Dei
Maaga akong gumising. Tulad na lang kapag nasa Quezon ako. Nagluto na ako ng almusal. Si RJ naman ay tulog pa. Napasarap siguro ng tulog. Kakapagod din kase ang biniyahe namin.
Nang magising siya ay humalik muna siya sa noo ko.
"Mahal, magshower na ako. Kakain ako pagkatapos."
"Sige. Mag-ayos na rin ako. Idadaan mo ako kala kuya e."
"Sige. May kailangan ka pa ba na toiletries?"
"Wala naman. Kumpleto na yun gamit sa CR. Bilisan mo na lang at lalamig yun pagkain mo."
"Okay. Love you."
Pagkatapos naming maligo ay nag-almusal lang ng konti si RJ. Di daw siya sanay kumain kapag umaga. Sa office na daw siya kakain dahil idadaan pa niya ako kala Kuya.
Malapit lang naman ang apartment nila kuya sa office nila RJ kaya hindi siya malate papasok.
Nagkamustahan kami ni Ate Camille. Nagpasama siya na mamili ng gamit ng bata. Naiinggit ako kase masaya pala ang namimili ng mga baro ng bata. Lalaki daw ang magiging pamangkin ko base sa ultrasound niya. Excited na ako.
Pagkatapos mamili ay kumain kami ng lunch ni Ate sa mall.
"Pagod ka na ba,Ate?"
"Okay lang naman. Baka gusto mo nang umuwi?"
"Hindi pa naman. Pahinga lang tayo ng konti at ng makagala pa. Saka sabi naman ng OB ko, dapat nga daw maglakad-lakad ako para madaling manganak."
"Sige. Sabihin mo kung gusto mo ng umuwi ha."
"Di ka ba mamimili ng kailangan mo sa trabaho? I mean ng mga damit."
"May uniform kami. Siguro yun pasalubong na lang kala Tatay. Pero bago na lang ako umuwi sa Saturday."
"Okay. So ano, tara na! Para makarami."
"Tara."
Naglakad-lakad pa kami ni Ate Camille ng may madaanan kaming ale na nahihirapan sa pagbuhat ng mga pinamili niya.
"Maam, gusto po ba ninyo ng tulong? Ang bigat ng dala ninyo. Wala po ba kayong kasama?"
"Iha, naku salamat, okay lang ako. Nawala kase yun driver ko. Patulong na rin."
"Sige po. Saan po ba kayo pupunta?"
"Kahit diyan na lang sa may resto na yan. Doon ko na lang hintayin yun driver ko."
"Sige po."
"Ano nga palang pangalan mo, iha?"
"Dei po. Dei Capili."
"Ako nga pala si Rose. Rosario Reyes. Tita Rose na lang itawag mo sa akin, Dei."
"Reyes?"
"Bakit anak?"
"Si RJ? RJ Reyes? Kilala po ba ninyo siya?"
"Ha? Paano mo nakilala si RJ?"
"Boyfriend ko po siya."
"Anak ko siya. Nasaan na siya?"
"Tita, matagal na kayong hinahanap ng anak ninyo."
"Talaga Dei?"
"Opo. Pinapahanap po niya kayo. Alam ko mase lagi niya kayong ikinukwento."
"Dei, gusto kong makita ang anak ko."
"Sige po. Tatawagan ko po siya agad."
"Sandali, gusto kong isorpresa siya. Matagal ko na siyang hinahanap. Gusto kong maging maganda ang muling pagkikita namin."
"Sige po Tita Rose. Pero saan po kayo nagmula? Bakit po hindi ninyo alam na sikat ang anak ninyo sa business?"
"Hindi ako marunong gumamit ng mga Facebook na yan anak. Hinahanap ko siya simula noong nagkapera ako. Nagtrabaho kase ako sa London bilang DH at doon nakakilala ako ng matandang mayaman na nag-alaga sa akin. Ipinamana niya ang lahat ng kayamanan niya sa akin noong mamatay siya. Bago ako nakabalik dito, kailangan ko munang ayusin ang mga ari-ariang iniwan niya dahil marami ang nag-iinteres. Pero di sila nagtagumpay. Ipinagkatiwala kase sa akin ni Don Emilio ang lahat dahil alam niyang nagmamalasakit ako sa mga tauhan niya. Kung mapupunta kase iyon sa maling kamay, malamang na mawalan ng trabaho ang mga tauhan niya. Last year lang ako nakabalik pero bumabalik din ako sa London dahil sa mga negosyo ko doon. Si Rj, gusto kong siya ang mamahala ng lahat ng iyon."
"May nagpadala po kay RJ ng mga baru-baruan ng sanggol. Ang alam po niya ay kayo ang nagpadala. Kayo po ba ang nagpadala nun?"
"Anak, hindi ko ginawa yun. Marahil may gumawa nun dahil may masamang balak. Gusto niyang pahirapan ang anak ko."
"Naku kailangan po ninyo kausapin si RJ. Para malaman niya na hindi kayo ang nagpadal nun."
"Tulungan mo ako, Dei. Gusto ko ng makita si RJ. Please lang anak."
"Opo. Gusto ko na rin pong lumigaya ang anak ninyo."
Masaya ako na ako pa ang nakatagpo sa Mommy ni RJ. Alam kong magiging lubos na ang kaligayahan niya.
BINABASA MO ANG
Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)
FanfictionA Maichard AU story. Richard James Reyes, a rich playboy meets Dei Capili, a simple girl. Find out the twist to this Love-Hate Relationship founded in the secluded paradise in the South. Disclaimer: This is an experimental project I've been workin...