9

2K 114 3
                                    

Dei

It's been a month since I started work for Mr. Samuel Gogna as the new resort manager. At dahil hindi pa matatapos ang paggawa ng resort, I was assigned to take charge sa hiring ng mga staff.

It's been a month din since the last time na nagawi ako sa may tabing sapa sa gitna ng kagubatan.

Bigla kong naalala ang lalaking naroon sa tabing sapa. Napangiti ako ng maisip ko ang kanyang mukha. Aaminin ko, ang gwapo niya. Mukhang hindi taga-lugar namin. Mukha siyang taga-Maynila. Base kase sa paraan ng kanyang pananamit ay makikita ang pagiging moderno at Manileño. Makikita ko pa kaya siyang muli? Hindi ko alam. Posible kayang hawak niya ang nawawala kong pouch? Hindi ko na kase ito nakita noong bumalik ako sa lugar. Naisip ko, kung sakaling nakuha niya iyon ay gagawa siya ng paraan para hanapin ako. Pero sa tingin ko, hindi siya mag-aaksaya ng oras na hanapin pa ang may-ari ng mumunting bagay na iyon dahil sa totoo lang, sino ba naman ako? Hindi naman ako kagandahan at lalong hindi ako maituturing na babaeng habulin. Imposible, sa gwapo ng taong yun ay hindi mag-aaksaya ng oras sa isang tulad ko. Malamang pinagtatawanan pa nga ako nun dahil nakagawa ako ng malaswang bagay. Bakit ba kase naisipan ko pang maligo ng mga oras na yun? At bakit siya naroon? Ang alam ko pag-aari iyon ng pamilya ni Sir Sam. Sino nagbigay sa kanya ng pahintulot na pumasok sa private property na yun. Kilala kaya siya ni Sir Sam?

Naisip ko tuloy, posible kayang magakagusto sa akin ang isang tulad niya? Naku, kinikilabutan ako sa mga naiisip ko. Huwag mag-ilusyon! Gaga, di ka maganda!

Ang sama ko sa sarili ko no? Pero totoo naman. Meron naman akong ilang manliligaw. Yun nga lang sablay. Bakit? E paano naman kase, yun isang manliligaw ko, si Badong, napakaharagan. Si Joel naman, tambay na nga, basagulero pa. Si Miguel, mama's boy. At ang pinakamatino, si Jeffrey, kaya lang napakababaero. So wala akong magustuhan kahit isa sa kanila. Ayoko. Hindi pa naman ako desperada. Kung sakaling tumanda akong dalaga, okay lang. Masaya naman ako kahit ganito ako. Kaya hindi ko dapat isipin yun lalaking yun dahil kahit kailan, hindi na kami magkikita pa.

•••••••••

RJ

After 48 years sa tagal, dumating din si Dad. Ipinakita ko kaagad sa kanya ang laman ng package.

"RJ, ano ito? Bakit bigla kang napatawag. Salamat anak dahil nakipagkita ka na rin sa akin."

"Dad, hindi yan ang sadya ko sayo, itong mga baro ng sanggol. Nakikilala mo ba yan?"

"Eto? Mga damit ng bata."

"Dad, akin ba yan mga yan? Tignan mo, may nakaburdang pangalan ko."

Napatingin si Dad kung saan naroon ang mga burda ng asul na sinulid. Bigla siyang natulala.

"Kanino mo nakuha ito?" Habang pinagmamasadan niya ang baro.

"May nagpadala sa akin ng package. Hindi kaya si Mommy ang nagpadala niyan?"

"RJ, si Mommy mo ang nagburda niyan. Natatandaan ko pa na habang pinagbubuntis ka niya, ginagawa niya yan. Hindi ako maaring magkamali."

"So ibig mo bang sabihin akin talaga ang mga damit na yan?"

"Oo, anak. Ang Mommy mo gumawa niyan."

Bigal kong naitanong sa kanya ang matagal ng bumabagabag sa akin.

"Mahal mo pa ba siya, Daddy?"

"Anak, matagal ng panahon na yun. Tapos na yun. Wala na ang mommy mo."

"Hindi. Alam ko buhay pa siya. Wala naman tayong nakitang bangkay o nitso man lang para malaman nating patay na siya."

"Pero anak, wala na Mommy mo."

"Paano mo nalaman? Pinahanap mo rin ba siya? Minahal mo ba ang mommy ko?"

"Anak, hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa Mommy mo. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya."

"Pero bakit ganun Dad? Bakit iniwan natin si Mommy?"

"Anak, alam mo naman diba. Kailangan kitang dalhin dito sa Maynila. Hirap na hirap tayo sa buhay. Si Lolo mo lang ang makakasalba sa atin."

"Pero bakit di natin isinama si Mommy?"

"RJ,  ayaw ng lolo mo. Hindi niya tayo tatanggapin kapag kasama ang mommy mo. Kailangan kong gawin yun."

"Pero ako? Nahirapan ako."

"Alam ko. I'm sorry anak. Sorry kase inalayo kita sa Mommy mo."

"Dad, galit na galit ako sayo. Lalo na nung pinatulan mo si Tita Malou."

"Anak, iniwan ko na si Malou."

"Kahit na Dad, kahit iniwan mo na siya. Si Mommy hindi na natin maibabalik."

"Anak, nagsisisi ako. Sorry sa mga nagawa ko. Patawarin mo na ako."

"Mapapatawad lang kita Daddy kung maibabalik mo si Mommy. Kung ipaglalaban mo na siya."

"Anak paano kung patay na siya."

"Alam kong hindi pa. Nararamdaman ko."

"Pero pinaimbestigahan ko na yan dati pa. Walang nangyari."

"Dad, hindi ba ang taong ayaw magpahanap ay mahirap hanapin?"

"Anak, uulitin ko paghahanap. Bubuuin ko uli ang pamilya natin. Mapatawad mo lang ako."

"E yun asawa mo? Paano siya?"

"Diba nga sinabi ko sayo, iniwan ko na siya. Ayoko na. Maniwala ka sana."

"Sana nga Dad ngayon may tapang ka na para ipaglaban si Mom."

"Sana anak."

Iyon lang at umalis na ako. Naiwan si Dad habang hawak pa rin ang mumunting damit nung sanggol pa ako. Nakita ko bago ako lumabas ng pinto ay hinagkan pa niya ito.

May sumilay na pag-asa sa akin. Alam kong makikita ko na uli si Mommy. Malapit na. Alam ko buhay pa siya.

A/N Last update for tonight. Bukas po uli. Sana magkaroon ako ng oras sa daming ng trabaho.








Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon