Prologue

10.7K 203 9
                                    

"Oy! Ano na ? Ang tagal mo na naman ahh"

"Oo na. Andyan na,may kinuha lang naman ako ah"

"Naku, Carl. Malilate na naman tayo!"

"Ayan na nga boss oh. Tara na!"

"Good!"

Ayan na nga. Siya si Dex,kababata at best friend ko. Mag best friend ang nanay namin kaya ganun na lang kami ka close. At di ko na maalala kung kelan kami unang nagkita at saan,basta ang alam ko lang marami na kaming napagdaanan at yun ang dahilan kung bakit tumatag ang aming pagkakaibigan.

Well, syempre magpapakilala muna ako sa inyo. Ako si Carlo Paredes, 19 at third year college sa isang institute. At yun ang bestfriend ko si Dexter Javier,19 din kasi nga kababata ko sya diba ? At parehas kaming kumukuha ng Entrepreneurship. Actually hindi niya talaga gusto yung course namin, eh dahil sa magiging classmate niya daw ako. Pumayag na din sya kesa naman daw maghirap siya mag-isa. Atin atin lang to hah? Promise mo yan. 😊😊😊 medyo may pagkamahina kasi ng utak tong si Dex, at ako hindi ko naman sa masasabing matalino pero kaya ko din namang makipagsabayan sa mga Top student ng klase.

Ok. Tama na muna yang introductory speech ko. Makilala nyo din ako ng lubusan soon 😊😊 Ayun, nagmamadali na kami. Medyo malilate na kasi kami para sa presentation namin. Inabot ko yung dala kong plastic sa kanya...

"Bes, pakidala naman nitong plastic?"

"Ano ba kasing laman nito at parang ang bigat?"

"Spaceship"

"Tatawa ako bes?"

"Wag muna, tipirin mo muna yan. Magbibiyahe pa tayo" HAHAHA

"Loko, tara na nga. Baka mabigwasan pa kita dyan mamaya"

"Awts. Pati pa ba naman ikaw bes ? Sasaktan mo din pala ako"
( Sabay iyak ng madrama)

"Hoy,Carlo. Ang drama mo..malilate na kayo!" Sigaw ng mama ko sakin
"Bilisan mo na at kanina pa yan nag-aantay si Dex"

"Ma ? Yung totoo ? Sino anak mo samin?"

"Tinatanong pa ba yan Nak? Eh pareho tayong pango. Eh matangos yan si Dex ee. HAHA"

"Tseee.. Ge na ma , alis na po kami. Love you. Bye"

"Bye Tita"

"Ge. Bye mga anak"
____________________________

Wattpad

He Is Mine ❤ ( BxB )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon