Chapter 2: Overnight

4.1K 127 1
                                    

Sam's POV

Grabe! Nagulat ako sa ginawa ni Dexter
Hindi naman sa nanglalait pero parang ganun na nga din. Pero hindi talaga ako makapaniwala. HAHAHAHAHAHA. Ayan . Salamat sa pagsabay sa tawa ko.

Lumabas na kami,sa incubator. HAHAHA. Tawa ka ulit. Pasensya ka na..ganun talaga kasi ako. Pumunta ulit kami sa room para mag antay ng result at sa iba na din naming kaklase.

"Ang galing mo kanina brad ah"
Puri ko kay Dexter.

"Oo nga brad eh, ang galing ng sumapi sakin. HAHA"

"Nagbunga yung pag overnight natin sa inyo Bes"
Sabi ni Dex kay Carlo.
Napangiti na lang ako sa naalala ko sa overnight na yan.

Ike kwento ko ba?





Wag na .  Di ka naman sumasagot eh.



Ano?




Ayan, dapat sagot agad. Ok ito na nga...

*music*

SAM SAN KNA?

Text ni Carlo sakin.

MALAPIT NA SA KANTO NINA DEX. IKAW?

DTO SA MAY 7/11 ,INAANTAY KA.

GE.GE. MALAPIT NA KO.

Pagkadating ko sa may 7/11 nakita ko si Carlo umiinom ng C2. (Sana naman kunin ako ng mga product na yan dahil sa pagpopromote ko) HAHAHA (salamat ulit sa pagtawa)

"Oh Sam,andito ka na pala. Tara na"

Sumakay na kami ni Carlo ng trike papunta kina Dexter.Pagkadating namin dun pinakain muna kami ng mama niya.

"Tita salamat po sa pagpapakain. Parang sure na po yung pagbalik ko dito ..HaHa"
Biro ko sa mama ni Dex.

"Sus. Wala yan Nak. Tsaka.lagi naman kayong welcome dito sa bahay"

" Salamat ulit Ta"

"Oh sige,maiwan ko na muna kayo at may gagawin lang ako"

At umalis na ang mama ni Dexter.
Agad naman kaming nag-umpisa ng mga gagawin namin.Natapos namin ito ng maaga.

"Brad?"

Si Dexter.

"Oh bakit?"

"Inom tayo?"

"Seryoso?"

"Oo. Wait lang magpapaalam ako kay mama"

Nagpaalam si Dexter sa mama nya at pumayag naman ito.
Kumuha ng beer si Dexter sa ref nila. Inabot nya ito samin. Umiinom kami habang nanonoud ng tv.

Nakakarami na kami at ramdam ko na rin ang pangangapal ng mukha ko at medyo lumalabo na ang mga mata ko. Tiningnan ko si Dexter, nakahandusay na ito. Habang tinatampal tampal ni Carlo ang mukha nya.

"Hoy, ano to bes ? Ang daya mo. Kunti pa nga lang nainom natin bagsak ka na. Wag ganyan bes. Mahiya ka naman kay Sam. Ikaw pa yung nagyaya ikaw pa unang nalasing. HaHA!"

Kantyaw ni Carlo kay Dexter.

"Ano ka ba Caloy , Ok lng yan . Hayaan mo na sya baka inaantok na yan. Ubusin na lang natin tong natitira. Apat na bote pa to oh."
Yaya ko kay Carlo.

Ininom namin ang natitirang bote ng beer. Ng maubos namin ito ,halatang nalasing ng sobra si Carlo. Sumandal ito sa balikat ko. Hindi na din naman ako nagreact. Pero napansin kong parang humihikbi si Carlo, at narinig kong may sinasabi sya. Pinakinggan ko lang
...

"Alam mo Sam, minsan gusto ko ng batukan yang Dexter na yan"

"Bakit naman?"

Tanong ko sa kanya.

"Kasi pinipilit nya yung sarili nya dun sa mga taong 'di sya kayang pahalagahan. Dun sa mga taong hindi sya kayang mahalin"

"Hah? Pano mo naman nasabi yan."

Usisa ko pa. Kasi wala akong idea sa mga pinagsasabi nya. Oo nga pala, baka iniisip nyo na bestfriend ko sila. Hindi po. Sadyang classmate lang kami. At 3rd year na kami naging magkaklase. So obviously, hindi ko alam ang personal na buhay nilang dalawa. Hindi kami ganun ka close. Buti na lang at sinagot naman ako ni Carlo.

"Diba kilala mo si Janine?"

"Oo, yung nasa kabilang section?"

"Oo sya nga. *hikbi*"

"Bakit ano meron sa kanya?"

"Jowa sya ni Dex.*hikbi*"

"Oh tapos?"

Matagal syang hindi sumagot. Actually hindi nya sinagot yung tanong ko. Nagulat na lang ako bigla at bigla nya na lang hinawakan ang kamay ko , sabay sabing...

"Sana nga ako na lang mahalin nya eh. Para di na sya masaktan *hikbi*"

Nagulat ako sa sinabi ni Carlo. May gusto sya kay Dexter? Oo,alam ko naman na hindi straight si Carlo. Pero bakit parang ang laki ng epekto sakin ng narinig ko? Bakit ramdam na ramdam ko? Bakit?
_________________

Carlo's POV

"Oy Sam?"

Nagulat ata sya.

"Oh Caloy?"

"Bat ka nakatulala dyan?"

"Ah,wala. May naalala lang ako"

"Ases. Naalala mo na naman ata yung jowa mong walang alam na jowa mo sya."

Kantyaw ko sa kanya..sabay tawa.

"Oo eh, mahal na mahal ko sya kahit di nya alam."

"Ba't di mo pa kasi sabihin Tay?"

"Nasabi ko na."

"Hah? Panong nasabi eh hindi nya nga alam diba?"

"Basta ,malalaman mo din soon."

"Kilala ko ba sya?"

"Kilalang kilala". With sarcastic face. Na mas lalong nagpagulo ng utak ko.

"Eh sino?"

"Basta. Wag mo na munang isipin malalaman mo din. Pagdating ng tamang panahon... Ng tamang panahon"

At inulit pa nya ang huling linya ng sinabi nya. Mas lalo tuloy gumulo isip ko. Pinabayaan ko na lang si Sam at di muna inisip ang mga sinabi nya. Dumating na kasi ang prof namin at sinabi na ang resulta.

"Congratulation guyz, you've all passed"

Yehey! Nakapasa kami. Ang saya saya namin,sa wakas nagbunga lahat ng pinagdaanan namin. Niyakap ako ni Dexter...

He Is Mine ❤ ( BxB )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon