17

1.8K 111 2
                                    

RJ

I was observing Dei habang busy ito sa pagtatrabaho. Masasabi ko talagang magaling siya. Hindi ako naiinip kahit wala akong ginagawa. Hindi ko siya inabala. Ni hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Basta masaya ako at kuntento sa pagpanuod sa ginagawa niya. Naaaliw ako sa mga facial expressions niya lalo na kapag nakapout. Lalo siyang gumaganda.

In between sa pagtingin kay Dei ay nagtetext ako sa opisina sa Manila. Kinamusta ko na rin ang paghahanap kay Mommy. Ganun pa rin. Wala pa ring balita. Aaminin ko, nakahinga ako sa pag-aalala sa paghahanap kay Mommy, dahil kay Dei. Isa talaga siyang pampasigla sa buhay ko. Nakikini-kinita ko ang mga ngiti ko sa salamin dahil kay Dei.

Nung magtatanghalian na ay naisipan kong lumabas. Napansin kong busy pa rin si Dei sa trabaho niya kaya hindi na ako nagpaalam. Bumili ako ng pagkain namin sa tangahalian. Alam kong gutom na gutom na yun at pagod na rin. Naisip kong bumili na lang ng pagkain sa fastfood. Idinamay ko na pati yun dalawang kaibigan ni Dei. Para naman may maging kakampi ako sa panunuyo sa kanya.

Pagbalik ko ay napansin kong parang napabuntung-hininga si Dei. Nag-alala kaya siya dahil umalis ako. Nakita ko sa mga mata niya na parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Posible kayang gusto na rin niya ako? Sasagutin na kaya?

••••••••

Dei

Aba, ako'y natutuwa. Si Patty at si Sir Sam nagsusubuan ng food? May hindi naiikwento sa akin itong babaeng ito e.

"Good afternoon, Sir Sam." Bati ni Tinay.

"Kain na kayo. Sabay na kayo sa amin ni Love ko."

"Sir Sam, Miss Pat? Kelan pa? Tanong uli ni Tinay.

"Huy, huwag ka ng magtanong Tins. Sir Sam, sige po sasabay na kami."

"Sam, may tinatago ka pala pare ha. Ayos lang bang sumabay kami ng girlfriend ko?"

"Dei? Kayo na ba ni Sir RJ?"

"Oo kami." Sagot ni Mokong.

"Very good. Mamaya mag-double date tayo, RJ. Masaya yun."

"Sige Sam. Type ko yan."

"Dei, congrats! Ang saya naman. Akalain mo sabay pa tayo nagka-boyfriend? Happy for you, friend." Tuwang-tuwang sabi ni Patty.

"Ay, hindi ako kasama?" Maktol ni Tinay.

"Sumama na rin kayo ni Paolo, Christine. Para masaya." Sagot naman ni Sir Sam.

"Yes! Sige po! Game kami ni Paolo." Excited na sabi uli ni Tinay.

Magsasalita na sana ako pero nagugutom na ako. Ngumiti na lang ako ng ngiting aso. Ang daming ganap ngayon. Grabe na ito.

Naisip ko na lang.

So ang gusto pala nitong lalaking ito e, palabas. Sige, sasakyan ko na lang muna. Tutal naman, nag-assume na ang walanghiya na kami na, pwes ibigay ang hilig.

Akalain mo yun, nagka-instant boyfriend ako. Kakatawa diba. Ang lakas ng dating nitong lalaking ito, halos lahat napasakay na sa palabas niya. Kase naman, ako din hindi ko naman maawat na ipagkalat na kami na kahit hindi naman. Kase, deep inside, kinikilig ako. Hahaha! Oo na, crush ko nga. Paano ba naman, bukod sa gwapo, may tinapos at lalung-lalo na may sariling negosyo. Buhay na ako nito habang buhay kapag ito napangasawa ko.

Pero siyempre, kunwarian lang. Sa harap lang nila. Pero sa aming dalawa, nevah! As in, wiz! Wala pang sagutang nangyayari. Dalagang Filipina ata ako. At di ako bibigay sa pagpapalalim lang ng dimples niya no!

A/N Bukas uli. Try ko, once a day. Thanks for the reads.

Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon