15

2.3K 133 5
                                    

RJ

Kinakabahan talaga ako sa pagpunta ko sa bahay nila Dei. Pero nung nakilala ko na ang magulang niya, lalo na ang tatay niya ay nahimasmasan na ako. Hindi naman pala mahirap kausap ang mga ito. Although yun nanay niya at kuya ay mukhang hindi naniniwala sa akin, pero dahil ang tatay na ni Dei ang nagsalita, hindi na sila nakiaalam. Alam kong kailangan ko pa rin silang suyuin. Dapat ko pa ring patunayan na tapat ako sa gagawin kong panliligaw kay Dei.

Mag-alas diyes na nang gabi ng magpaalam akong uuwi na. Naglakad lang ako papunta sa bahay nila dahil malapit lang naman. Pero bago ako umalis ay kinausap ko muna si Dei.

"O ayan nagawa ko na yun sinasabi mo, siguro naman naniniwala ka na."

"Sir RJ, sa kanila oo pero ako hindi pa rin ako kumbinsido."

"Huwag mo na akong tawaging Sir. Paano ako makakapanligaw sayo kung Sir pa rin ang itatawag mo? Hindi magandang pakinggan."

"Bakit ba? E yun naman dapat kase boss ka rin. Isa pa sign ng paggalang yun."

"Basta huwag na. Please.."

"Oo na. Uwi ka na. Gabi na. Baka mapaano ka sa daan."

"Wow concern ka sa akin? Kinikilig naman ako."

"Huwag ka nga. Kahit sino pumunta dito, ganun din sasabihin ko."

"May pumupunta dito?"

"Oo naman. Akala mo ba sa akin pangit? May mga manliligaw din ako. Actually lahat sila pinayagan nila Tatay."

"Ha? So ano? Hindi pa pala ako makakalusot!"

"Hahaha.. Siyempre paghihirapan mo pa. Tandaan mo madami ka pang kalaban."

"Mga ilan?"

"Mga apat?"

"Pwes mananalo ako! Ako kaya pinaka-pogi!"

"Ang yabang! Hindi naman dahil sa pogi ka ikaw na mananalo. At saka dalawang araw pa lang tayo nagkakakilala, alangan namang sagutin kita agad. Hindi tama!"

"Hindi ko naman sinabing sagutin mo ako kaagad. Pero sana sagutin mo na ako bukas."

"Pag-iisipan ko."

"Huwag matagal ha!"

"Bakit? Naiinip ka na agad?"

"Hindi sa ganun! Ayoko lang na umaligid pa dito yun ibang barakong manliligaw mo! Ako lang dapat ang pumupunta dito!"

"Seloso ka pala Sir?"

"Sir na naman!"

"RJ pala."

"Oo. Seloso ako. Eh ikaw? Selosa ka rin ba?"

"Ako? Di ko pa na-experience magkaboyfriend. Kaya di ko alam kung selosa ako o hindi. Malaman pagsinagot ko na yun isa sa manliligaw ko."

"Sagutin mo ako para malaman mo!"

"Hay naku, ako niloloko mo! Umuwi ka na nga! May pasok ka pa bukas."

"Sunduin kita dito. Ipapaalam na kita kay Sam."

"Huwag huy! Madami akong trabaho. Nakakahiya sa mga kasamahan ko."

"E di sasamahan kita sa office."

"Ano ka ba? Wala ka bang gagawin? Magtrabaho ka kaya muna!"

"Ako ang boss dun. Sila na bahala dun. Babakod muna ako."

"Grabe, Engineer ka nga. Nagtatayo ka ng bakod! Hahaha!"

"Mahirap na baka masalisihan. O sige na, pasok ka na. Malamig na o. Kaya ko na ito mag-isa. Malapit lang naman ang resthouse."

Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon