A/N The end is not always the end. It's also the beginning of something beautiful.
I hope you guys enjoyed the story as much as I am.
"I've waited all my life just to find the right person for me. And now that you're here, I want to spend the rest of my life with you. "
-Dei
This is the most significant day of our lives. Kinasal ako sa lalaking pinakamamahal ko. He waited for me til I'm ready.
Naalala ko tuloy yun araw na nagpropose siya. I was really sick then dahil nga pinuntahan ko siya sa condo niya to tell him I'm going to marry him na. Yun pala, wala siya doon at nagpunta na sa amin para yayain naman akong pakasal. Clichè diba? Nagkasalisi pa kami. Sabay kase namin narealize na that was the right time. Hindi kami mabubuhay ng wala ang bawat isa.
He proposed to me kahit naman di ko maidilat ang mata ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Natatawa nga sila Nanay dahil sinabi ni RJ na ipagpaliban na lang kinabukasan. Pero mapilit ako. Naku, wala na dapat ipagpabukas, mamaya ay magbago pa ang isip ng isa sa amin. And besides, gusto ko ng sagutin yun tanong. Feel ko kase na magtatapat na siya at yayayain akong magpakasal, kundi ba naman, kahit Huwebes pa lang ay nagpunta na siya sa Quezon.
Ako naman kahit hilo, pinilit kong maging malakas at harapin siya kahit sangkatutak ang sermon na bakit di ako tumawag na darating ako. Surprise nga kase diba? Ayun di na nagatubiling lumuhod sa harap ko at sinabing, pakasalan ko na daw siya para naman siya na ang mag-alalaga sa akin. Ako naman, oo agad ang sagot. Siyempre, ang gwapo kaya ng boyfriend ko.
Ngayon, eto na. Eto na yun araw. After 6 mos na pagiging engaged, magpapakasal na kami dito sa amin. Ang reception ay sa Resort. Payag naman si Sam. Sabi niya, basta para sa kay Richard at sa pinakamagaling niyang manager.
Speaking of Sam, buntis na si Patty. 4 mos na. Ang saya ko para sa kaibigan ko. Natupad din yun wish niya.
Sila Nanay at Tatay, ayun pumayag na tumira sa Maynila kasama namin habang pinapa-renovate ang bahay namin. Gusto ko kaseng maging komportable ang buhay nila kahit kasama ko na ang asawa ko.
Si Kuya at Ate Camille naman ay magmigrate na sa Canada. Natanggap kase si Ate sa Restaurant doon. Wala namang magawa si Kuya dahil mas magiging maganda ang buhay nila doon.
Si Paolo at Tinay naman, sila ang magiging head Manager sa resort pagkatapos kong magresign. Okay naman sa akin mag-resign dahil naranasan ko ng magtrabaho. Pero siyempre, gusto ko pa rin magtrabaho pagkatapos naming magpakasal. Payag naman ang asawa ko. Ayoko akseng maging dependent sa kanya. And gusto kong magtulong kami ni Kuya para mas mapagaan ang buhay nila Tatay.
So ano pa mahahanap ko? Wala na. Natagpuan ko na kase si RJ. Ang lalaking pinangarap ko at natupad.
☆☆☆
"I'm truly, madly, deeply in lve with you. And living without you is like taking away life itself. You are the air that I breathe. The sun to my day, the moon to my nights. The water that satisfies my thirst an the food that fills my strength. I love you, will you be my wife?"
-Richard
Ngayong araw ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Hindi lang mapapasa-akin ang babaeng pinakamamahal ko kundi, habang buhay ko ng maaangkin ang pagmamahal ni Dei.
Masaya sila Mommy at Daddy dahil I'm settling down. Sana daw ay huwag matulad sa kanila na naghiwalay. Hindi mangyayari iyon kase siguradong-sigurado na ako kay Dei.
On the way na sila Mommy at Daddy sa reconciliation. Napawalang bisa ang kasal ni Daddy kay Tita Malou dahil napatunayang mali at palsipikado ang mga dokumento sa kanilang kasal. Sa ngayon, masaya sila bilang magkaibigan. And hopefully ay maging mag-asawa uli. Pagkatapos ng matagal na paghihiwalay, sana marealize nila na mahal pa rin nila ang isa't-isa.
Si Sam naman ay malapit nang maging tatay dahil buntis na ang kanyang asawang si Pat. Naiinggit ako sa kanya pero naisip ko, malapit-lapit na rin yun sa amin ni Dei.
Ang negosyo ko ay lalong nakilala at lumaki. Lucky charm ko talaga ang nobya ko. Lahat ng blessing kase ay dumating sa buhay ko.
Wala na akong mahihiling pa. Kumpleto na ang pamilya ko. Pero mas makukumpleto pa ito kapag nag-I do na si Dei.
Kaya ngayon, eto naghihintay na ako sa harap ng altar. Pinapahid ang luha ko habang nakikita ko na palapit na ang kinabukasan ko. Ang magiging Mrs. Reyes ng buhay ko.
The End
A/N Tapos na sa wakas. I hope di kayo nabore sa bagal ng update at phasing. Wait for my upcoming stories here in Wattpad.
Ciao!
BINABASA MO ANG
Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)
FanfictionA Maichard AU story. Richard James Reyes, a rich playboy meets Dei Capili, a simple girl. Find out the twist to this Love-Hate Relationship founded in the secluded paradise in the South. Disclaimer: This is an experimental project I've been workin...