RJ
Kahit gusto kong manatili kala Dei pagkahatid ko sa kanya ay pinilit niya akong bumalik muna sa resthouse ni Sam.
Kung pwede lang akong manatili na lang dito sa probinsiya ay ginawa ko na. Kaya lang nasa Maynila ang negosyo ko. Nakakaramdam na ako ng lungkot dahil ilang oras na lang ay babalik na ako sa Maynila. Alas sais ng umaga kinabukasan ay bibiyahe na ako para makarating ako sa opisina ng alas diyes ng umaga.
Nang maghahapon na ay bumalik ako kala Dei. Susulitin ko na ang oras na magkasama kami.
Okay lang naman sa magulang niya. Doon na nga ako pinakakain ng hapunan. Nagdala rin kase ako ng dalawang letsong manok para mapagsaluhan namin sa hapunan. Balak ko kaseng manatili kala Dei hanggang hatinggabi. Kahit na mapuyat ako, basta kasama ko siya.
Mahirap nga talaga ang magkahiwalay kayo ng mahal mo,pero kakayanin namin ito. Tuwing Biyernes ay uuwi ako dito sa Quezon, tutal may dahilan naman akong manatili dito dahil hindi pa tapos ang resort na pinagagawa ni Sam. Sinabihan din naman ako ni Sam na ayos lang sa kanya na manatili ako sa resthouse niya dahil wala na naman siyang kamag-anak ang pumupunta sa kanila dahil nasa ibang bansa na lahat ang mga ito. Siya na lang daw ang nasa Pilipinas dahil nais daw niyang magtayo ng resort dito sa probinsiya nila.
•••••••••
Nag-uusap kami ni Dei sa may kubo ng lumabas ang tatay niya para magyaya ng hapunan.
Pagkatapos ng hapunan ay niyaya ko si Dei na lumabas kami para bumili ng ice cream sa may bayan. Wala akong dalang sasakyan kaya sumakay kami ng tricycle. Mas mabuti na rin ito kase mas nakakalapit ako kay Dei dahil sa liit ng sidecar ay magkadikit kami.
"Mahal, anong flavor ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
"Parang gusto ko yun bago ng Magnolia. Yun iniendorse nung AlDub. Mukhang masarap."
"O sige. Pero tatlo yun, ano dun?"
"Yun avocado. Kakaiba nag kulay. Mai-try."
"Sige, mahal, ika2 ang masusunod."
Pagkabili namin ng ice cream at apa ay bumalik na kami sa kanila. Pinagsaluhan namin ng mga Nanay niya ang ice cream.
Nanatili na lang kami sa kubo dahil mas may privacy kami roon kaysa sa sala nila kung saan doon natutulog ang Tatay niya. Binabantayan daw niya ang bahay at baka may pumasok na magnanakaw o rapist.
"Mahal, mamiss kita.." Sabi ko sa kanya.
"Ako din. Pero diba babalik ka naman?"
"Oo mahal. Kada Biyernes ng gabi nandito na ako. Dito ako kakain sa inyo. Hintayin mo ako ha. Sabay tayo lagi maghapunan."
"Oo naman. Pero agahan mo. Baka naman alas dose na ng madaling araw wala ka pa. Baka naman mamatay na ako sa gutom."
"Hindi, aagahan ko, promise."
"Okay."
"Mag-ingat ka ha! At saka bawal may umakyat ng ligaw."
"Oo naman. Wala ng tatanggapin na manliligaw dito. Pangako."
"Text mo ako palagi. O kaya Facetime."
"Ha? Text lang. Di pa high tech ang phone ko."
"Bili kita pagbalik ko, bigay ko sayo."
"Ayan ka na naman!"
"Sige na. Please? Regalo ko naman sa iyo. Tanggapin mo na!"
"Meron naman akong cellphone a!"
"Gusto ko kase makita kita. Please, bawal humindi."
"Bahala ka na nga!"
"Okay. Ako na bahalang bumili. Basta kahit ano, tatanggapin mo ha! Teka, picture tayo para lagi kong titignan pag magkalayo tayo."
"Ang corny mo!"
"Di bale, mahal mo naman ako."
"Oo na. Uwi ka na. Anong oras na o? Gabi na. Matulog ka na, maaga ka pa bukas."
"Ayoko pa! Kiss muna tayo."
"Andyan si Tatay. Tanaw tayo dito. Baka mapagalitan pa ako."
"Hindi yan. Sige na, isa lang."
"Para kang bata. Sige isa lang pero uuwi ka na para makatulog na rin ako, maaga pa pasok ko bukas."
"Sige po. O kiss na."
Idinampi niya sa labi ko ang labi niya. Hindi ko naiwasan na diinan at hawakan siya sa pisngi. Para tumagal ng kaunti.
Paghiwalay namin pagkatapos ng halik ay kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito.
"Mahal, huwag kang mag-iisip ng mga bagay- bagay. Hindi kita lolokohin, kahit magkahiwalay tayo. Pangako, ikaw lang. Hindi ako titingin sa iba."
"Pangako?"
"Oo naman. Pangako!"
"Mahal, mag-iingat ka doon sa Maynila ha?"
"Siyempre! Alam kong hihintayin mo akong umuwi dito sayo. Ikaw din mag-iingat. Text mo ako pag may problema. Dadating ako."
"Ano ka ba? Ayos lang ako dito. Ikaw ang mag-ingat. Magdrive ka pa. Basta mag-ingat ka mahal."
"Para sayo.. mag-iingat ako."
Pagkatapos ng mahaba-habang paalaman ay umuwi na rin ako. Nangako ako na bago ako umalis kinabukasan ay dadaan ako sa kanila para magpaalam sa kanila Tatay at Nanay.
Malungkot ako, kase halos isang linggo ko siyang hindi makikita pero ipinapangako ko, siya lang ang iispin ko. Ang mamahalin ko. Hindi ko sisirain ang pagtitiwalang ibinigay niya at ng magulang niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)
FanfictionA Maichard AU story. Richard James Reyes, a rich playboy meets Dei Capili, a simple girl. Find out the twist to this Love-Hate Relationship founded in the secluded paradise in the South. Disclaimer: This is an experimental project I've been workin...