Chapter 3: A Hug

2.9K 104 1
                                    

Carlo's POV

Niyakap ako ni Dexter.

Oo nga kasi. Niyakap nya ako. Gulat na gulat ako sa ginawa nya. For the first time,niyakap nya ako. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kikiligin ba ako dahil niyakap nya ako ? O maiinis dahil alam kong hanggang kaibigan lang kami at alam kong yakap ng pasasalamat yun.


"Bes , salamat hah!"


Si Dexter, habang nakayakap pa din sakin. At halos di mo mabilang ang ngiti sa mukha. Nginitian ko sya pabalik..




"Sus. Wala yun. Tsaka ginalingan mo kasi bes eh. Panalo tuloy tayo." Sabay tawa.


"Nope. It is because of you. Kung hindi dahil sayo di ako makakasagot ,at baka yun oa yung dahilan ng ikababagsak natin."


"Haha. Hindi yun. It is a teamwork. We'd all done great. Kaya kelangan nating e congratulate mga sarili natin. Diba Sam?"


Sabay tingin kay Sam. At nakita ko talagang nakasimangot sya.



"Oy Tay ?"

"Oh?"

Sumagot naman sya agad kaya sigurado akong nakikinig sya.


"Di ka ba masaya at nakapasa tayo?"


"Sino may sabi? Ang saya ko nga eh."
Sabay tawa ng malakas. "Ge,labas na muna ako. Punta lang akong 7/11 upang bumili ng Siopao. Buti pa dun magiging special ako."



"Ang drama mo Tay. Anyare?"



"Wala. Nagtatampo lang ako sa mahal ko. Malandi kasi"



"Hah? Sino yung..."




Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nyang kinalabog ang pinto at lumabas.

"Anyare dun?"

Tanong ko kay Dexter.


"Ewan. Baka may dalawa" sabay tawa.


"Siguro nga" sang ayun ko na lang din.

________________

Sam's POV

Para akong tinamaan ng sibat sa nakita ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Alam ko namang wala akong karapatan,pero masakit pa din. May isang parte ng utak ko na nagsasabing , di dapat ako masaktan kasi alam kong straight si Dexter at may jowa yun , kaya magkaibigan lang sila. Pero may isang parte din ng utak ko na nagsasabing may gusto si Carlo kay Dexter at lagi silang magkasama.


Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Naibagsak ko ang pinto. Di ko alam kong dahil ba sa galit yun o sa selos na hindi naman dapat. Pagkalabas ko dumaan muna ako sa CR para magsalamin at lumabas na din. Sa hallway nakasalubong ko si Liza.


"Oy, Sam. Ok ka lang?"

"Oo naman"

"Parang hindi eh. Parang may world war 4 dyan sa kilay mo." Sabay tawa.

"Wala yan."


"At tsaka nakita ko din kanina ginawa mo."


"Yung alin?"

"Yung pagbagsak mo ng pinto. Baka nakakalimutan mo marami tayo sa room na yun. Haha"

"Ayyyy , madulas lng kamay ko nun."


"Talaga ba?"


"Oo nga"



"Baka naman nagseselos ka?"

Di agad ako nakasagot.
Alam kong totoo yung sinasabi nya.

"Bakit naman ako magseselos ?"

"Haha. I'm just kidding. Baka umiyak ka pa mamaya. Namumula ka na oh." Sabay turo sa mukha ko. "San ka ba pupunta?"


"Sa 7/11. Sama ka ba ?"


"Tara. Nagugutom na din ako eh."

"Tara."



Pumunta na kami para bumili ng makakain. Bumili ako ng Siopao. Binilhan ko na din sina Carlo at Dexter.
________________

He Is Mine ❤ ( BxB )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon