18

1.7K 115 1
                                    

RJ

After 5pm inihatid ko muna si Dei sa kanila. Hindi na niya ako pinapatuloy dahil siya na lang daw ang mag-papaalam sa mga magulang niya. Ayaw daw niya kaseng isipin na date ang pupuntahan namin. Pero nagpumilit ako. Ayokong may tinatago sa mga magulang niya kase ayokong isipin nila na hindi ako seryoso kay Dei. Maayos naman silang pumayag. Ingatan ko lang nga daw ang anak nila. Isa pa, umuwi daw kami ng maaga kahit naman Biyernes ay madami daw gawaing bahay si Dei kinabukasan. Ayos lang naman sa akin kase ganun naman talaga ang mga katulad ni Dei, masunurin sa magulang at masipag na dalaga. Lalo tuloy akong napahanga sa kanya.

Paguwi ko bago dumating sa resthouse ni Sam, dumaan muna ako kala Engineer Jose para alamin kung ano ang mga nangyari sa site. Okay naman daw. Mabilis naman ang trabaho base sa nakita ko. Pagkatapos ay umuwi na ako sa resthouse para magpahinga ng konti. Bago maligo ay ipinahinga ko muna ang katawan ko. Dinner naman ang double date namin nila Sam kaya kaya pang magpahinga. Mga 7pm daw ay sunduin ko na si Dei, sabi ni Sam. Ipapakita daw niya sa aking ang isang magandang hotel and restaurant sa may mataas na bundok. Sinigurado kong maganda ang lugar dahil ayoko namang mapahiya kay Dei. Although alam ko na karaniwan sa mga ganitong probinsiya ay bibihira ang magandang kainan. Lamang ang mga resort.

Mga bandang alas- sais ay naligo na ako at nag-ayos. Pinili ko na lang isuot ang brown khaki pants ko at isang light blue button down polo. Nagsuot ng puting chucks. Typical na Manileño ba ang dating. Gusto kong maimpress si Dei.

Bago mag-alas siyete ay sinundo ko na si Dei. Naghintay lang ako ng konting sandali dahil maya-maya ay lumabas na rin  ito sa kwarto niya.

Ang gandang babae talaga niya. Naka-simpleng bulaklaking bestida lang siya na lagpas tuhod at nakasuot ng doll shoes. Masasabi kong maganda na siya kahit simple lang pero lalo na siguro kapag mabihisan ng mga mamahaling damit. Pero mas gusto ko siya ng simple dahil mas lutang ang kagandahan niya. Hindi ko na nga mapigilan ang lalong mainlove.

"Tara na?" Bati niya.

"Ah sige. Tay Dodong, Nay Sally, aalis na po kami." Paalam ko.

"Ingatan mo yan batang yan ha!" Sagot naman ni Tatay Dodong.

"Opo. Makakaasa po kayo. Iuuwi ko po siya agad."

"Salamat, RJ. Ikaw na bahala. Sige, humayo na kayo at baka gutom na yan. Di pa yan naghapunan." Sabi naman ni Nanay Sally.

"Tuloy na po kami, Nay, Tay. Pakisabi na lang kay Kuya at kay Ate Camille. Baka kase naiinip na sila Patty."

"Sige anak. Mag-ingat kayo ha." Sabi ni Tatay Dodong.

At umalis na kami. Sumakay kami sa kotse ko kase medyo malayo daw ang lugar. Doon na lang daw kami magkita at susunduin pa ni Sam si Patty. Itinuro naman niya sa akin kung saan banda. Isa pa may Waze naman ako e. Makikita din naman namin yun.

Ipinagbukas ko siya ng pinto at pinasakay bago ako pumasok.

"Seatbelt." Sabi ko.

"Sorry. Oo nga pala."

Hindi niya maikabit. Baka hindi siya sanay kaya ako na ang naglagay. Habang nilalagay ko yun seatbelt sa kanya ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa lap niya.

"Okay na.  Pwede na siguro tayo umalis? Tara?" Sabi niya na nag-iwas ng tingin.

"Ay, oo. Sorry. Ang ganda mo kase e. Hindi ko mapigilang mapatitig."

"Okay lang."

Nagdrive na ako papunta sa lugar. Paminsan-minsan ay napapatingin sa kanya dahil tahimik lang siyang nagmamasid sa labas ng bintana.

Ang ganda-ganda talaga ni Dei.
Bagay siyang maging asawa ko.

A/N Sorry short!

Gonna try to update later yun POV ni Dei. Maganda mamaya ang DTBY.


Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon