13

2.2K 117 3
                                    

RJ

Medyo maayos na ang pakikitungo niya sa akin. At kahit medyo mabilis ang pagdiskarte ko sa kanya, hindi pa rin siya naniniwala. Sa akin naman kase ay wala ang tagal ng pagkakakilala para masabi mo ng pwede ka ng magpahayag ng pag-ibig sa isang tao. Bakit ko pa patatagalin? Kaya lang ibang klaseng babae si Dei. Hindi siya yun tipo ng babae na tulad  ng naikama ko. Siya yun tipo na nirerespeto. Nililigawan. Itutuloy ko ang balak ko. Dapat kong patunayan sa kanya na seryoso ako.

Hindi pa rin tumatawag si Daddy para balitaan ako ng developments sa paghahanap kay Mommy. Wala pa rin balita kung nasaan siya. Buhay pa nga ba siya? Hindi ko na alam. Pero umaasa ako.

Pagkatapos kong maligo at mag-agahan ay dumiretso ako saglit sa site. Hindi pa rin naman sila nagsisimula dahil medyo maaga pa.

Nakibalita ako sa mga kasamahan ko kung lahat ba ng materyales sa pagpapatayo ng resort ay kumpleto na. Sinabi ni Engineer Jose na kumpleto na daw. Kaya wala na akong dapat pang alalahanin.

"Bossing, kamusta date ninyo nung magandang dilag?" Tanong ni Jose.

"Okay naman. Di pati date yun. Sinamahan lang ako nung tao."

"Mukhang di ata gumagana ang karisma mo dun, boss ah?"

"Tumigil ka nga Jose. Ibang klaseng babae si Dei. Hindi siya kaladkarin."

"Wow! Boss, parang laki ng pinagbago mo ah. Mula kase ng makilala mo yan si Dei, parang bumait ka at naging simpatiko." Si Jose pa rin.

"Ganun talaga. Isa pa nakita ko na ata yun babaeng para sa akin. Yun panghabang-buhay na."

"Grabe, Boss RJ, inlove ka nga. Proud na proud ka e!"

"Di pa naman love pero papunta na dun. Basta ang alam ko gusto ko siyang laging kasama."

"Patay tayo diyan. E di lagi ka na dito sa Quezon project?" Tanong ni Wally.

"Siguro. Oo. Pero kailangan ko rin kase bumalik sa Maynila kaya kailangan mapasagot ko na si Dei."

"Kahapon mo lang nakilala, pasagutin agad? Bilis mo Boss!"

"Naku basta di ninyo alam. Matagal ko na siyang nakilala."

"Kwento mo naman boss." Si Jose.

"Huwag na. Basta yun kahapon, di yun ang una naming pagkikita. Nakilala ko na siya. Kaya nga liligawan ko na agad e."

"Ibang klase ka palang mainlove Boss. Todo, sagad pa." Si Wally.

"Mga gago. Walang halong bastos dun ah! Seryoso lang ako sa kanya. Teka tulungan ninyo naman akong manligaw. First time ko e. Di kase ako sanay na manligaw, lagi kase ako hinahabol."

"Aysus! Mayabang talaga itong si Boss." Sabi ni Wally.

"Dapat lang o. Lalim ng dimples, tisoy pa, at ang laki ng muscles. Madami ng nalalaglag ang typan!" Si Jose.

"Tama na yan. Paano ba nga kase manligaw?"

"Ganito kase yun, dumalaw ka muna sa bahay. Magpaalam sa parents niya na manliligaw ka." Simula ni Wally.

"Parents? Di kaya tagain ako ng tatay nun?"

"Anu ka ba? Yun nga ang thrill dun. Kase kapag napapayag mo yun magulang, yun anak madali ng sasagot." Sabi naman ni Jose.

"Ah ganun ba? E paano ko liligawan yun parents?"

"Pumunta ka dun. Magdala ka ng kahit ano sa magulang. Pagkain, bulaklak, cake. Kahit ano! Wag lang pera ha! Mainsulto yun." Dagdag pa ni Wally.

"Okay, tapos?"

"Basta sabihin mo yun pakay mo. Magpakatotoo ka brother, yun lang." Dagdag pa niya.

Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon