24

1.8K 125 5
                                    

RJ

We had fun during the rrst of the day after ng aming maliit na pagtatalo sa villa. Nag-island tour kami and nagjetski. She was the simplest girl I've known. Walang reklamo kahit naiinitan. Hindi daw siya nagswi-swimsuit. Malayo daw yun sa prinsipyo niya sa buhay. Typical probinsiyana si Dei. And I like her that way. Hindi revealing and lalong hindi maharot. Parang regalo na ang sarap buksan. Pero siyempre hindi pa ngayon. Malaki ang respeto ko para kay Dei, and I'm willing to wait for her.

During the dinner, she was wearing a simple sundress. Bumagay sa kanya ang kulay dilaw na bestida. Hindi niya lang alam na humaling na humaling ako sa kanya. She was unassuming. Tinititigan ko ang bawat galaw niya. At sa bawat kilos niya, alam kong hulog na hulog na ako.

While eating, sinimulan ko na siyang tanungin. Pero mahirap pumili ng mga salita. Sa tipo ni Dei, siya yun hindi nakukuha sa pagpapacute. Hindi rin umi-effect ang dimple magnet ko. Ang hirap.

"Dei, sabi mo sasagutin mo na ako. Ano ng sagot mo?"

"Nagmamadali ka?"

"Hindi naman. Hindi na kase ako makapagpigil, gusto kong hawakan yang kamay mo."

"Kamay lang pala. O yan hawakan mo na."

"Sige. Sinabi mo yan.. So ibig sabihin sinasagot mo na rin ako?"

"Feeling ka! Pero, sige na nga. Pinapatagal ko pa e doon din naman pupunta ang lahat."

"Saan pupunta?"

"Naku! Ang hina mo talaga!"

"So tayo na?"

"Magkasama tayo, oo!"

"I mean tayo na? Magshota na ba tayo?"

"Kakainis ka!"

"Linawin mo kase. Natotorpe na nga ako o!"

"Kelan? Ang kapal kaya ng mukha mo!"

"Hindi naman. Ayaw lang kitang maagaw ng iba."

"So nagmamadali ka?"

"Pwede rin."

"RJ, pasensiya ka na at umaandar yun typical na pagiging probinsiyana ko. Pero, naisip ko rin, ganun din naman yun. Bakit ko la patatagalin? Gusto naman kita. Nakita ko naman ang small efforts mo. And isa pa, pasado ka na sa mga Nanay at Tatay ko. Kiber na yun iba kung isipin nilang mabilis tayong naging tayo. Kaya sige, OO na sagot ko."

"Yes! Tayo na ha! Niyakap ko siya. Hinalikan ko sa buhok.

"Sandali. Makinig ka muna."

"Walang bawian! Ano yun, mahal? Ituloy mo." May term of endearment na ako.

"Basta siguraduhin mo, hindi mo ako lolokohin dahil kapag ginawa mo yun, hindi ka na makakatuntong sa lugar namin kahit kailan. Hahabulin ka ng itak ng tatay ko!"

"Hindi mangyari yun! Pangako!"

"Huwag kang mangako! Mamaya hindi mo naman tuparin."

"I'll show you, mahal. Hindi ka magsisisi na sinagot mo ako."

"Siguraduhin mo yan!"

"Opo."

"Ano itawag ko sayo?"

"Mahal din!"

"Di ba corny?"

"Hayaan mo na. Ganun talaga ata sa pag-ibig. Corny at cheesy!"

"Okay"

"Mahal?"

"Ano?"

Pinaghawak ko ang mga kamay namin. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya. Ninenerbiyos yata.

"Ninenerbiyos ka?"

"Medyo! Bilis mo kase manligaw."

"Wala naman sa tagal ng panliligaw yun. Kung mahal mo, dapat ipakita mo."

"Kunsabagay. Basta huwag mo na ulitin yun pagbili ng gamit para sa akin."

"Tanggapin mo na kase. Tapos hindi ko na ulitin. Sayang naman yun. Hindi ko naman iniinsulto yun pagkatao mo. Mahal lang nga kase kita kaya naisip ko, parang yun ibang babae, gusto nila yun ipinagsho-shopping."

"Teka,ilan na ginawan mo ng ganun?"

"Huy, ikaw pa lang ha!"

"Weh?"

"Hindi nga! Sinabi ng naisip ko lang na regaluhan ka!"

"Basta, ipamigay mo!"

"Remebrance natin yun ng araw na  sinagot mo ako. Huwag mo ng ipamigay."

"RJ, nakakahiya!"

"Hindi nakakahiya. Para sayo yun!"

"Basta!"

"Magtatalo ba tayo dahil doon?  Basta tanggapin mo and sa susunod, hindi ko na ulitin. Pinag-isipan ko nga ng husto yun."

"Ang kulit mo."

"Mahal naman kita."

"Oo na. Sige na pero huwag mo ng ulitin ha."

"Okay. Alahas na lang ibili ko sayo."

"Gago! Sinabi ng ayaw ko."

"Basta. Part yun ng pakikipagrelasyon. Hindi masama na magregalo ang lalaki sa babae."

"Alam ko. Pero sa estado natin, anong isipin ng iba?"

"Huwag mo silang intindihin. Mahal kita kaya ginagawa ko yun. Kumikita ako ng malaki, bakit hindi pwedeng ipamper ko ang girlfriend ko na mga magagandang bagay?"

"Pero ayoko nga kase ng ganun."

"O sige na. Hindi na lagi. Minsan na lang. Okay na yun. Tama na yun topic."

Inirapan lang ako.

Tumabi ako sa kanya at inakbayan siya. Ang sarap ng pakiramdam ng may girlfriend. Ganito pala kasaya yun. Buti na lang sinagot na niya ako. Pero alam ko, madami kaming mga simpleng bagay na pag-aawayan. Pero,dapat mas habaan ko pa ang pasensiya ko. Kase, wala na akong makikilalang tulad  ni Dei. Nag-iisa lang siya dito sa isip at puso ko.





Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon