Dei
Simula ng makilala ni RJ ang pamilya ko, inaraw-araw na niya ang pagdalaw. Kapag umaga ay inihahatid niya ako sa opisina at tuwing hapon, pagkatapos ng trabaho ko ay sinusundo naman niya ako. Kaya di malayong nakuha niya ang loob ng mga magulang at kuya ko. Magkasundung-magkasundo na sila nila Tatay. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay tanggap nila si RJ kahit naman hindi pa kami magkasintahan.
Sila Kuya, pagka-isang linggo ay bumalik na sa Maynila. Tapos na kase ang leave niya.
Si RJ naman ay malapit na ring bumalik sa Maynila dahil dalawang linggo lamang talaga siyang mananatili dito sa probinsiya namin. Ramdam ko na paunti-unti ang pagkalungkot sa isiping malapit na siyang bumalik sa Maynila. Dahilan kaya hindi ko maibigay ang sagot na hinihingi niya, kahit batid niya na gusto ko rin siya. Hindi na rin kase ako kumokontra kahit ipinagsasabi niya sa mga kaopisina ko na kami na. Pero yun nga lang, hindi ko maisip kung paano ko kakayanin yun ganoong set up. Parang mahirap. Sinabi ko na lang sa sarili ko na pag-iisipan kong mabuti muna bago pumasok sa isang relasyon.
••••••••
Apat na araw bago bumalik si RJ sa Maynila ay niyaya ako ni RJ pumunta sa kabilang bayan. May maganda kaseng resort doon. Ayoko nga sana kaya lang pinilit ako ni Tatay na sumama. Nakapagpaalam na daw kase si RJ.
"Dei, ano bang problema at ayaw mong samahan si RJ?" Bungad ni Tatay.
"Tay, sa lahat ng ama, ikaw itong nagtutulak pa sa aking makipag-date."
"Anak naman, hindi sa ganun, kaya lang ilang taon ka na? Bente-dos ka na. Tapos na rin, pero wala ka pa rin nagiging boyfriend." Paliwanag ni Tatay na ikinataas ko ng kilay.
"Tay, choice ko kase yun. Isa pa, hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho, magboyfriend na agad?"
"Iba yun trabaho, iba yun pagnonobyo. Gusto lang kitang maging masaya."
"Masaya naman ako ah. Kasama ko kayo ni Nanay."
"Makulit. Iba kami ni Nanay mo sa Nobyo. Ang pagmamahal namin sayo, pagmamahal ng magulang. Pero ang pagmamahal ng nobyo, iba rin."
"Bakit nga ba kase kayo nagmamadali? Bata pa naman ako."
"Gusto lang kitang sumaya. Alam ko naman na gusto mo rin si RJ. At isa pa, mapapalagay ang loob namin ni Nanay mo kapag kayo ang nagkatuluyan, kaya ka niyang bigyan ng magandang buhay."
"Tay, huwag po ninyong sabihin yan. Di naman po pera ang habol ko. Kaya nga rin po hindi ko masagut-sagot kase sa estado ng buhay natin."
"Alam ko. Pero pangarap namin ng Nanay ninyo na gumada ang buhay ninyo."
"Salamat po Tatay, pero ayoko magmadali. Gusto ko munang subukan kung kakayanin ko yun matagal na hindi namin pagkikita."
"Ikaw ang bahala. Basta anak, boto na ako kay RJ."
"Kayo tatay, ano yun, eleksiyon? May botohan talaga?"
"Ikaw na bata ka talaga! Halika, dito!" Niyakap ako ni Tatay na parang bata. Ramdam ko ang pagmamahal ng Tatay ko. Alam kong nais lang niya akong mapabuti, kaya lang sa mga ganitong usapan, hindi dapat nagpapadalus-dalos. Dapat pinag-iisipang maige.
•••••••
RJ
Malapit na akong bumalik sa Maynila. At ngayon nararamdaman ko na yun tinatawag na anxiety attack. Ayoko pang bumalik pero kailangan kase nandun ang negosyo ko at pati na rin ang paghahanap kay Mommy ay kailangan kong asikasuhin kahit nandun si Daddy.
Kaya naisipan kong yayain si Dei sa kabilang bayan. May nadiscover kase akong resort na maganda doon. Nakita ko ito isang araw matapos kong ihatid si Dei sa opisina ni Sam ay napagpasyahan kong mamasyal. Hindi naman ganun kalayo kase isang oras lang ang biyahe. Actually exclusive ang lugar sa mga members ng club ngunit dahil nakilala ako ng Manager ay binigyan niya ako ng privilege na makapag-check in. Wala akong sinayang na oras kahit naman hindi ko pa pormal na nakakausap si Dei. Bahala na.
Kinutsaba ko si Tatay Dodong na kausapin si Dei. Niyaya ko pa nga sila ni Nanay Sally na sumama kaya lang tumanggi ito dahil may trabaho daw sila sa Hacienda ng araw na yun. Basta daw ingatan ko ang dalaga nila ay pumapayag siya. Si Tatay Dodong talaga ang kinausap ko kase alam kong boto sa akin ang ama ni Dei. Kapal lang diba, pero ramdam ko na ayon siya sa akin kaysa sa ibang manliligaw ni Dei dahil naikwento niya ang mga ito. Masaya ako. Si Dei na lang ang kulang.
Sinundo ko siya sa opisina ng hapon din iyon at binanggit ko na ang balak ko. Noong una ay ayaw niya. Ngunit dahil kinausap siya ni Tatay Dodong ay napapayag siya.
"Oo na, sasama na ako. Kundi lang mapilit si tatay,naku!" Sabi niya habang nakapout.
"Wala nang bawian. Sasama ka na. So Saturday Morning tayo aalis ha."
"Ano ba kailangan isuot dun? Alam mo naman puro daster lang ang damit ko."
"Kahit ano. Basta kasama kita. Huwag mo ng problemahin yun."
"Naku, baka lumabas akong kahiya-hiya. Hindi ako nababagay sa mga lugar na ganun!"
"Basta kung yan ang problema mo, ako na bahala."
"Hay, tapos ako kawawa."
"Hindi ko hahayaan yun! Mahal kaya kita. Kaya aawayin ko mga mang-aapi sayo."
"Ewan ko sayo. Bilis mong mainlove! At isa pa, kaya ko sarili ko no!"
"Okay. Basta sarili mo na lang ang dadalhin mo. Ako na bahala sa lahat."
Ang hirap talagang pilitin ang babaeng ito. Ang daming insecurities. Kaya maingat din ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ko dahil baka kung anong isipin. Ayokong magkaroon ng dahilan para iwasan niya ako. Hindi pa nga ako sinasagot mawawala pa.
Pero, bago ako umalis at bumalik pa-Maynila, kailangang mapasagot ko na siya. Para pagbalik ko sa Maynila ay may baon ako masaya at magandang balita.
Sasagutin na ba o hindi? Kung kayo ang tatanungin, ano gagawin ninyo?
Pasensiya na pero kung ako ang tatanungin, nangingibabaw pa rin ang pagpapahalaga sa pamilya. Kaya urung-sulong ako kung sasagutin na ni Dei si RJ..
Pero let's see!
BINABASA MO ANG
Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)
FanficA Maichard AU story. Richard James Reyes, a rich playboy meets Dei Capili, a simple girl. Find out the twist to this Love-Hate Relationship founded in the secluded paradise in the South. Disclaimer: This is an experimental project I've been workin...