Dei
We're on our way home pabalik sa Quezon, miss ko na sila Tatay. Kasama namin ang Mommy ni RJ dahil gusto daw nitong makilala sila Tatay.
Masaya ako dahil kahit papaano ay naaayos na ang problema ni RJ. Sabi naman kase ngvDaddy niya na siya na ang haharap at kokompronta sa asawa niya.
Nagtiwala naman sila Tita Rosa at RJ na gagawin niya ang parte niya.
Pagdating sa Quezon ay dumiretso kami sa bahay. Ipinakilala ko si Tita Rosa kala Tatay.
"Naku, napakabait po ng anak ninyo." Sabi ni Tita kay Nanay.
"Tinuruan po talaga namin siyang maging mabuti sa kapwa niya. Iyan ang laging paalala namin ng Tatay niya." Sagot ni Nanay.
"Gusto ko na po talaga siya para sa RJ ko. Kung mamarapatin ninyo ay ako na ang humihingi sa kamay ng anak ninyo. Napakabagal kase nitong anak ko." Sabi na ni Tita.
"Hindi po kami makakatanggi. Pero nasa mga bata po ang desisyon." Sabi naman ni Tatay.
"Mom, kayo talaga, hindi ko la tinatanong si Dei, mamaya matakot yun kapag ginawa ko." Narinig kong sinasabi ni RJ habang ako ay nasa kusina.
"Iho, ano bang balak mo sa anak ko?"
"Tay, kung mamarapatin gusto ko sanang pakasalan na si Dei kaya lang ay hindi pa siya handa dahil gusto daw muna niyang magtrabaho. Ayoko naman pong pilitin."
"Naku, RJ iho, ganyan yang batang yan. Pero huwag kang mag-alala mahal ka ni Dei." Sagot pa ni Tatay.
"Alam ko po. At handa naman po ako maghintay sa kanya."
"Mam Rosa, nagagalak po talaga kami na nadalaw kayo dito sa amin. Maliit lang din kase itong tinitirhan namin." Sabi ni Nanay.
"Kung di po ninyo alam, dati rin akong probinsiyana. Sinwerte lang po ako nakapunta sa London, pero kung ako po ang masusunod, gusto ko sa probinsiya." Kwento ni Tita.
"Totoo po iyan. Masarap talaga dito. Di tulad sa Maynila, maingay na dahil maraming tao. Hindi pa halos magkakakilala. Di tulad dito, halos lahat ng kasalubong mo ay kilala mo at ang mga tao dito ay nagtutulungan." Sabi naman ni Tatay.
"Tama kayo diyan. Kung magpapakasal na itong dalawa, gusto ko sana na may resthouse sila sa probinsiya tulad dito. Sana nga ay magkasundo na kayo ni Dei, RJ." Sabi naman ni Tita.
Kinikilig ako sa usapan. Hindi man pa ako handa sa kasal pero if in case yayain ako ni RJ ay papayag ako. Yun nga lang alam niya na mas gusto ko pa munang magtrabaho. Para naman makatulong ako sa mga magulang ko.
"Sally, Dodong, kung sakaling magpakasal ang dalawa, pwede bang sumama kayo sa kanila. Gusto ko kase na kasama pa rin kayo ni Dei. Alam ko kaseng mahal na mahal kayo ni Dei."
"Naku, ayos lang po kami dito. Hindi na namin kakayanin tumira sa Maynila. Nasanay na kase kami sa buhay probinsiya. Yun pagdalaw nila ay sapat na." Sabi ni Tatay.
"Pero RJ, kapag nagpakasal kayo, dapat dadalaw kayo dito." Sabi ni Tita kay RJ.
"Mom, di na kailangan sabihin yan. Tay, Nay pangako pagpumayag na si Dei, gagawin po namin yan."
"Salamat iho. Basta mahalin mo ang anak namin." Si Tatay pa rin.
"Opo. Hindi na po ninyo kailangang sabihin sa akin dahil yan po ang pangarap ko ang mahalin at pagsilbihan ang anak ninyo." Sagot naman ni RJ.
"Kung ganun, iho ibinibigay na namin ng Nanay niya ang basbas sa inyong dalawa." Sagot ni Tatay.
"So Balae na tawagan natin, Dodong, Sally?" Sabi ni Tita.
"Balae!" Sagot ni Tatay.
"Dei, anak halika na nga dito. Alam kong naririnig mo ang usapan namin." Tawag ni Nanay.
Nahihiya akong lumapit. Ganun pa man, tumayo si RJ para kunin ang kamay ko at alalayang umupo sa tabi niya. Pinagsalikop ni Tita ang kamay namin at hinawakan niya ito.
"Dei, anak sana pumayag ka ng pakasal sa anak ko. Alam kong maligaya siya sa piling mo."
"Naku, Tita..."
"Mommy. Mommy na itawag mo sa akin. Simula ngayon, magiging manugang na kita."
"Salamat po Tita, I mean Mommy Rose."
"O bueno, magpapaalam na po kami, Balae. Isasama muna namin si Dei at alam kong itong dalawa ay mag-uusap."
"Sige balae. Salamat sa pagdalaw." Sagot ni Nanay na halatang masaya pero malungkot din.
Bago kami umalis ay nagpaiwan ako ng ilang saglit kala RJ. Kinausap ko muna si Nanay at Tatay.
"Anak, nawa ay lumigaya ka sa piling ni RJ." Sabi ni Tatay.
"Tay, Nay, di pa po ako tinatanong ni RJ."
"Gusto mo na ba magpakasal?" Tanong ni Nanay.
"Gusto ko po kaya lang di ko pa po naisasaayos ang buhay ninyo dito. Di ako pwedeng umalis na hindi kayo kasama."
"Anak, huwag mo kaming alalahanin. Alam naming magiging masaya ka sa piling ni RJ. Masaya kami para sayo." Sabi ni Tatay.
"Tay, Nay, matagal pa siguro yun. Wala pa nga akong suot na singsing o. Di pa nagpropose ni RJ. Kaya dito pa ako. Magkakasama pa tayo ng matagal."
"Alam ko anak. Pero malapit na. Sa tono kase ng pananalita niyang nobyo mo, gusto ka na niyang kunin sa amin."
"Ayaw po ba ninyo, Nay, Tay?"
"Hindi sa ganun anak. Gusto ka naming lumigaya, at kung si RJ ang magbibigay nun, di na kami hahadlang. Basta anak, huwag mo lang kalilimutang mahal ka namin at nandito lang kami." Sabi pa ni Tatay.
"Tatandaan ko po iyon. Huwag kayong mag-alala matagal pa ako mag-aasawa."
"Hay, anak! Sige na umalis ka na. Hinihintay ka na ng nobyo mo at ng biyenan mo."
"Hahaha. Nanay talaga o."
"Umuwi ka ng maaga at magluluto ako ng sinampalukang manok na Tagalog."
"Talaga Nay? Para kay kuya lang yun ah?"
"Mahal kita anak. Si kuya mo minsan lang dito kaya ipinagluluto ko ng sinampalukan. At dahil mahal din kita at malapit ka ng mag-asawa, masanay ka ng ipagluto rin kita nun."
"Mahal ko rin kayo Nay. Kayo ni Tatay."
"Sige na! Magdrama pa kayong mag-ina. Ingat kayo anak."
"Sige po."
Masaya akong umalis kasama si RJ at si Mommy Rose. Tumuloy kami kala Sam dahil doon sila tutuloy ng dalawang gabi bago bumalik sa Manila.
BINABASA MO ANG
Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)
FanficA Maichard AU story. Richard James Reyes, a rich playboy meets Dei Capili, a simple girl. Find out the twist to this Love-Hate Relationship founded in the secluded paradise in the South. Disclaimer: This is an experimental project I've been workin...