Chapter 4: Confession

2.8K 93 1
                                    

Liza's POV

Hindi muna kami lumabas ng 7/11. Niyaya ko si Sam para umupo. Ramdam ko na may problema si Sam. At gusto ko syang i comfort. Gusto ko syang e hug para maiparamdam sa kanya na andito lang ako sa tabi nya. Pero bigla kong naisip na masyado akong OA as in Over Acting. HHAHAHA

"Sam maya na tayo lumabas , uubusin ko muna tong kinakain ko."

"Don mo na lang kaya kainin yun."

"Dito na. Ayoko dun."

"Sus.ayaw mo lang mamigay."

"Parang ganun na nga."sabay tawa ng malakas.

Pero ang totoo, gusto ko lang ma solo si Sam. For the first time makakasabay ko sya sa pagkain. Hindi man to matatawag na date pero kinikilig ako. Wag ka ng magtanong. HAHAHA

Napatigil ako sa pag Day Dreaming ko ng mapansin kong nanahimik si Sam. Ang lalim ng iniisip nya. Hindi ko mareach. As in hindi ko maswim. Tsaka hindi naman talaga ako marunong lumangoy eh. Tawa ka please.. HAHAHA

Ok. Salamat.

Hindi ko muna sya tinanong, tiningnan ko lang sya.

Bat ang pogi ng lalaking to? Bakit ko to gusto? Bakit?

Tumagal ng ilang minuto ang ganong scenario. At napansin kong walang planong magsalita si Sam. Kain lang sya ng kain. Malapit na nga ata nyang maubos ang Siopao eh. At ako naman , malapit na din...malapit ng magsimula . HAHA. Hindi ko kasi talaga mapigilang mapatitig kay Sam. Ang chalaapppp, joke lang. Ang pogi nya kasi talaga

At di ako makapaniwala kung love life ang problema nito. Sa gwapo nyang ganyan , sus eh mailelevel mo nga sya sa mga leading man nowadays. Eh kahit sino namang babae ang ligawan nito hindi na mag aatubiling sagutin to.

Napabuntong hininga na lang ako.

Binasag ko ang moment na yun. Nag umpisa ng magsalita ang aking machalaapppp na bibig . HAHA

"Sam?"

Tumingin lang sya sakin. Hindi man lang ngumiti.

"Ok ka lang ?"

Syempre ako na ulit nagtanong.

Tumango lang sya. Batukan ko kaya to?

"Seryoso?". ako ulit.

Tumango lang ulit.

"Ok" pagtatapos ko sa conversation sa sarili ko.

_____________________________

Sam's POV

Nanahimik na si Liza. Parang nagets nya ata na ayokong mag-usap.

Sinulyapan ko sya. Halatang nag-iisip ito. Parang may mga gusto syang itanong.

"Lili?" Tawag ko sa kanya.

Hindi agad sya nakasagot. Hindi nya ata nagets yung tawag ko sa kanya. Haha

"Bakit Lili?"

"Marami ka kasing lili"

Sabay tawa.

"Hah?" Tanong nya. At nakita kong mas lalong kumunot ang noo nya.

"Wala. HAHA"

"Ano nga kasi yun?"

"Gusto mo malaman ?"

"Hindi. Kaya tinatanong ko."

"Ok."

Tumahimik na ko habang nakangiti.

She puts her hands on my shoulder. She shaked me.

"Oy... Sam?"

"Oh?"

"Ano nga kasi yun?"

"Kala ko ba ayaw mo?"

" Sabi ko OO."

"No. You said. No"

"Eh, biro nga lang. Ikaw naman kasi."

Ramdam kong seryoso na si Liza. Mukha na syang iiyak. Tinitigan ko sya. Napansin kong maganda din pala tong Liza nato.

"Ge na nga.. Sasabihin ko na!"

Nanahimik sya at halatang nag-aantay ng sasabihin ko.

"Ready ka na?"

Tumango lang sya.

"Sure?" ako.

"Kainis ka..*pabebe voice*"

"Ok."

"Ano na? Antagal.."

"Lili... Kasi andami mong Libag" HAHAHAHAHAHA.

___________________________

Liza's POV

Sya lang natawa. Oo as in sya lang. Di ko pa alam kong matutuwa ako dahil alam kong biro lang yun o kung maiinis ako dahil sa biro nya. Pero in fairness, pogi pa din sya. HAHAHA

Hindi na ako nagsalita. Pinakita kong naasar ako sa joke nya.

Sinimulan ko na ang pagkain. Nilalakihan ko ang pagsubo ko,kahit di ko naman malunok ang kinakain ko.

"Liza?"

Tiningnan ko sya.

"Galit ka?"

"Oo." Syempre gusto kong lambingin nya ako.

"Sorry na." And he tapped my head.

"Ok lang yun ."

"Talaga"

"Yup."

"Ok... Pero Liza? Meron sana akong sasabihin sayo."

Nag-isip ako bigla. Ano kaya ? Ito ba yung reason kung bakit sya malungkot?

"Ano yun Sam?"

"Gusto ko si Carlo."

Awts. Awts. Wait lang... Wait.. Di ko nagegets.

"What? You like Carlo?"

"Yup."

"As in, may gusto ka sa kanya?"

"Yup."

Hindi nya ako binara. Seryoso sya. So totoo yung sinasabi nya.

"Then you are?"

"I don't know. I know I am straight. Pero di ko.mapigilang magkagusto kay Carlo. He makes me smile. He makes my day complete. I don't know but he can..."

"Ok. Ok. I finally got it." Putol ko sa mga pwede nya pang sabihin. Nanonoud din naman ako ng mga Gay movie ,so I have an idea that straight guy fall in love to gays. And that is because of their attitude. At hindi ko rin naman maitatanggi ang kabaitan ni Carlo. Minsan ko na syang nakasama sa isang group project. And I saw how kind Carlo is. I like his positivity.

"Kelan pa?" Tanong ko.

"Ewan . Di ko alam. Nagising na lang ako isang araw that I am longing for his presence. I misses him. I want to hug him. And maybe that was the time that I fall in love on him. And I don't know kung kelan yan."

Mahaba nyang litanya. Hindi pa din nagsisink in sa utak ko na ang taong pinapahalagahan ko ay inlab na din,sa iba. And worst is , on a guy.

" Eh pano yan? May balak ka bang umamin kay Carlo?"

"Di ko alam."

"Ge, ok lang yan Sam. Basta andito lang ako lagi sa tabi mo,just tell me. Reresbak tayo" sabay tap ng likod nya.

"Ano? Tara na sa school. Ubos na natin kinakain natin. Bigay mo na yang pasalubong mo." At itinuro o ang take out nya para kay Dexter at sa karibal kong si Carlo..

He Is Mine ❤ ( BxB )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon