Chapter 6: A Tour

2.2K 83 1
                                    

After ng araw na yun. Naging normal na naman ang school days. Hindi na sila masyadong busy kasi wala na silang ginagawa.

Pero meron pa silang inaabangang malaking event sa school nila.

Ang Field Trip.
_______________________

Carlo's POV

Field trip na. Yes. Pinayagan ako ni mommy na sumama. Ito ang info ng Field trip namin.

Purpose: Arts Appreciation
Venue: Somewhere in Pampanga

Ayan na.

Katatapos ko lang maligo ng tumunog phone ko. Nilapitan ko ito at tinignan , nakita ko yung name ni Dex , sya pala yung nagtext. Tinanatanong kung kelan pa daw ako lalabas dito sa lungga ko.

MALAPIT NA BES , SAGLIT NA LANG.

Tong tao talagang to, laging on time sabi ko naman sa kanyang alas siyete na sya pumunta kasi alas nwebe pa naman alis namin , eh kakapatak pa lang ng alas sais nasa bahay na sya.

Naghanap ako ng isusuot ko, nagbaon na din ako ng pamalit in case of emergency.

Pagkatapos kong magbihis ay.lumabas na ako.

"Oy Carlo, ang tagal mo" bunton sakin na Dex habang binibitbit na yung bag nya.

" Ay sorry bes, kumuha lang ako ng pampalit in case of emergency. Alam mo na para handa lagi." Sabay akbay sa kanya.

  Umalis na kami ng bahay ni Dex para pumunta sa school. Sa sobrang traffic muntikan na kami malate ni Dex.

"Grabe ang traffic bes no?  Ang hirap talagang makipagsabayan sa rush hour. Buti na lang at panghapon ang klase natin,kung hindi naku." Si Dex.

"Yun nga bes eh, tara na. Baka maiwan pa tayo mamaya ng Van." pagyaya ko kay Dex, sabay lakad para sumunod na sya.

Pagdating namin sa bus, andun na sila lahat. Bale kami na lang inaantay. Umakyat na kami ni Dex at naghanap ng mauupuan. Si Dex ay nakiupo sa gilid ng isa naming kaklase at ako naman ay pumunta sa dulo upang maghanap ng mauupuan. Nakita ko si Sam sa dulo,wala pa syang katabi. Nilapitan ko sya at nagpaalam na makikiupo.

"Oy Tay, may nakaupo na dyan?"

"Ay ikaw pala Caloy, wala yan. Ge maupo ka na".  Sabay kuha ng bag nyang nakapatong sa upuan.

"Sige, salamat." Sabay upo.

Maya maya ay umalis na ang sinasakyan namin. Umabot ang byahe namin ng mga kalahating oras at di ko namamalayan na nakatulog pala ako.

*******

"Carlo?" Tawag sakin ni Sam.

"Oh Tay? Ano meron ?"

" Wala , bakit?"

"  Sa unang pagkakataon kasi ay tinawag moko sa pangalan ko." Sabay tawa ng mahina.

"Wala yun... Ayaw na kasi kitang maging kaibigan, kasi gusto na kitang maging ka-ibigan.

Peeeeeeeppppppppppppppo

********
Nagulat ako ng biglang may narinig akong bosena. Dun nagising ang diwa ko. At narealize kong nanaginip lang pala ako.

Tiningnan ko si Sam. Saktong nakatingin sya sakin.

"Bakit Sam? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya.

"Ah...eh...wala , ang linis nga eh." Paliwanag nya. At talagang nakatitig sya sakin kasi nakita nyang malinis mukha ko. *kilig tawa* ( e imagine mo na lang kung paano bes)

"Ganun ba, pero parang may dumi talaga eh. Grabe yung titig mo sakin." Ako. Kung hindi ko lang talaga alam na lalaki to si Sam. Iisipin kong may gusto sya sakin. Ambisyoso ko diba? Wag mong ipagkalat hah. Hahaha

"Wala yun. Sadyang napatingin lang ako sayo."

Maya maya ay sinabi na ng driver na nakarating na kami sa aming paroroonan. Bumaba na kami para pumunta sa museum na yun. Kasama ko sina Sam at Liza, si Dex naman ay napasama sa ibang grupo.

Inabot kami ng halos kalahating oras sa paglilibot. Ramdam ko na ang pagod ng aking mga binti.

"Pagod ka na Caloy ?" Si Sam. Napansin nya ata ang paghimas ko sa mga binti ko.

"Oo tay eh, ang tagal nadin nating pagala gala dito. Mula pagdating ay hindi pa tayo nakaupo.

"Tara dun sa labas. May bench akong nakita dun kanina. Upo muna tayo, parang napuntahan na naman natin lahat dito eh." Yaya nya sakin.

"Tara Tay! Randam ko na ang sakit ng binti ko eh. Para makapagpahinga man lang kahit saglit." Sang ayun ko sa kanya, pero napansin kong wala na pala si Liza sa tabi namin. "Asan nga pala si Liza Tay?"

"Ah yun, nag cr. Nagpaalam sakin kanina. Di mo ba narinig?" Tanong nya sakin.

"Ay hindi ata. Tara na nga, pagod na talaga ako Tay." Yaya ko kay Sam , sabay lakad.

Pumunta kami ni Sam sa sinasabi nyang bench para magpahinga. Pagdating namin dun ay umupo kami agad. Ang ganda din pala ng ambiance dun, natatanaw ko ang garden ng museum na to. Ito ang sinasabi nilang flower sanctuary. Super ganda! Kasing ganda ko . HAHAHAHA. JOKE LANG NAMAN.

" Caloy? Nauuhaw ka." Tanong ni Sam sakin.

"Medyo. Ikaw ba ?" Sagot ko.

"Oo eh. Wait lang, bili muna ako ng drinks dyan sa labas." Si Sam.

"Meron ba dyan ? Parang wala ata Tay." Sabi ko kay Sam. Napansin ko kasing parang malayo sa business area tong museum na to kasi parang wala akong nakitang pwedeng bilhan sa labas.

"Yup Caloy, may Jollibee akong nakita sa di kalayuan kanina." Si Sam.

"Ganun ba ? Baka hindi ko ata nakita kasi nakatulog ako." Paliwanag ko sabay kamot ng ulo ko.

______________
A/N:

Apology po sa matagal na update. Medyo busy lang po. Pangako ko po , mag uupdate na ako ng mabilisan this coming days. Don't forget to vote and comment po. THANK YOU GUIS . LOVE YOU ALL 😘😘😘

He Is Mine ❤ ( BxB )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon