namin dito pero sa isang iglap... Everything fade away kasi iniwanan niya ko.

*Blaaaggg ..*

Agad kong ibinalik sa drawer ang hawak kong frame nang lumagabog ang pintuan ng office ko.

"Hi baby ! Don't you miss me ?" malanding sabi sakin ng isang babaeng kahit kailan ay di ko malilimutan.

"Paris?" Agad siyang kumandong at yumakap sa leeg ko. The heck of this girl !

"Tumawag ako sa pad mo pero binabaan ako ng maid mo nang sinabi kong girlfriend mo ko. "

"WHAT ?" maid? F*ck baka si Jeriah yung nakausap niya.

"Babe, I miss you so much !" saka bigla akong hinalikan sa labi.

*Blaaaaaggggg..*

"Jeriah!"

--------------------------

TBContinued...

Short Update !

Sorry for the super late update !

-GeeLove14

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back In Your Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon