Chapter 9 : A Hint

1.7K 73 0
                                    

Carlo's POV

Hindi ko namalayan eh nakatulog na pala ako. Nagising ang diwa ko ng nakaramdam ako ng mainit na bagay sa kamay ko. Parang kamay, kanino naman kaya ito ?

Gusto kong dumilat pero ayokong makita ang may-ari nito.

  Tumagal pa ang ganung eksena ng makaramdam ako ng mabigat na bagay sa balikat ko. Sigurado akong ulo ito. Lilingonin ko sana ng mapansin ko ang pabango nya. Kilala ko ito, at di ako pwedeng magkamali. Si Dexter ? Seryoso? Ok lang naman sakin na sumandal sya eh ... Pero bakit nya hinawakan ang kamay ko?

  Patagal ng patagal ay napansin kong pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Dex sakin. Natatakot ako baka may makakita sa amin, gustuhin ko mang lumingon pero hindi ko magawa dahil sa nakasandal sya sakin. Pinilit ko na lang matulog.

___________

Sam's POV

Kahit na nagtatawanan kami ni Lili , ay hinahanap ko pa rin ang sayang hatid sakin kapag tumatawa ako ng dahil kay Carlo. Kung hindi lang dahil sa injured tong si Liza eh di sana katabi ko ngayon si Carlo.

Maya-maya ay nakita kong lumapit si Dexter sa kanya. Pero ang hindi ko matanggap eh nong hinawakan nya ang kamay ni Carlo. Ano ibig sabihin nito. Maya maya pa ay sumandal na sya kay Carlo. Awts. Ni wala man lang reaction si Carlo. Kung sabagay eh alam ko namang mahal ni Carlo si Dexter. Pero ang sakit lang, ang sakit. Di ko mapigilang tumulo ang luha ko sa nakita.

  Napansin ata ni Liza ang pagtulo ng mga luha ko , kaya hinimas himas nya ang likod ko. Siguro para iparamdam na andyan lang sya. Hinding hindi nya ako iiwan. Pero wala akong magagawa . Si Carlo ang mahal ko Liza. Kung pwede lang sana kalimutan na lang lahat at ibaling ang atensyon ko sa iba. Gagawin ko agad , umpisa ng makita ko ang mga pangyayari ngayon.

😭😭😭😭😭😭

He Is Mine ❤ ( BxB )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon